Winnona's POV
Sa lahat ba naman ng pwede naming bagsakan lupa talaga? Sakit sa bangs kahit wala ako nun tsk.
Anyway, I'm Winnona Clarisse Witchester. If you're going to ask me if I am a princess, the answer is yes. Our kingdom's name is WitchLandea, so basically, I'm a princess of the witch kingdom.
So, let's go back to the story.
"Tapos kanang mag emote diyan? Tara na at malapit na mag gabi. Delikado kapag naabutan pa tayo ng gabi sa labas. Maraming sira ulo sa mundo ng mga tao" daming arte ng babaeng 'to.
"Let's go" naunang maglakad si Leader.
"Flor, nasabi ba ni HM kung saan tayo pansamantalang titira habang andito tayo sa Mortal World?" wala naman kasing nabanggit si HM nung pinatawag niya kami.
"Aba malay ko! Bakit ako tinatanong mo?" alitaptap niyo namimilosopo.
"Nagtatanong lang, baka kasi alam mo" sabi ko while pouting. Cute ko kaya.
"Hindi ko alam. Walang sinabi si HM. Isa pa, wagkang mag pout mukha kang pato." sa gandang 'to? Mukhang pato?
"Tsk. Here." may inabot na papel si Leader galing sa bulsa niya.
"What's that?" I asked.
"Common sense nga win, malamang diyan nakasulat kung saan tayo tutuloy." bakit ba ang sungit ng isang 'to?
"Aba hoy! Namumuro kana ah. Kanina kapa." nakapameywang akong nakaharap sa kanya.
"Tsk. Hindi mo kasi ginagamit minsan iyang isip mo." waaa author oh
"Ambad mo talaga sakin alitaptap ka" i said while stomping.
"Excuse me lang ah. Fairy ako, fai-ry, hindi alitaptap. Ang ganda ko naman para maging alitaptap." lakas naman ng hangin tsk.
"One more word: I'm gonna rip your head off." Leader said. Kaya ang ending, pareho kami ni Flora na napatakip ng bibig.
Ayuko pang mawalan ng ulo no. Maraming iiyak pagka ganun, tsaka hindi ko pa nga nahahanap forever ko eh. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Hindi ko na nga alam saan kami papunta basta nakasunod lang kami kay leader. Siya naman kasi may hawak nung papel na bigay kuno ni HM since binalik din namin sa kanya agad after naming makita ni Flora. Hanggang sa huminto kami sa isang bahay. Ay mali, isang mansyon pala.
"Whose mansion is this leader?" napatakip agad ako ng bibig. Naman win, baka mawalan ka talaga ng ulo ng wala sa oras.
"Us" Hay salamat. Akala ko mapupugutan nako. Pero ano daw? Samin? Like seriously?
Leader pressed the doorbell, and after a couple of minutes, a man, maybe around 50, opened the gate. He's wearing a uniform? Might be the butler assigned.
"Good afternoon Prince Firo, princess Flora and princess Winnona" Leader just nod.
"Good afternoon din po." Flora and I said in unison.
"I'm butler George, I was assigned to guard this mansion." he said.
"Since when did this mansion belt?" Leader asked. Yeah, curious din ako.
"Matagal na po mahal na prinsipe. HM wanted every student who is tasked with having a mission in the mortal world to have a place to stay. So he decided to build this mansion instead." Butler George explained.
Plus 10 points ka dun HM.
"Sabi niyo po sa amin 'to, so andito din po yung ibang royalties po?" Flora asked. Well she has a point naman.
"Ay opo mahal na prinsesa. Tumira po sila dito pero saglit lamang. Umalis din po sila at walang sinabi kung saan sila titira." san naman kaya yung mga kulokoy na yun.
"Ah sige po. Salamat" ambait yata ni Ali-este Flora ngayon. Samantalang kanina inaaway ako, why so unfair naman.
"Tara po sa loob para makapagpahinga na kayo. Bukas din ay papasok kayo sa isang sikat na university dito. Naayos ko na po ang mga papeles niyo." eh?
"Tsk, why do we need to study?" kahit kelan talaga 'tong si leader
"Sa pagkakaalam ko po, doon din po kasi nag aral yung apat. Kaya para madali ninyo silang mahanap, kelangan niyong pumasok sa Celestine University." alam niyo naman na siguro kung sinong apat ang tinutukoy ni Butler George no? Kung hindi, bahala kayo.
So ayun nga pumasok na kami sa loob. In fairness ah, ang ganda ng pagkakaayos. Halatang may nag aalaga, ang linis eh.
"Pwede na po kayong umakyat sa mga kwarto niyo. May mga pangalan naman po kaya mabilis niyo lang mahanap. Ipapatawag ko nalang po kayo kapag nakahanda na ang pagkain." mahabang lintaya ni butler George. Hindi na nga kami sumagot eh. Dumiretso na kami ng akyat, nakakapagod kaya.
After minutes of finding my room, finally. Ang ganda ng kwarto ko. Sobrang maaliwalas, yung tipong ang gaan sa pakiramdam. Sana ganito nalang palagi, sana wala ng gulo. Kaso hanggang sana nalang, kasi hanggat may masama hindi magiging tahimik ang buhay namin.
Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
The Queen Of Two Dimensions
Fantasy"Don't be a helter-skelter of one thing that you didn't know that in the end, you will regret it. Think before you make a move. Don't be selfish, don't be self-centered. Take time to think for you to be contented with the outcome," He once said. "Yo...
