chapter 5:: journey to indigenous tribe (fate)

448 26 0
                                    

*****

       Prepirado na ang mga gagamitin ni Kaila  para sa journey to Indigenous tribe. Pinili niyang dalhin ang mga folded things gaya ng tent.


"Gumawa na ako ng mga marka sa daraanan ninyo. Marikaya---"

"Merry Kaila po" pagtutuwid ni Kaila

"Marikaya ipangako mo, na anuman ang masumpungan mo sa tribo namin ay iyong pahahalagahan at hindi ninyo ipagsasabi kaninu man" paliwanag ng matanda

"O-opo" sagot nalang niya kahit nawiwirduhan sa matandang inday

"Its Merry Kaila not Marikaya" gusto pa sana niyang idugsong pero hinayaan nalang niya.

Halos hindi nga siya nakatulog sa kakaisip kung anong mangyayari sa pupuntahan nila. Kung makakabalik pa ba sila ng buhay o baka duon na sila gilitan ng ulo.

Sinundan nila ang markang sinasabi ng matanda. Nakatusok sa lupa ang mga parte ng bagwis either ibon or nang manok. Minsan pa ay nahihirapan silang hanapin kung saan nakatusok.

"Ugh! Asan na ba? Naliligaw na yata tayo e" reklamo ni Mae

"Sige maghanap lang kayo baka nariyan lang yon!" Sabi ni Kaila

Samantala naupo nalang si Mike sa isang bato. Halata ang pagsuko nito at katamaran sa paghahanap.

"Can we back-out now? Malayo na tayo pero parang wala naman e!" Reklamo nito

"Oo nga! Masakit na talaga yung binti ko"  sang-ayon ni Era

"Pwede ba! Pare-pareho lang tayo napapagod e kung tumutulong kayo maghanap di sana nakita natin!" Naiinis na sigaw ni Kaila.

Padabog niyang hinawi-hawi ang mga damo. Hindi man niya aminin pero gusto narin niyang sumuko.

"Kai! Come here I found something" tawag ni Kennet.

Mabilis naman siyang tumalima. Tinuro ni Kennet ang isang puting bagay na nakatusok sa lupa. Kinuha iyon ni Kaila at sinuring mabuti.

"Wild pig tooth?"  Hula niya

Hinawi niya ang ang matataas na damong maaaring humaharang sa daan. At tama nga siya may parteng malinis doon. Bumuntong hininga siya ng makitang sumusunod parin ang mga kasama kahit halata ang mga pagkairita.

Dahil mahaba-haba na ang nalakad nila huminto muna siya sa ilalim ng isang puno na hindi gaanong mataas. Sapat para magbigay lilim sa ilalim nito. Pero nagtaka siya ng hindi kumikilos sa kinatatayuan ang mga kasama.

"Hey! Aren't you tired? Magpahinga muna tayo" saad niya.

"Dont move!" Sigaw ni Kennet

"Ha? Wh---"

"I said Dont move!"

Kinabahan siya sa mga reaksyon ng mga kasama. Tila mga takot na takot ang mga ito.

Dahan-dahan ang pagkilos ni Kennet at may kinuha sa bag niya. Isang folded stick ang kinalag nito at humugis na sibat.

Namilog ang mata ni Kaila ng iharap sa kanya ang sibat. Halos manginig ang buo niyang kalamnan sa ginagawang pagtitipa ng binata.

Halos mahulog ang puso niya ng ihagis na nito ang sibat. Napapilig ang ulo niya sabay ang pagpikit ng mga mata. Naramdaman nalang niya ng hilain siya ni Kennet at yinakap ng pagkahigpit.

"Im sorry." Bulong nito

Kumalas siya ng pagyakap at nilingon ang sibat. Nakita niya ang nakatusok na ahas sa tulis ng sibat. Kung susumahin malapit na pala iyon sa kanya.

Hindi niya alam kung paano magpapasalamat. Samantala nangangatog ang tuhod ni Mae.

"Ayoko na! I can't take it! Umuwi na tayo. Kai. Ayoko nang gawin ang thesis na yan. What if hindi lang ahas ang nakatira dito? What if mapahamak pa tayo?"

"Mae naman. Halos malapit na tayo O!" Sagot ni Kaila

"Malapit? Bakit may natatanaw ka na ba? Halos gubat lang ito Kai. Walang tribo at kahit na ano kundi puno at damo lang!" Reklamo ni Mike

Sumagi sa isip niya ang sinabi ng matanda. Na tanging kapalaran lang ang maghahatid sa kanila sa tribo. At dalawa lang sa kanila ang may kapalaran noon.

Nagtatagis ang mga ngipin niya sa isipang iyon.  Siguro nga tama ang inday. Siguro nga hindi sila makakarating ng sama-sama.

"Sige. No matter what ...itutuloy ko parin ang thesis na to! Kung ayaw nyo na just Go." Naluluha niyang sabi

"Kai. Please umuwi na tayo. Wala tayong mararating."

"But..we almost here Ken."

"Kai. Tama si Mike. Kaya please bumalik na tayo"

"Pati ba naman ikaw Ken. Susuko nalang kayo? Nasimulan na natin e. What if malapit na pala tayo?"

"What if? Lagi ka nalang what if Kaila! Edi sige. Tapusin mo mag-isa ang thesis na yan. Tutal ikaw rin lang naman ang sumang-ayon kay Sir Gallego. " atrabida nanaman ni Mike

Naiinis na talaga siya sa lalaking ito. Kanina pa ito reklamo ng reklamo.

"Ako lang!" Pumalatak siya ng tawa "Ako lang ba? Grabe naman Mike. Hindi bat sumama ka lang naman sa amin dahil wala kang member even one of your friends. And I dont need you anyway." Hindi niya napigil na sitahin ito.

"Im sorry" sabi nalang niya sa isip niya. Napailing naman si Kennet sa sinabi niya.

"Bakit ba gusto mong gawin ang thesis na to Kaila?. Muntik ka nang mapahamak. Lets just talk with the Direktor and make a deal with him. Baguhin na natin ang Title." Litanya nito

"Baguhin? Baguhin Ken? You dont know how many time we tried to find the title na susuportahan ng mga Panel. Sige nga! Anung ipapalit natin? If theres any, then i give up on it."

Napakamot sa ulo ang binata.

"Bakit ba gusto mo tong gawin?  Is this you want? Or the Direktor's want?"

Napalunok siya ng laway sa tanong ng binata. Hindi rin niya alam kung bakit. Pero dahil sa ito ang gusto ng Direktor ay gusto narin niya. Besides alam niyang tutulungan siya nito. At isa pa, itinuturing niya itong ama. Sa oras na kailangan niya ng ama ay palaging nariyan ang Direktor. Yung nauunawaan siya at sinusuportahan.

Napaupo siya sa alalahaning iyon. Gusto niyang humanap ng suporta kung kayat ginagawa niya ito. Kinakain rin siya ng kuryosidad sa kapalaran na sinaad ng matandang inday.

"I want this." Sagot niya sa tanong ng binata kahit hindi sigurado.

"Nababaliw kana Kaila! Then, kung itutuloy mo pa ang paghahanap ng tribong yan pwes! Ako ayoko na" sabi ni Mike sabay nang pag-lakad palayo

Sinundan niya ito ng tingin. Lumipat ang tingin niya kay Mae at Era.

"Im sorry Kaila." Sabi bigla ni Mae ng nakayuko.

Sumunod rin ito kay Mike palayo. Halos panghinaan na siya ng loob. Pero inalala parin niya ang sinabi ng matandang inday.

Hindi lang siya mag-isa. May kasama siyang makakarating sa tribo.

Tumayo siya at muling naglakad. Naramdaman naman niya ang pagsunod ng dalawa.

Hindi pa siguro sila nakakalayo sa pinanggalingan ng hawakan siya ni Kennet sa braso.

"Kai. Please! I dont want to go but I can't leave you. You know that I love you. So, please umuwi na tayo. Hindi naman kita iiwan sa research study e. Iisip nalang tayo ng bago. Kai--"

"Ken! If you dont want to do this...your free to go back with Mike and Mae...you too Era."

Napayuko si Era sa turan ni Kaila. Nung una ay hindi natitinag sa kinatatayuan ang dalawa. Pero maya-maya ay umalis narin ang mga ito.

Nanlulumo siya at napatitig sa dalawa niyang paa. Pinilit niyang humakbang upang magpatuloy. Pero tatlong mabibigat na hakbang pa lamang ang nagagawa niya ng may humawak sa balikat niya.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon