chapter 64::#meet him as a new person

270 18 3
                                    

******

Butil-butil at namumuo ang pawis sa noo ni Kaila ngunit hindi ito nahuhulog tulad ng puso niyang tumitibok na parang nais rin kumawala sa loob niya.

Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay parang hindi totoo at guhit lamang ng kanyang imahinasyon. Pero paano niya ipapaliwanag ang mukha at kumpletong pangangatawan ng lalaking ito na tila kakambal at hinating mansanas mula sa lalaking naging bahagi ng buhay niya noon.

How could this unbelievable thing happen right now?

...
..
..

"Sorry Mrs. Camille masyado kasing maraming trabaho...alam mo naman sa industriya namin diba." ani ng kausap ng Ginang na halatang binabae base sa pananalita at malantik nitong mga daliri.


"Its okay, better late than never naman diba." Sagot naman ng Ginang.

"Yeah right!..anyway, ito nga pala si Khael ang bagong modelong hawak ko." pakilala nito sa binata.

Ngumiti naman ang binata dahilan para lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Moreno at kakaiba ang kulay nito na nagpatingkad pa sa kakisigan. Idagdag pa ang mahaba nitong buhok  na siyang nagdala sa kalaparan ng balikat nito.

Titig na titig si Kaila at Shamile sa naturang modelo. Kung noong una ay pinapasadahan lamang nila ang mukha ng binata sa magazine ngayon ay printeng-prente na nilang minamasdan ito ng harapan.

"Oh! Dont be starstruck too much girls" puna ng natatawang manager ng modelo. "Dont worry, makaka-trabaho nyo na s'ya sa industriya ng showbiz if you accept our showbiz proposal. But meet him first ofcourse!..He is Khael Bryle Israel my stunning model that soon to be actor under my directory  as his manager too"

Tinugunan siya ng matamis na ngiti ni Mrs. Camille.

"And luckily....this is Shamil Reco one of my best editor in Precious page and next beside her is Merry Kaila Dela Cruz."

Napahawak si Kaila sa glass of juice na parang natuyuan siya ng laway at hindi makuhang magsalita.

"Hello po." bati lamang ni Shamil

"Nice to meet you Shamil...Im Ivoni Herbas manager ni Khael." Ani ng malantik na manager saka nakipag-beso kay Shamile. Saka humarap naman ito kay Kaila. "And nice to meet you too Merry Kaila. Ikaw pala ang author behind Thesis Inlove with the Indigenous...your so, very creative." ani ng manager sabay ngiti naman ni Kaila at nakipag-beso narin.

Habang abala sa pag-uusap si Kaila at ang manager ,tamang nagpakilala naman ang modelo sa Ginang at Kay Shamile.

"Khael Bryle Israel, how sexy naman ng pangalan mo. Is that your name?" Ani ni Shamil.

Natawa naman ang Modelo na siyang umagaw sa pansin ni Kaila. Sa halip pakinggan ang mga sinasabi ni Ivoni ay nakatuon ang pansin niya sa binata at ngumingiti lang sa manager kahit walang naiintindihan.

"No, Khael Bryle is actually my screen name...And Israel is my last name." Ani ng binata.

Tumango-tango naman si Shamil at ang Ginang. Kay Khael narin napunta ang pansin ni Ivoni at Kaila.

"So, hindi pa include ang middle mo right?. But anyway, its not the matter, ang mahalaga ay ang mapag-usapan natin ang business proposal natin sa isat-isa." Ani ng Ginang.

"Yeah, so Khael meet your chosen writer Merry Kaila." introduce ng manager nito.

Biglang kumabog ang dibdib ni Kaila. Naging slow motion ang tingin niya sa kamay ng binata na halatang makikipag-daupang palad ito.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon