chapter 87:: #regrets

307 15 5
                                    

*****
AN: Salamat nakaabot kayo sa chapter na ito. Salamat sa pagtitiyagang paghihintay at pagsubaybay. Hanggang sa huli mga kaibigan.😘😘😇🤗

Ibinagsak ni Kaila ang sarili sa kama. Salamat at nakauwi narin siya. Bumangon muli at nagtungo sa harap ng drawer. Bumuntong hininga at hinila ito saka kinuha ang itinatagong suitcase. Hanggang ngayon ay masinop parin niyang iniingatan ang mga iginuhit na larawan. Kinuha niya ang isang larawan at minasdan iyon.

Kaya pala, kaya pala hindi matahimik ang puso niya. Dahil tama pala ang hinala niyang iisa si Khael at Sakari. Gusto man niyang mainis at magalit, pero dinadaig ng pagmamahal ang damdaming iyon.

Itinago niyang muli ang case sa drawer at bumalik sa kama.

Now that she had found the truth, ano ba ang dapat niyang maramdaman?. Kanina nga sa byahe ay hindi na muna niya kinompronta si Khael. Kasama kasi nila si Lola Felisa sa byahe. Nakakahiya naman kung susumbatan niya ito ng ganoon.

Bumuntong hininga siya, at napakaraming tanong sa isipan na parang mga planetang umiikot sa ulo niya.

Mayroong pagkakataon na sana pala, hindi na lamang niya inalam ang katotohanan. Saan siya dadalhin ng katotohanan ngayon? ---- Sa kaba, sa takot at pangamba? Na baka bumalik si Khael sa tribo at maiwan siyang nag-iisa.

Nakakapagtaka. Nagtungo siya sa tribo na maaari siyang mapahamak, ni hindi niya alam kung ano ang daratnan niya roon...pero pinagpatuloy parin niya. Natagpuan naman niya si Sakari doon e. Pero wala siyang napala sa pagtungo roon maliban ang pagka-tuklas sa buhay ni Era ngayon, na hindi parin malinaw sa kanya.

Pagkatapos ay bumalik siya at natagpuan naman si Khael...paano nangyari iyon? Kaya siguro pakiramdam niya noong araw na iyon ay may nakamasid at nakasunod sa kanya. Maaaring si Khael nga iyon.

Samantala, aligaga naman si Khael. Pinatulog na niya ang kanyang Lola sa kwarto at sa salas na lamang siya. Kailangan niyang baguhin ang plano at isagawa ito bukas na bukas rin. Alam niyang nais magtanong ni Kaila kanina...pero nanatili itong tahimik dahil malamang ay nahihiya ito kay Doña Felisa. Mas lalo tuloy siyang kinakabog ng kaba.

"Hello, Ivoni...lets change the plan."ani niya matapos kontakin ang numero ng kanyang manager. Higit na mas matanda ito at halos kasing edad ng kanyang Ina. Pero nasanay na kasi siya sa ganoon lamang niya ito ituring. Iyon rin naman ang gusto ni Ivoni ang magpabata.

["Why? E halos tapos na natin ang set. Baka magahul na tayo nyan."]

"No. After my interview tommorow lets have the private party. Doon nalang natin gawin ang plan. Alam na ni Kaila ang totoo...I accidentally found her in Lola's house."

["Whoat! Omg! Okay..lets change it. Pero nakakasiguro kabang alam na niya?"]

"Yes, I saw it on her eyes. I'm worried that she is act cold to me now..*sighing. Just lets change the plan Ivoni."

Ibinaba na niya ang cellphone. Bukas ay may talked show interview pa siya. Kailangan niya iyon paghandaan lalo na't halatang may gusto sa kanya si Shanaya. Kailangan niyang maging normal lang dito at ipakita sa viewer ang totoo. Ayaw na niyang magpanggap pati sa harap ng camera. Ayaw na niyang kontrolin pa siya ng kahit na sino.

Kung kailangan niyang isiwalat ang damdamin niya sa buong mundo gagawin niya, para kay Marikaya.

KINABUKASAN, nagtext si Shamille na pumasok muna si Kaila sa trabaho niya. Nalaman rin niyang natapos na ang shooting noong isang araw pa. Nagtataka nga siya, ang alam niya'y ngayon pa lamang tatapusin pero mukhang may nangyayaring kakaiba. Parang pati trabaho ay nakikipaglaro sa kanya.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon