Chapter 45

3.5K 87 5
                                    

This chapter is dedicated to IAmTheQueen_2006 and child_of_light101. Thank you so much, guys.

HM's POV

Welcome to my POV readers. I am your handsome headmaster, Luis Del Valle Firo. I'm James Ezekiel Firo's handsome father. And yeah, I am a king, but I chose to be here in the academy. Alam ko naman kasing kayang-kaya ng aking magandang Reyna ang mamuno sa aming kaharian. Pumupunta rin naman ako doon kapag kelangan.

Gusto kong maranasan maging normal, kaya tinanggap ko ang alok sakin ng King of All na maging headmaster sa sarili niyang paaralan. If you're going to ask me, who's that king of all? Well, I'm sorry I can't answer your question right now. Sa tamang panahon malalaman niyo din.

Basta ang masasabi ko lang, malakas siya. Hindi naman siya tatawaging King of All kung hindi pa. May anak siyang babae ngunit sa kasamaang palad nawawala ito. At hanggang ngayon hindi nila alam kung saan ito hahanapin.

Nawala ito nung nagkaroon ng digmaan sa mundo namin. Ang akala ng iba patay na ito, pero hindi nawawalan ng pag-asa ang ama at ina niya.

At ngayon, may bago kaming problema. Umiilaw ang book of prophecy gayong wala pa ang prinsesa. Panibagong digmaan ang aming kakaharapin. Sana, buhay ka mahal na prinsesa. Kailangan ka ng ating mundo. Kailangan ka ng mga magulang mo.

At isa pa, pati ako nagtataka din dahil sa bagong studyante. Base sa form niya galing siya sa mortal world at dinala siya dito ng isang bubbles?

Tinignan ko ulit ang form niya.

Name: Demonica De Castro
Age: 18
Mother: Deceased
Father: Deceased
Siblings: None
Power/Ability: Unknown

Kawawang bata naman pala ito, wala na ang kanyang mga magulang. Iba ang pakiramdam ko sa batang 'yon. Para bang kelangan siyang irespeto. At bakit unknown ang nakalagay sa ability niya? Impossible naman na wala siya nun dahil sa barrier palang malalaman mo na. Hindi nakakapasok dito ang mga normal na tao tanging mga may abilidad lamang. Hays sumasakit ang ulo ko.

She has this intimidating aura, tipong isang maling galaw mo lang patay kana. Parehong pareho sila.

Sa totoo lang, noong sinundo ko siya sa may gate natakot ako. Nakakatakot siyang tumingin. Kung nakakatakot ang anak ko, mas matindi pa siya kay Firo. Hari ako pero noong oras na nakita at nagsalita ang batang 'yon kinilabutan ako.

Demonica De Castro, sino kaba talaga? Anong pakay mo sa mundo namin? Sana hindi ka kaaway. Sayang kung kalaban siya, bagay pa naman sila ng anak ko hehe.

Mga yelo. 

The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon