Give this poem a title, wala akong maisip eh.
Napakasarap sa piling kapag ika'y nagmahal
Ito'y halos sambahin mo nang parang banal
Mga salita mong walang kasing tamis
Ngunit hindi ko maisip kung ano ang iyong nais.Ikaw ang aking buhay, puso't kaluluwa
Subalit mga mata ko'y puno na ng luha
Ang minsang kasiyaha'y napalitan ng pait
Nung ako'y iniwan at iyong pinagpalit.Buong buhay ko'y nilaan para sayo
Akala ko pagkatao ay bubuoin mo
Ngunit ika'y lumisan at ako'y pinabayaan
Luha ko'y naglandas na tila wala ng katapusan.Patawad aking katipan, ang huli mong sabi
Ako'y aalis subalit hindi mo masisisi
Minahal kita pero mas mahal ko s'ya,
'Wag mag-alala ika'y makakahanap din ng iba.
BINABASA MO ANG
The Queen Of Two Dimensions
Fantasy"Don't be a helter-skelter of one thing that you didn't know that in the end, you will regret it. Think before you make a move. Don't be selfish, don't be self-centered. Take time to think for you to be contented with the outcome," He once said. "Yo...