Chapter 69

4.2K 71 6
                                        

Mia's POV

Sarap ng tulog ko. Teka, tulog? Ay putek! Yung transferee, OMG! Dali-dali akong bumangon, pero napahiga din agad dahil nahihilo ako. Teka nga! Paano ako napunta dito sa kwarto? Eh, ang pagkakaalam ko nawalan kami ng malay ni Kris sa kwarto ni Demonica?

Wag mong sabihing si Kris nagdala sa akin dito? Ay shunga! Sabay nga pala kaming nahimatay.

Baka naman si Demonica. Pero paano? Nung bumagsak na kami ni Kris, nakita ko yung mga Gem na nakalutang sa bandang ulo niya. Nagising na ba siya after nun at binuhat kami papasok sa kwarto namin? Ganun siya kalakas? Sabagay, mukhang malakas naman talaga siya. Ambigat kaya nun ni Kris, baboy kasi kumain.

Maya-maya lang, may naamoy akong masarap. Nagutom tuloy ako bigla. Baka nagluto si Kris. Makababa na nga lang. Dahan-dahan akong bumangon at pumasok sa banyo. Maghihilamos muna ako tsaka mag-toothbrush bago bababa, nakakahiya puro laway pa ako.

Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin, bumaba na ako.

Wala akong Kris na nakita. Ah, baka nasa kusina pa. Ay tanga, baka nga nagluluto 'di ba? Jusko Mia yung utak mo nangalawang na.

Pumunta akong kusina pero iba ang naabutan ko. Isang babaeng biniyayaan ng katangkaran, balingkinitang katawan, may highlight na gold ang buhok at balat na mas maputi pa kay snow-white.

Sino naman kaya to? Bago naming dorm mate? Pero, wala namang nabanggit si HM sa amin. Naramdaman niya siguro ang prisensya ko dahil bigla itong humarap sakin.

Bigla akong napahawak sa upuang malapit sa akin dahil biglang nanghina ang tuhod ko sa mga titig niya. Nakakatakot. Kahit sabihing napakaganda ng mga mata niya, hindi rin maipagkailang sa simpleng titig niya lang siguradong matatakot kana.

"Done staring?" Nabalik naman ako sa wisyo dahil bigla siyang nagsalita.

"A-ah y-yes." Ay tae! Bakit ba ako nauutal?

"Food is ready." She said.

Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan. Bakit ba kasi sa simpleng kilos at salita niya lang parang nakaabang na sayo si kamatayan?

Who really are you, Demonica? Yes, you're right. Si Demonica, ang naabutan ko dito sa kusina na nagluluto. Marunong pala siya? Ang swerte ng mapapangasawa niya hehe.

"Tsk." Napatingin naman ako sa kanya. Nababasa niya ba isip ko?

"No." Kita muna. Hindi daw tapos bigla-bigla na lang nagsasalita.

"Stupid! Your face says it all." Ay ganun ba? Masyado na ba kong halata?

"Ah, hehe." Wala akong masabi pake niyo ba?

"U-uhm, Dem?" Tumingin naman siya sa akin na nakataas ang kilay. Dem na lang tawag ko sa kanya ang haba ng name niya eh.

"What?" She asked.

"I-ikaw ba naghatid sa amin sa kwarto?" Hoo! Kinabahan ako dun ah.

"Yeah" Talaga? So binuhat niya nga kami?

"I know what you're thinking, and I didn't carry you." She said. Kung ganun? Paano kami napunta doon?

"I recently discovered my power, so I used it." Ah, kaya naman pala.

But wait, did she just say power?

"Really? Wow! Mind to share?" I excitedly asked. Malay mo sasabihin niya.

"It's ice." She said. Huh?

"My power. It's ice." W-what? Talaga?

"A-are you sure about it, Dem?" Does that mean superior niya si Prince Kent? But how? May isa ng sub-element na ice dito sa academy? Remember Dave?

The Queen Of Two DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon