Chapter 66

2.9K 72 25
                                    

Kris POV

Narinig kong usap-usapan kahapon ng mga tsismosa na nakabalik na daw sila at kasama na daw nila ang prinsesa? Ambilis ah.

Parang may iba eh. Hindi naman sa hindi ako masaya na andito na ang prinsesa. Masaya ako kasi naunahan namin ang mga kalaban. Ano lang kasi eh, uhm, parang, parang may mali.

Bahala na nga! Puntahan ko na nga lang si Demonica sa kwarto niya. Nalaman ko lang ang pangalan niya kay HM. Gigisingin ko at anong oras na.

Paakyat na ako papunta sa kwarto niya ng may maramdaman akong malakas na aura kaya napahinto ako. Galing ito sa kwarto ni Demonica.

The aura screams power.

Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto niya. Bubuksan ko na dapat pero napabitaw din ako agad sa doorknob. Mainit, sobrang init.

Bakit ang init? Anong nangyayare sa loob?

"Demonica?" Sigaw ko.

"Demonica? Naririnig mo ba ako?" Wala akong nakuhang sagot.

Ano naman kayang nangyare sa babaeng yun?

"Demonica?." Malakas kung sigaw nagbabakasakali na sasagot siya.

Ngunit ilang segundo ang lumipas wala parin akong narinig. Napakatahimik ng kwarto niya. Ngunit hindi maipagkailang nangangatog na din ang tuhod ko dahil sa aura na hanggang ngayon hindi parin nawawala.

Pero bakit parang sa kwarto lang namin? Sa ganito kalakas na aura sigurado akong ramdam na ramdam na ito ng buong academy. Ako lang ba? O talagang sinadya lang na sa kwarto lang namin mararamdaman ang aura na 'to?

Demonica De Castro, who really are you? Unang tapak mo palang sa academy na ito may iba na akong naramdaman sayo.

Uy wag kayong ano ah. Hindi yung love ang tinutukoy ko. Yung ibig kung sabihin ay may nararamdaman akong malakas na aura sa kanya na pilit tinatago.

"Demonica?" Tawag ko ulit. Pero wala parin.

Narinig kung nagbukas ang kwarto ni Mia.

"Ano ba yan Kris. Ingay-ingay mo. Kitang natutulog pa yung tao eh. Wait, kaninong aura yun K-kris?" Tulog mantika, ngayon lang niya naramdaman?

"Sorry naman. Si Demonica kasi eh." Nakita ko namang nanlaki ang mata nya. Anyare dito?

"Ha? Napaano siya? Nasan siya? May nangyare bang masama sa kanya? Nasaktan ba siya? Kris sumagot ka!." Pigilan niyo 'ko, masasapak ko ang babaeng 'to.

"At pano naman daw ako makakasagot kung andami mong tanong sunod-sunod pa aber?" Kung hindi ko lang siya kaibigan nako, ewan ko nalang.

"Ay hehe sorry." Mia said at nagkamot ng ulo. May kuto pa yata yuck.

"Tsk. As I was saying, si Demonica nakabalik na, nakabalik na din kasi ang mga royalties. At isa pa, kasama na daw nila ang prinsesa." I explained.

"Really? That's good news. Sa wakas andito na ang prinsesa." Mia said.

"But aren't you intrigued? First day ng paghahanap nila, nahanap agad?" Don't get me wrong, iba lang kasi talaga pakiramdam ko sa nangyayare.

"Anong meron? Mas okay nga yun eh, at least tayo ang nakahanap sa prinsesa." Geez, she doesn't get my point.

"Yeah, whatever." Nasabi ko nalang. Katamad mag explain.

"Bakit ka nga muna nandito sa tapat ng kwarto ni Demonica?" She asked.

"Gigisingin ko sana. Kaso paakyat ako kanina nang may maramdaman akong napakalakas na aura at galing iyon sa kwarto niya. Tumakbo ako paakyat at akmang bubuksan ang kwarto niya kaso napabitaw din ako agad dahil sobrang init ng doorknob." Mahaba kong sabi. Siguro naman nakuha niya yun? 

"Ibig sabihin sa kanya nanggagaling ang aura?" Ay tanga! Kakasabi ko lang.

"Isa yang, masasapak na kita! Kakasabi ko lang 'di ba?" Katangahang taglay talaga netong kaibigan ko.

"Sorry naman. So, ano nang gagawin natin? Baka kong ano ng nangyayare sa kanya Kris." Mia said.

"Try natin buksan." I suggested.

Tumango naman siya bilang sagot. We are going to use our element to open her door. Sana lang gumana.

I close my eyes and concentrate until I feel a tingling sensation in my palm. As I open my eyes, kasabay nun ang paglabas ng mga vines. I am an Earth sub-elemental user. Mia is the air sub-elemental user.

I saw Mia close her eyes, at ilang sandali lang may pumalibot na sa kanyang hangin. She opened her eyes and looked at me. Tumango naman ako sa kanya at sabay naming tinutok ang mga kamay namin sa kwarto ni Demonica.

Sana lang gumana.

Gumapang ang mga vines ko papunta sa pinto ni Demonica at pumulupot sa doorknob. Nakitang kong umuusok ang mga ito at ramdam na ramdam ko ang init. Konektado sa akin ang mga vines kaya dama ko ang init.

Ginamit naman ni Mia ang hangin niya para itulak ang pinto para magkaroon ng siwang at makapasok ang mga vines ko.

Ilang sandali pa at unti-unti nang nagkaroon ng siwang ang pinto. Kasabay ng pagpasok ng mga vines ko sa loob ay ang pagbagsak ko.

"Kris. Ayos kalang?" Tanong ni Mia sa akin na hinihingal din.

"Oo kaya pa." I answered. Pero sa totoo lang, parang hihimatayin na ako. Sobrang hapdi na ng mga kamay ko at namumula na ito.

Halos maubos na ang lakas ko, pero kelangang mabuksan ang pinto ni Demonica. Hindi namin alam kung anong nangyayare sa kanya sa loob.

"Kris at the count of three. Ready?" Tanong ni Mia, kaya tumango nalang ako bilang sagot.

"One, two, three Kris ngayon na!" Sigaw ni mia.

Kaya binuhos ko na lahat ng lakas ko ganun din ang ginawa ni Mia. Kahit nanlalabo na ang mga mata ko, nakita ko pang tuluyan naming nabuksan ang pinto ni Demonica.

Napatumba naman ako sa pagod. Ay hindi lang pala ako, pati narin si Mia.

Bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman, nakita ko pang nagliliwanag ang katawan ni Demonica. Kakaibang liwanag, kulay ginto na may rainbow?

At kung hindi ako nagkamali ng nakita, may mga nakalutang sa bandang ulo niya na iba't ibang kulay ng Gem.  Ano bang nangyayare sayo?

Tanong ko sa aking isipan hanggang sa tuluyan nakong mawalan ng malay ganun din si Mia.



The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon