chapter 33:: #musika ng plawta

258 25 6
                                    

******

Nangalumbaba si Kaila. Nalulungkot siya sa sinapit ni Akurayat. Bigo pala ito sa pag-ibig.

"Bakit si Makurato ang pinili ni Selena?.samantala una niyang nakilala si Akurayat. Ito pa nga ang nag-alaga sa kanya noon hindi ba."litanya ni Kaila

"Ganoon talaga.. hindi naman kasi 'first come first serve ang love diba'."

Sumimangot ang dalaga. Bago pala nabuo ang dalawang tribo ay parang alamat na nagmula sa isang pag-ibig.

"May napansin ka ba story Kaila?" Tanong ni Era.

"Uhmnn..tulad ng ano?"

"Ang slow mo talaga."

"Hindi nga kase!"

"Kung si Makurato ang pinili ni Selena...at nagkaroon sila ng sanggol, bakit si Akurayat ang Pinuno ng tribo?"

Napaisip si Kaila. Hindi nga niya iyon naisip. Ngayon tuloy ay may pala-isipan nanaman siya.

"Narito lamang pala kayo."

Sabay na nilingon ng dalawang dalaga ang nag-mamay ari ng tinig. Nang makita naman nilang si Dakaryo iyon ay mabilis na tumayo si Era. Mapanuksong tingin naman ang ipinukaw ni Kaila sa kaibigan. Pasimple tuloy itong umiikot ang mga mata.

"O sige, isina-saule ko na si Era sayo." Nakangisi niyang sabi.

Umirap naman ang tinuran.

"Ano ako bagay?..hinihiram tapos isasaule?"inis nitong sabi.

"Sige na! Baka hinahanap narin ako ako ni Sakari."saad niya.

Kahit sa loob-loob niya'y imposibleng hanapin siya noon. Hindi naman noon kayang ipag-palit ang tungkulin para sa kanya.

Naglakad-lakad na lamang siya hanggang sa maulinigan ang isang uri ng musika. Hinanap niya iyon. Parang tunog ng plawta ang musikang ipinaririnig ng hangin.

Ngunit huminto iyon ng marating niya ang isang piging. Parang entablado ang lugar. Maraming batang indigenous ang naroroon. Ibat-ibang instrumentong katutubo ang kanilang nilalaro.Huminto ang mga iyon ng maramdaman ang pag-yapak niya sa sahig na yari sa kawayan.

Nginitian na lamang niya at saka dinampot ang isang bagay na naka-kalat sa sahig.

"Maari ba akong maki-sali?" Marahan niyang tanong.

Walang sabi-sabi naman na ini-abot sa kanya ang isang instrumento. Ginulo niya ang kulot na kulot na buhok nuong batang lumapit sa kanya.Yari sa kawayan na pinagdikit-dikit ang instrumentong iyon. Mayroon iyong katambal na pamatok. Puros mga instrumentong maka-luma ang lahat.

Umupo siya kasama ng mga bata.

"Hindi ko ito alam gamitin" ani ng dalaga.

Kumumpas naman ang isang bata na animo'y pinangunahan ang pag-tugtog. Puro pag-patok at palakpak ang ginagamit ng mga ito. Hindi pamilyar sa kanya ang iba pang instrumento..pero natitiyak niyang nakita na niya iyon sa aklat ng Hekasi at makabayang libro.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon