Chapter 61

3.3K 58 0
                                    

Mia's POV

Dalawang araw na naming hindi nakikita si Demonica pati na din ang mga royalties.

Ang sabi-sabi, may mission daw ang mga royalties. Actually, we, the experts, are supposed to be joining every mission given to the royalties since we hold the sub-elements. Kaso ayaw pa namin ni Kris sumama sa kanila, kasi hindi pa namin ganun ka gamay ang kapangyarihan namin. Baka magiging sagabal lang kami, nakakahiya!

And about our new roommate, Demonica, she is scary, but we know she's kind.

Hindi naman siguro siya kasama sa mission ng mga royalties? Ano naman kung kasama? Alam kong malakas siya, kahit hindi pa namin alam kapangyarihan niya, ramdam ko yun.

"Hoy!"

"Aykabayo! Anu ba naman Rence, bakit ka ba nanggugulat?"

"Tulala ka kasi eh. Tsaka, hindi ako kabayo. Sa gwapo kong 'to?" Gumagana na naman ang kahanginang taglay.

"Tsk. Tabi ka nga. Nakaharang ka sa dadaanan ko." I said. Totoo namang nakaharang talaga siya.

Pero deep inside, kilig na kilig na ako. Ikaw ba naman pansinin at kausapin ng ultimate crush mo eh. Pero shh wag kayo maingay ah.

"Sungit neto. Meron ka ba?" Aba't loko to ah.

"Che! Bahala ka nga dyan." Aalis na sana ako ng higitin niya ako pabalik. Problema neto?

"Saan ba punta mo?" Clarence asked. Yes, si Clarence ho ang kasama ko.

"Hahanapin ko si Kris, wala kasi sa dorm kanina paggising ko." Isa pa yung bruha na yun! Kanina pa ako naghahanap sa kanya. Sang lupalop na naman kaya ng academy napadpad ang babaeng 'yun? 

"Tara, samahan na kita." He said and smile. Wala na tunaw na ako, pwede na ako mamatay. Char, joke lang.

Jusko rence wag ganun. Baka hindi ako makapagpigil at mahalay kita. Ay ang landi mo Mia. Kung kasama ko siguro si Kris ngayon, baka nabatukan na ako.

Clarence is an expert. He is the holder of lighting. Lighting can't be considered part of the elements like fire, water, air, and earth, kaya sa experts siya nilagay.

"Ano na? Kanina ka pa nakatitig sakin. Baka mainlove kana sa akin niyan ah." Kung alam mo lang.

"Oo mata—I mean tara na hehe." Waa muntik na yun huhu. Nauna akong maglakad sa kanya, baka kung ano-ano pa lalabas sa bibig ko.

"Oy antay naman!" Hindi ko napansin anlayo ko na pala sa kanya. Ganun ba ako kabilis maglakad?

"Ah, hehe, sorry." I said, showing him my peace sign.

"You're cute." Ano daw? OMG! Cute daw ako sabi ni crush. Okay, inhale, exhale, hoo.

"H-hindi ah." Nemel bakit kelangang mautal?

"You're blushing haha" hayuf tinawanan pako. Lupa lamunin muna ako, nakakahiya.

"Ewan ko sayo." Bahala siya diyan.

"Hahaha okay, okay, sorry na." Hindi ko siya pinapansin.

"Hmm." Wala akong masabi eh.

"San ba natin hahanapin si Kris?" He asked.

Oo nga no! Nawala sa isip ko si Kris. Ayan Mia, lumandi kapa. San ba kasi ang bab—aha!

"Alam ko na! Sa garden." Lagi siya doon kasi inaalagaan niya yung mga halaman at bulaklak.

Kris is an earthholder. Superior niya si Prince Drake. But Kris's element has limits, unlike Prince Drake, who can use everything that is related to his element. Kumbaga sa laban, support kaming nasa experts.

"Oh ano pa inaantay natin? Tara na!" Clarence said at hinatak ako.

Yowo anlambot ng kamay. Pero mas malambot yung lips niya. Anlandi!

"We're here." Naputol ang pagnanasa ko sa kanya nang magsalita siya.

Tama nga! Andito si Kris at mukhang tangang kinakausap ang mga halaman niya.

"Bruha ka. Kanina pa kita hinahanap." Napatingin naman siya sa gawi namin.

"Sorry naman. Tulog na tulog kapa kasi kanina alangan namang gisingin kita para lang mag paalam na pupunta ako dito tsk." She said. Tama naman din siya. Tanga mo talaga Mia.

"Yun naman pala eh." Rence agreed.

Tumingin naman sa akin si Kris na may ngisi sa labi. Nu na naman?

"What?" I asked.

"Wala naman." Sabi niya pero hindi parin nawawala ang ngisi.

Batuhin ko kaya 'to. Ang creepy niya kaya tignan sa ngisi niyang yan.

"Alam mo ba kung nasaan si Demonica?" Malay natin alam niya pala, marites yan eh.

"Kind off. Kasama siya sa mission ng mga royalties." Sabi sa inyo eh tsismosa yan haha.

"San mo naman nalaman?" I asked again.

"Duh tinanong ko si HM." Bakit hindi niya ako sinabihang pupunta pala siya kay HM? 

"Bakit wala kang sinabi sa akin?"

"Eh kasi po, ngayong umaga ko lang din nalaman nung umalis ako ng dorm. Ano? Okay na?" Bakit ba ang sungit neto?

"Tsk. Sungit mo." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ah, eh girls? Hehe pwede bang kumain na tayo?" Sabat ni Clarence sa usapan.

"Yeah let's go." Nauna ako maglakad, sumunod naman sakin si Rence at ang huli ay si Kris na nakabusangot. Laki ng problema niya.

Bigla kaming napaharap ni Rence kay Kris nang bigla siyang sumigaw.

"Ikaw!" She said while pointing her finger dun sa lalaki? Luh, kakilala niya? Bakit hindi ko na naman alam?

Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatalikod siya samin, kaya bumalik kami at pinuntahan si Kris.

"Bwesit kang lalaki ka!" Kris na nanggigigil.

"What? I didn't do anything." Sabi ni guy na may pagka cold. Okay? Nadagdagan na naman ang mga cold-hearted sa academy.

"Didn't do anything, ka diyan. Bakit mo ako binangga kanina ha?" Ah, kaya naman pala.

"It's not my fault, okay? You're the one who's not looking." Sino ba 'to? Ngayon ko lang siya nakita. Transferee or taga ibang section?

"Ah, basta nabubwesit ako sa pagmumukha mo."

"Tsk. You're wasting my time." Aba't ang kapal din naman talaga ng kumag na 'to.

Pag ako hindi nakapag-pigil, sasakalin ko siya.

Aalis na dapat yung lalaki ng mapatigil siya at napatingin samin. Lamig, yan ang nararamdaman ko. Don't tell me,

"Ice." Sabay na sabi namin ni Rence at nagkatingin pa. Kung wala lang kami sa ganitong scenario, baka kinilig na ako.

"You're an ice sub-elementalist?" Sabay ulit naming sabi ni Rence. Yikes, meant to be talaga kami, madesisyon ako eh bakit ba?

Tumango naman siya bilang sagot.

"What's your name?" Rence asked.

"Dave. Dave Oliver Neve." He introduced. Neve? Means snow. 

"Tsk. Akalain mo nga naman experts ka din pala." Kris said.

"Yeah. Got a problem with that?" Ang init ng dugo nila sa isa't isa.

"Teka guys, awat. Gutom na gutom na ako, baka pwedeng sa susunod nalang yung away niyo?" Napairap naman si Kris sa sinabi ko. Kung si Clarence gutom, pwes ako gutom na gutom na.

"Hmm." Man, with a few words, din pala 'tong si Dave.

"Ah Dave, mauna na kami sayo ah." Ako na ang nag-paalam kasi walang balak magsalita si Kris.

Tumango lang siya. Kaya hinila ko na sila Rence at Kris papuntang cafeteria.

Foods here, I come!

The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon