Chapter 85

698 28 10
                                    

Mia's POV

I'm back, bitches! Sa wakas nakabalik na din kami ng academy after 4 months of hell training. Grabe mag-train si Demy mygod halimaw. But it's all worth it. I can say na mas lumakas ako ngayon, no scratch that, mas malakas na talaga kami ngayon. Demy just gave us a bracelet to conceal our aura, para hindi kami makahakot ng attention.

Sa loob ng apat na buwan, nasa loob lng kami ng training ground ni Demy na hindi rin namin akalain na meron siyang ganun sa ilalim ng mansion niya. Like yes, girl, she has a mansion; mas malaki pa nga compare sa mansion ng mga royal blood, eh.

Lahat na yata ng hayop nakasagupa namin dun. Wala kaming ibang ginawa ni Kris on the very first day of our training, kundi puro takbo at akyat ng puno lang. Ikaw ba naman habulin ng alagang lion ni Demy, tignan natin kung hindi ka ba tatakbo at aakyat ng puno. Kaso pag akyat mo naman may ahas na nakaabang, oh, 'di ba ang tindi tsk.

"Hoy Yang kanina pa kita tinatawag. Para kang timang dyan." Kris said.

"Tsk kita mong kinukwento ko sa kanila yung nangyare sa atin sa training eh." I replied.

"Alam mo Yang, I still can't believe we surpassed our limits; na dati akala natin hindi natin kaya." She said.

"Yep, and that's because of our best friend, utang natin sa kanya lahat." And that's true. 

"Kaya kahit ano mangyare, I'll forever choose Demy kesa dun sa mga royal blooded kuno." Kris stated.

"Me too, Kris, me too!" I said and smiled.

"Tara na nga Yang, baka nauna na si Demy walang tao sa kwarto niya eh." San na naman pumunta ang isang yun?

"Eh? Bakit hindi ko napansin? Kanina pa kaya ako nakatayo dito." I said.

"Paano mo ba naman mapapansin eh nakatulala ka. Alam mo namang parang hangin lng yun, napakagaling magtago ng aura niya." Nako, sinabi mo pa.

"Hehe, sorry." I said, showing her my peace sign.

"O siya, tara na at umpisahan ang paghahanap kay Demy." Kris said.

"Halaa tara, baka mamaya pinagkakaisahan na naman ng mga inggitera sa academy ang bff natin!" Shuta bat ko ba nakalimutan?

"Yeah, yeah, kaya let's go." She said at nauna ng lumabas.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapairap sa mga matang nakasunod sa amin. Maybe because those weaklings they have seen before are now walking proudly.

Yep! Sa training namin, Demy told us to aim higher, na wag pansinin ang mga taong mapanghusga. She may be quite hard to approach, but to tell you honestly, sobrang bait niya. Kahit mga maids niya puro paghanga ang masasabi pagdating sa kanya. Ang sabi pa nila, hanggang kamatayan paglilingkuran nila si Demy. Nakakatuwa na nakakaiyak, huhu sana lahat.

"Kyaaa Kris, Miaaa" Naknampupu! Makasigaw wagas?

"Hi guys, uhm, where's Demy pala?" Win asked.

"Hindi rin namin alam, wala na kasi siya sa dorm kanina pag alis namin." Kris answered.

So, bakit sila nandito? At kinakausap kami? Hindi sa nag-iinarte ako ah, nakakapanibago lang. May nangyare ba nung umalis kami?

"Wala din siya dito. Actually, kanina pa namin kayo inaantay akala namin magkakasama kayong tatlo." Winnona stated.

"Where is Kim?" Ay hala, did I voice it out?

Nagkatinginan lang sila.

"Ehem, she's not here yet." Flora answered. Something is off.

Eh, how about the princess? Hindi ba dapat kasama nila ito?

"Tara na nga, let's find Demy hihi excited na akong makita siya namimiss ko na ang kagandahan niya waaa." Flora said at nauna ng maglakad.

Sumunod nalang din kami sa kanila. Nasa pinaka huli kami ni Kris.

"Oo nga pala, sasali naman siguro kayo sa battle for greatness, no? May team na kayo?" Sam asks.

"Uhm, wala pa po." Wala pa naman talaga.

"Great! Then pwede kayo mamili kung saan niyo gustong team sumali. Actually, leaders kami ng bawat team." Drake said.

"Just Choose what team; don't worry about your element. Hindi porket nasa team ka ni Drake, dapat earth elementalist ka." Mahabang paliwanag ni Win.

Oh, I see. So I assume na mag re-recruit sila ng malalakas, knowing them? Hindi yan basta-basta mang recruit ng kung sino lang dyan.

"Maybe we'll wait for Demy hehe." Kris said.

Guys, I found Demy.

I think it's flora. Kakadaldal ko hindi ko na pala napansing wala na si Flora sa unahan.

Kung dati I can't communicate using my mind, and vice versa, ngayon basic nalang sa amin ni Kris. Kasama to sa training namin, and I don't know kung anong ginawa ni Demy. Hindi narin kami nagtanong sa kanya. Basta ang sabi niya lang, wag na muna naming ipahalata sa mga royalties na we can use telepathy.

"Nasa garden sila. Let's go!" Kent said.

Grabe hindi kaya mapapanis laway ni Lead? Kanina pa siya hindi nagsasalita. Pareho talaga sila ni Demy. May bayad yata bawat salita nila.

"Tsk" Eh?

Ay halaka! Nababasa niya ba nasa isip ko? Pero parang hindi naman din. Demy told us that she had implanted something in our minds that would prevent someone from entering. Not even the strongest elementalist in the academy. Oh, 'di ba? Ang bongga ng beshy namin.

"Napaano ka Yang?" Kris asks.

"Ah hehe w-wala. Tara na, puntahan na natin si Demy." Sabi ko sabay hila sa kanya.

The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon