Intro

1.6K 46 4
                                    


*****

Halos maluha si Kaila sa huling yugto ng kanyang manuscript. Pero ano bang magagawa niya kung hindi talaga fairytale ang patutunguhan nito.

"Kaila! Hindi pwedeng ganito ang wakas. Walang readers ang umaasa sa wala!. Readers are always waiting for a happy ending! " reklamo ni Shamile.

Editor niya ito sa Precious-page na pinagtatrabahuan niya. At the sametime ito narin ang naging kaibigan niya sa buong taon na pagtatrabaho kasama nito.

"Hindi naman lahat happy ending e. Alam mo naman kung bakit ko to ginagawa diba?"

Pekeng tawa ang naibulalas ni Shamile sa kaibigan.

"To what? para i-save at gawing history ang sawing pag-ibig mo sa taong bundok na yun. Kaila naman! Ano to? sa bawat mambabasa kailangan natin mag-explain ha?"

Nagtiim bagang ang dalaga. Pinipigilan niyang huwag maging arogante sa kaibigan. Paulit-ulit nalang kasi itong nanenermon sa kanya.

"Hindi yun ang punto ko Shamile" buong pagtitimpi niyang tugon.

"Look. Sikat na sikat ang story mo. Lahat ng tao hinihintay ang bawat update kung magkakatuluyan ba si Sakari at Marikaya. Ano nalang ang magiging ending nito? The ending is one of the most important thing Kaila.! You should know this."

Hingang malalim si Kaila. May punto naman kasi ang editor niya. Pero hindi talaga ito ang napapakong gusto niyang mangyari. Dahil hindi naman talaga ito ang ending ng story.

Actually, its about the Researcher who've got inlove with the Indigenous. The character was Sakari and Marikaya. Si Sakari ang indigenous at si Marikaya naman ang Researcher. Magtatagpo sila sa mundo ng makaluma at tradisyunal na pamumuhay.

Binigyan pamalat ito ni Kaila which is...

Thesis: Inlove With The Indigenous.

Naging mabilis ang pagsikat ng libro niya. Kung kayat ganun na lamang ang paghihinayang ng kanyang editor.

"Kaila. Please! Dont focus about the reality. Isipin mo naman ang mga readers na umaasa sa happy ending." Litanya nito.

"Shamile." Mariin nitong sabi "Naiintindihan ko editor ka ng story ko. Pero wala akong pakiaalam kung kung hindi nila magustuhan ang wakas. Hindi ko to ginawa para sa kanila! Hindi ko sila prayoridad.This is my story! At kung ano yung wakas iyon din ako."

Sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman hindi na niya mapigilan mapahagulgol sa harap ng kaibigan.

"Kaya maraming broken e! Kasi naniniwala sila sa happy ever after! Naniwala kami na kapag naging masaya sa una ganun din sa huli. Pero the fact na walang fairytale! *sob* Sana nga e! Sana nga kaya morin
i-edit yung sakit na nararamdaman ko. Pero editor ka lang! *sob* Hindi mo alam kung ano yung dahilan at kung paano ko nagagawa ang mga kwentong yan! Alam mo yung kwento pero hindi yung nararamdaman ko!"

Nanlulumo siya sa katotohanan. Katotohanan na hindi natapos sa happy ending ang kwento ng kanyang pag-ibig at ng kanyang manuscript.

Matapos ang emosyonal na pakikipag-diskusyon sa editor itiniklop na niya ang laptop at inayos ang mga papel sa office table. Dumaan siya sa comfort room at inayos ang sarili.

"Haist!. 3 years ago. Pero hanggang ngayon hindi parin kita nalilimutan" bulong niya.

Naisipan niyang dumaan sa magazine store para naman mabawasan ang depresyon. Nakahanap siya ng bago doon kaya minabuti niyang buklatin. Hindi niya alintana ang oras na nasasayang dahil sa kuryosidad sa mga bagong modelo. Naisip kasi niyang suriin ang mga banyagang mukha dito. Makatutulong ito para sa iba pa niyang manuscript na ginagawa. Gusto niyang humanap ng tamang description para sa mga characters na gagawin niya.

Minsan kasi ay nahihirapan narin siyang gumuhit ng mga mukha sa kanyang pagsusulat.

Napahinto siya sa pagbuklat nang tumambad ang isang halos hubad na katawan ng lalake. Isang hubad na katotohanan o sadyang hanggang ngayon ay hinahanap parin niya ang nagmamay-ari ng kanyang puso. Kumakabog ang dibdib niya sa larawan na ngayo'y kanyang sinusuri ng mabuti. Hindi siya maaaring magkamali. Si Sakari ang modelong ito.

Ang buhok nitong bagsak at umaabot sa beywang. Ang kulay nitong kayumanggi at matipunong pangangatawan. Seryoso ang mukha nito sa larawan tulad ng kanyang inaasahan.

Pero bakit? At paano?
Paanong napunta sa syudad ang lalaking ito? At hindi lang basta syudad kundi nakaguhit sa larawan ng magazine ang brand ng USA. Kuha sa labas ng country ang larawan.

Posible bang kamukha lang ni Sakari ang lalake? o posible din na siya talaga ang lalaking ito. Nagha-hallucinate lang ba siya o sadyang totoo talaga. Sa kabila ng pagtataka hindi parin niya naiwasan mapa-hagulgol at yakapin ang naturang magazine.

"Mahal na mahal kita Sakari. Mahal na mahal"

Kung totoo man ang nakikita niya, hindi siya magdadalawang isip na hanapin ang lalaki. Sana ay tama ang hula niya. Na sana ay sinundan siya nito. Hindi siya napapagod mangarap na isang araw magkikita muli sila ng lalaking iniibig.

Imposible man dahil inosente ang lalaki sa mundo niya. Pero paano naman mangyayari ang pantasyang iyon. Imposibleng maging modelo ang lalaki. Sigurado siyang mangmang ito sa modernisasyon. Dahil malayo sa lugar ng pagiging modelo ang isang taong nabubuhay sa tribo ng makalumang panahon. Ang lugar na iyon ay hindi umiikot sa salapi kundi sa kalakalan ng mga yamang kalikasan at lalong walang lipunan silang tinatawag. Kundi mga pinuno at tradisyunal na pamamalakad.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon