chapter 37:: #Kailan magiging totoo ang katotohanan?

240 19 1
                                    

*****

Papalapit na ng palapit ang araw ng pakikipag-isang dibdib ni Sakari kay Mikayela. Pero sa halip maging abala sa tribo ay mas pinili niyang masdan ang dalaga at magnakaw ng mga papel sa kwaderno nito.

Lihim niyang pinapanood ang bawat kilos nito at saka iginuguhit. Natatawa pa siya kapag pilit nitong hinahanap ang kina'roroonan niya. Walang malay ang dalaga na pirmis lamang siyang nag-tatago sa malalaking sanga sa itaas ng akasya.

Kutob ni Sakari ang plano ni Marikaya...kaya naman isang laro ang kanyang pin'nlano...

...
...

...

Sumapit muli ang ika-apat na gabi sa pananatili ni Kaila sa kanyang lungga. Isang burnfire muli ang kanyang ginawa.

Maaga niyang isinarado ang kwaderno. Ngunit naghihintay lamang siya ng oras. At gayon nga ang nangyari.. hindi nauubos ang siklab ng apoy sa labas. Nakarinig siya ng kaluskos. Ngunit ng silipin niya sa labas ang hinihinalang si Sakari ay parang iba ang pakiramdam niya ngayon.

Kapag hinala niyang ang binata ay nasa malapit lamang tiyak ay lumalakas ang kanyang kutob. Ngunit kahit tibok ng puso niya ngayon ay hindi niya marinig. Sumilip siya sa maliit na puwang ng kwaderno.

Sino ang lalaking ito na marahang inaayos ang gatong ng apoy.

Nakatalikod ito ngunit mayroong tibabal na parang nilalamig. Maya-maya'y tinanggal iyon at lumabas ang mahaba nitong buhok. Nabuhayan ng loob si Kaila. Si Sakari nga ang lalaking iyon.

Binuksan niya ng mabilis ang tent saka lumabas.

"Sakari?" pigil niyang tanong at mangiti.

Pero parang nagitla naman ang binatang nakatalikod ng tinawag niya ito. Siguro'y hindi akalain na mahuhuli siya sa akto.

Marahan itong lumingon. Tuwang-tuwa naman si Kaila at masyadong excited. Pero...

Laking bigo niya ng si Dakaryo ang lumingon. Napaupo siya at napayuko.

"B-bakit?" utal naman na tanong ng binata.

"Buong akala ko'y si Sakari ang gumagawa niyan para sa akin. Pero salamat parin ha." Tumayo ang dalaga at pinilit ngumiti. " malalim na ang dilim. Umuwi ka na Dakaryo..salamat sa pag-aabala." Malungkot na sabi ni Kaila ngunit pinilit itago iyon.

Pumasok uli siya sa kwaderno at nahiga. Pero hindi parin siya panatag..ilang beses niyang sinilip ang apoy..unti-unti na iyon namamatay. Bigong-bigo siya. Akala niya'y magbabalik na ang dati nilang pakikitungo ni Sakari sa isat-isa.

...

...
.

..

Samantala, hinintay ni Sakari ang pagbalik ni Dakaryo sa kanyang yungib.

"Pinuno!." Mabilis siyang tumayo.

"Dakaryo..narito ka na pala" pag-papanggap niya.

Naiiling naman ang binatang tinuran.

"Patawad..ngunit hindi ako nag-tagumpay. Maingat akong kumilos at ni'kaunting ingay wala akong nalikha ngunit tila naramdaman parin ako ni Marikaya at ikaw ang kanyang tinuran."

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon