Chapter 47

3.5K 68 3
                                    

Ciara's POV

Wassup guys. Ciara De Vina Gracia is the name. Demonica's new friend, yeah, friend na kami at wala na siyang magagawa.

I know Demonica is a good person. Kahit naman palaging naka poker face yun, alam kong may kabaitan ang puso niya. Ayaw niya lang talaga siguro ipakita sa mga tao na may care din siya. Minsan kasi kapag pinapakita mong may care ka sinasamantala ng iba.

Nga pala, ako po ay simpleng mamamayan lang. Nakakakain po ako ng tatlong beses sa isang araw. Yes ako, dahil nag iisa na lang ako sa buhay. Namatay ang mga magulang ko dahil sinugod kami ng mga kampon ng Dark King. Wala akong nagawa noong mga time na 'yun dahil hindi ko pa gamay ang kapangyarihan ko.

Meron akong kapangyarihan ng tubig. Yes, isa ako sa mga sub-elements at superior ko si princess Kim pero hindi pa nila alam. Ayuko munang ipaalam sa kanila. Mas maigi na din 'yun para makagalaw ng maayos.

Isa pa baka hindi nila ako tatanggapin. Mahirap mamuhay mag isa. Pero kinaya ko at nag pursigi para makapasok dito. Gusto kong ipaghiganti ang mga magulang ko. Gusto kong pagbayarin ang mga may pakana kung bakit nag iisa na lamang ako ngayon.

Tama na nga ang drama. Tatanda ako ng maaga, nag promise pa naman ako kina mama at papa na magpapakatatag ako.

Anyways, balik tayo kay Demonica. Kahit anong mangyare, kahit ipagtulakan niya pa ako kakaibiganin ko parin siya.

Speaking of Demonica, nasan na kaya ang babaeng yun? Kanina pa ako dito sa next subject namin which is physical training pero hanggang ngayon wala pa siya.

Natakot yata sa akin kaya hindi na pumasok. Gusto ko lang naman kasi siya maging friend. Bahala na nga! Tatakas muna ako, hahanapin ko kung saan ang babaeng yun. Baka napaano na 'yun, madami pa namang inggitera dito lalo na si Trina.

Ang ganda pa naman ng beshy ko. Kulang pa nga ang salitang maganda sa kanya eh. Napaka perfect ng mukha niya, ang sexy pa hays sana lahat. Pero hoy, hindi ako naiinggit ha.

Bye muna readers, hahanapin ko muna ang bff ko. See you later!

The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon