Chapter 72

2.8K 51 4
                                    

Kris POV

Naiwan kaming kapwa nakanganga ni Mia.

"Woah. Si Dem ba talaga yun Kris?" She asked.

"Tingin mo?" Kita niya namang si Demonica yung kasama namin kanina.

"Panira ka talaga Kris hmp." Sabi niya sabay walk out. Kaya hinabol ko siya, napakamatampuhin talaga ng babaeng 'to.

"To naman, joke lang. Masyado ka kasing seryoso." Inirapan lang ako ng gaga.

"Tara na nga puntahan na natin si Dem sa HM office." Mia said.

"Grabe, nakakatakot yung transferee, no?"

Is she referring to Demonica or the princess?

"Oo nga eh"

"Hindi ko talaga akalain na may ikakatakot pa pala ako, bro."

"Ako din bro. Akalain mo yun? Sa isang babae pa talaga?"

"Ano nga pangalan nun?"

"Demeni, Demony? Ah, alam ko na! Demonica. Tama Demonica."

So, it's Demonica.

"Galit na galit siya. Bakit kaya?"

"Yang, narinig mo yung sinabi nila?" I asked her.

"Malamang Kris may tenga ako." Siraulo talaga.

"Ano kayang nangyare?"

"Paano natin malalaman kung nakatayo pa tayo dito?" Ha?

And then I realized, malayo-layo pa pala kami sa HM's office. Bakit ba nakahinto kami dito?

"Masyado ka kasing tsismosa at hindi mo napigilang huminto." Aba't namumuro na 'to ah.

"Tara na nga lang." Sabi ko at nauna ng maglakad.

Nakarating ako ng HM's office. Ay kami pala, since ambilis makahabol ni Mia. I was about to knock but was stopped mid-air when I heard the headmaster talking.

"HM, you have to discipline that child. Kita mo naman siguro ang ginawa niya sa akin 'di ba? Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya sa anak ko at pati ako binastos niya." The guy said.

Nagkatinginan kami ni Mia at alam kong iisang tao lang ang nasa isip namin ngayon.

"Trina's Dad." Sabay naming sabi.

"Mr. Landre, pagpasensyahan niyo na, pero kasi, ang anak niyo ang nauna." HM's right. Trina's the one who started it.

"No! Kilala ko ang anak ko at alam kong hindi siya ang nauna!" Lol! Maniwala sayo.

"Mr. Landre, ipapakita ko sa inyo ang kuha sa CCTV para maniwala kayo na ang anak niyo ang nauna at hindi ang batang yun." Sabi ni HM.

Yes. May CCTV dito. Akala niyo sa mortal world lang meron? Meron din kami no. Mas advance pa nga eh.

"Edited ang mga yan HM. Hindi magagawa ng anak ko yan. Kung hindi mo di-disiplinahin ang babaeng yun, ako ang gagawa." Trina's dad said.

Talaga lang ah?

"Kung ako sayo, Mr. Landre, hindi ko gagawin yan. Hindi mo kilala ang batang yun, sinasabi ko sayo." Yan HM, ipaglaban mo si Dem.

"At hindi niya rin ako kilala HM." Trina's dad said, sabay bukas ng pinto kaya napatayo kami ng ayos ni Mia.

Pero bago pa siya tuluyang makaalis may pahabol pa si HM.

"Binabalaan kita Mr. Landre. Wag mo akong sisisihin kapag may nangyare sayo at sa anak mo." HM said, which made us confused.

Tuluyan ng umalis ang tatay ni Trina, pero kami ni Mia ay nanatili paring nakatayo sa labas ng pinto. Alam kong pareho kami ni Mia na iniisip yung sinabi ni HM. Anong ibig niyang sabihin dun? Kilala niya na ba si Demonica?

"Ehem!" Tawag pansin ni HM kaya nabalik kami sa ulirat.

"A-ah, hehe, hi HM." Mia said.

"Kung si Demonica ang sadya niyo, wala siya dito. Umalis na siya kanina pa." Okay?

"Sige po HM, mauuna na po kami. Salamat." Sabi ko sabay hila kay Mia.

"Aray ko naman Kris. Bakit ka ba nanghihila?" Tsk, ingay.

"Duh. Hanapin natin si Dem. Baka kung saan pa mapunta yun. Narinig mo naman siguro yung usapan ng mga marites kanina 'di ba?" Ang bruha, tinaasan lang ako ng kilay. Bunutin ko kaya yan pa isa-isa? Natawa naman ako sa naisip ko haha, ano kayang itsura ni Mia nun?

"Tinatawa-tawa mo dyan? Mukha kang tanga." Apakasungit naman ng beshy niyo.

"Meron ka no?" Napa poker face naman siya sa tanong ko.

"Tara na nga, kung ano-ano iniisip mo." She said, dragging me around.

Hilahan nalang kaming dalawa ganun?

"Saan ba natin simulang hanapin si Dem?" Mia asked.

Saan nga ba?

"Ah alam ko na. Sa kwarto niya. Tahimik dun, 'di ba gusto niya ng tahimik na lugar?" Napaisip naman siya sa sinabi ko at kalauna'y tumango.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" I said.

Kung ako sa lagay ni Dem? Magagalit din ako. Siya na nga yung inaway siya pa may kasalanan?

Bye muna guys. Hahanapin muna namin ang aming kaibigang yelo hihi. Yes, paladesisyon kami eh. From now on, friends niya na kami.

The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon