chapter 63:: #wishing to see you again

284 23 5
                                    

*****

Tahimik na nag-eedit si Shamil sa loob ng kuwaderno ni Kaila.

Samantala, tila wala lamang paki-alam at nangangalumbaba lamang si Kaila.

"Hoy! anong iniisip mo?" Puna ni Shamil dahil kanina pa niya ito lihim na sinusulyapan.

"Bakit ba pinoproblema mo'ko?. Mag-edit ka lang diyan..sukat ba naman pabalikin mopa ko dito e wala naman akong gagawin." sagot ni Kaila.

Nginiwian lamang siya ni Shamil.

Tinapos na kasi ni Kaila ang mga assignment manuscript na pinapagawa sa kanya. Kaya tambak ang gawain naman ni Shamil na siyang editor nito. Ang masaklap pa ,ay hindi lang mga manuscript ni Kaila ang ginagawa niya kundi pati narin iba pang magazines na sakop ng opisina isama narin pati mga pulyetong pinapagawa ng mga Boss nila.

Tahimik ang dalawa ng may kumatok sa side door.

"Excuse me Ms. Shamil kanina pa tumutunog ang telepono sa room mo baka importante." Ani ng officemate nilang si Fina.

"Oh Mayy!!..hala baka si boss na yun..o sige, sige susunod na'ko. Thanks Fina!." nagmamadaling inimpis ni Shamil ang mga papel na ine-edit niya at saka nilabit narin ang laptop.

Samantala nag-open naman si Kaila ng internet. Kanina pa kasi siya nagde'day dreaming. Napapagod narin siyang magpantasya. Pero hindi pa man siya nakaka-umpisa magtype sa google box ng bumalik nanaman si Shamil.

Hiwa-hiwalay kasi sila ng silid para daw makapag-concentrate sa trabaho. Kailangan kasi ng peace of mind, hindi lang sa pagsusulat kailangan ng katahimikan even for editing syempre. Writing and editing is connected na kailangan mong unawain, at isa-puso yung ginagawa mo. Sabi nga nila, love your work then work will love you back. But in the main office sa first floor ay may kanya-kanya namang office table ang mga employee. Malawak ang site ng publisher nila, swerte nga lang si Kaila dahil pumatok agad ang mga creative story niya. Kaya heto siya at may sarili ng private office dahil sa promotion narin ng paminsan-minsang kabaitan ng mga Boss niya.

"Kaila, we have dinner tonight daw with ma'am Camille. So, you can go home na, text ko nalang later kung saan.See yah!" Ani ni Shamil sabay wave.

Kumunot lang ang noo ni Kaila. Ang weird naman kasi ni Mrs. Camille. Bakit kailangan ng dinner?

Nagkibit balikat na lamang siya saka nag-impis at umuwi. Uminom muna siya ng tubig bago dumiretso sa kwarto, sakto naman na dumating ang kanyang Ina galing yata sa palengke. May mga dala kasi itong gulay.

"O, kala ko ba'y nagpunta ka sa mga kaibigan mo sa Manila? hindi kaba natuloy?"

"Natuloy po Mah, e wala naman kasi sila e. Tapos binawi pa ang bakasyon ko kaya bumalik ako sa trabaho." Sagot ni Kaila.

"Ah, o sige kakarating mo lang ba? May lutong pagkain na riyan."

"Sige po. Matutulog lang ako Mah, may dinner daw kasi akong pupuntahan mamaya."

Dumiretso na siya sa kwarto. Bagsak agad sa kama dahil sa sobrang pagod.

Bumuntong hininga pa siya ng inilibot ang paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto.

Thesis: Inlove With The IndigenousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon