Chapter 60

3.2K 63 3
                                    

Queen Arianne's POV

Note: Queen Arianne was the "someone" mentioned in Chapter 3.

"Mahal, I miss our daughter." Sabi ko sa asawa ko.

"Pareho lang tayo mahal ko." He said and kissed my forehead.

"Kelan kaya natin siya makikita? I want to hug her so bad mahal." Napaiyak nalang ako. Matagal na panahon na nung huli namin siyang makita at makasama.

"Shh tahan na mahal. Makikita at makakasama din natin siya pagdating ng tamang panahon." Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ng asawa ko.

"What if totoo ang sinabi ng Dark King mahal, na wala na ang anak natin? Hindi ko yata kakayanin." I said in between my sobs.

"Mahal, malakas ang kutob ko na buhay ang anak natin. Natatandaan mo ba yung kwintas na binigay mo sa kanya noon? Konektado yun sa magical tree mahal." Ha?

"Anong ibig mong sabihin mahal?" Ano naman kung konektado iyon sa magical tree?

"Kelan ka pa naging bobo mahal?" Aba'y walangya. Kung hindi ko lang to mahal nabatukan ko na 'to.

"Hmp bahala ka nga diyan. Hindi tayo bati." I was about to leave when he encircled his arms around my waist.

"Sorry na mahal. Sorry na ah." Tsk. 

"Kung hindi lang kita mahal, nako! Malalagot ka talaga sa aking lalaki ka." I said sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray naman mahal. Napaka brutal mo talaga kahit kelan tsk." My husband stated.

"Ano na? Itutuloy mo paba yung kwento mo o hindi na?" Dami pa kasing arte.

"Eto na nga! Tulad ng sabi ko, yung kwintas na binigay mo sa anak natin eh konektado sa magical tree na nandito sa kaharian. Kaya din ako naniniwala na buhay ang anak natin, dahil kung sakaling w-wala na siya, may parte ng magical tree ang mamamatay. Pero sa nakikita natin, buong-buo ito at buhay na buhay." That make sense.

Kung nasaan ka man ngayon anak ko, sana nasa mabuting kalagayan ka. Mag-iingat ka sana palagi.

"Natatakot ako para sa anak natin mahal." Siya ang nasa propesiya at wala kaming magagawa para baguhin yun.

"Manalig tayo sa anak natin mahal, alam kong kayang-kaya niyang harapin ang kapalaran niya. Isa pa andito lang tayo palagi para sa kanya." Sana nga mahal, sana nga.

"O sya sige na mahal, magpahinga kana." I nodded at him.

"How about you? You're not going to sleep yet?" Ako lang kasi ang pinapatulog niya.

"Susunod din ako mahal. Mag-iikot muna ako sa kaharian para masiguradong walang makakapasok na masasamang loob." I know he's tired, but I can't stop him from doing it. He just wants his people to be at ease.

"Sige mahal. Sumunod ka agad pagkatapos mo ah, mag-iingat ka." I said, kissing him in the cheeks.

Tumango naman siya at umalis na kaya pumasok na din ako sa kwarto. Sana pag-gising ko bukas, may balita na sa anak namin. Sana magtagumpay sila sa paghahanap sa kanya.

Malaki ang tiwala ko sa mga batang yun.


The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon