Chapter 19

3.8K 78 0
                                    

Butler George's POV

Sinama pa talaga ako ni Author. Ako nga pala si George. Ako ang naatasang magbantay dito sa pinatayong bahay este mansion ni HM. Pinasadya niya talaga ito para kapag may mission ang mga elementalist eh may matutuloyan sila.

At oo alam ko kung ano at sino sila. Galing din ako sa mundo na yun ngunit mas pinili kong dito na maninirahan sa mundo ng mga tao.

Sila ang mga anak ng Hari at Reyna sa iba't ibang kaharian. Sa murang edad nila, malalaking tungkulin na ang nakaatang na kelangan nilang magampanan. May tiwala ako sa mga batang iyon. Dahil alam kong susundan nila ang yapak ng kanilang mga magulang.

"George, luto na ang hapunan. Tawagin ko na ang mga bata." siya si Beth. Ang kasama ko dito sa mansion at tagaluto.

Maya-maya lang ay magkasunod na silang bumaba. Nakuha ng pansin ko ang prinsipe, ang nag iisang anak ng hari at reyna ng Fire Kingdom at ang tagapagmana ng trono. 

Manang mana siya sa kanyang ina. Malamig pa sa yelo kung magsalita kabaliktaran sa kanilang kapangyarihan na apoy. Ang kaniyang amang hari naman ang kasulukuyang Headmaster. Naputol ang aking pag iisip ng biglang magsalita si prinsesa Flora.

"Ambango naman po, nagutom tuloy ako lalo hehe" siya ang palakaibigan sa kanilang grupo.

"Palibhasa kasi lagi kang gutom tsk" may pagka mataray pero hindi maipagkailang mabait din siya.

"Tama na iyan mga bata, kumain na kayo para makapagpahinga na. Maaga pa kayo bukas" oo nga pala, bukas na sila papasok.

Habang sila'y kumakain, nakatingin lamang ako sa kanila. Sana, sa darating na digmaan magiging matagumpay kayo. Malaki ang tiwala ko sa inyo. Nawa, malampasan ninyo ang mga pagsubok na darating.






The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon