chapter 35:: #maling interpretasyon

266 20 0
                                    

*****

"Masusunod Ama. Hindi ko susuwayin ang inyong kultura. Pakakasal ako kay Mikayela. Hindi ko tatakbuhan ang responsibilidad ko sa kanya. Tatapusin ko rin ang aking pakikitungo kay Marikaya..Sabihin na lamang nating naaaliw lamang ako sa dayuhan. Wala naman akong pag-ibig kay Marikaya..nais ko lamang matuto ng panibagong kaalaman mula sa kanya. Upang sa aking pamumuno ay maisakatuparan ko ang pag-unlad at mag-tatag ng bagong kaalaman sa ating mga tao at nasasakupan. "


Nababalot ng ulap ang mga mata ni Kaila. Sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha sa kanyang malamlam na mata. Natutop niya ang sariling bibig, upang pigilin ang hikbing namumutawi..nais niyang takasan ang sakit..ngunit hindi kayang magsinungaling ng kanyang puso. Ang mga katagang binitawan ni Sakari ay matalim na balisong humihiwa sa katotohanan.

Alin ang totoo? Ano ang ibig sabihin ng maiinit na halik noon gabing nag-hayag sila ng damdamin sa isat-isa. Kaya pala hindi niya maaring tawaging nobyo ang binata...dahil kasinungalingan lang ang lahat.

Dire-diretso siya sa paglakad. Hindi niya alam kung saan siya magtatago..ayaw niyang may makakita sa kanyang pag-tangis. Subalit napahinto siya ng makita si Saul..limang hakbang siguro ang distansya mula sa kinatatayuan nito. Mapag-tanong ang mga mata ng binata. Parang magnet na lamang na lumakad si Kaila patungo sa bisig ni Saul.

Nais niya ng taong sasalo sa kanya, sa oras na mawalan siya ng lakas dahil sa sakit at sama ng loob.

Walang kamalay-malay ang dalaga na kanina pa siya lihim na sinusundan ng binata. Wari ay alam na nito ang mangyayari at handang sumaklolo para sa dalaga.

"Sinabi ko na sa iyo, kakailanganin morin ako sa oras ng lumbay." Turan ng mapag-damay na tinig ng binata.

Yumakap siya rito ng mahigpit..ewan niya pero parang natagpuan niya ang kapayapaan sa bisig ng binata. Magaan ang loob niya dito kaya hindi niya pansin na ilang araw pa lamang niya itong kilala. Nauunawaan naman siya nito. Hinagod ng binata ang kanyang likod upang bigyan siya ng kapanatagan.

Sukat ay nangahas pa siyang makinig sa usapan ng mag-ama..'di sana'y wala siyang alam sa tunay na pakay ng binata. Pinag-lalaruan lamang pala siya nito.

Sa kabilang banda, ang sitwasyon nilang iyon ay naging mapait na kahulugan para sa binatang minamasdan sila sa 'di kalayuan. Iba ang naging interpretasyon ni Sakari ng makita ang dalawa sa ganoong kalagayan.

Dito na kaya magtatapos ang pag-ibig na sinisimulan pa lamang sana?.

....

..

..

Umuwi si Kaila sa yungib. Tahimik ang paligid, animo'y nakikisama lamang sa kanyang malungkot na damdamin. Inayos niya ang kanyang gamit. Muli niyang itinayo ang tent na naroon. Napatingin siya sa batong malapad na nilalatagan ng dayami. Naalala niya ang binata noong iginuguhit niya ang kakisigan nito. Binuklat niya ang case at kinuha ang larawan.

Muli nanaman tumulo ang luha niya. Ginagamit lamang pala siya ng binata para sa bagong kaalaman. Sana'y nag-tanong na lamang ito kay'sa inangkin ang kanyang puso at iiwanan rin naman nang sugat na malalim.

"Pa'fall ka Sakari!. Sino ka para paglaruan lamang ang puso ko? Manloloko karin pala!.akala ko iba ka sa mga modernong tao?" sigaw ng isip niya.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon