"Ano bang mali sa akin? Sabihin mo, babaguhin ko para lang magustuhan mo ako." pagsusumamo niya sa guwapong lalaki sa harap niya.
"Cut the drama!" seryosong saad ng lalaki saka iniwan siyang umiiyak.
Bigla siyang nagmulat ng mata at tiningnan ang orasan sa side table niya,
5AM pa lang. Nakakainis naman bakit ba kasi niya napanaginipan iyon. Nangyari yun eleven years ago. Third year high school pa lang siya noon."Ugh! Bakit ko ba ginawa yun noon?" -tanong niya sa sarili niya habang nakahawak sa mga pisngi niya.
Naiinis siya na natatawa kapag naaalala ang bahaging yun ng high school life niya. Nagka-crush kasi siya dati sa isang guwapong varsity player ng eskwelahan nila na kalaunan ay nilapit-lapitan niya or in other words parang niligawan niya na binasted naman siya in the end.
Pinilit niyang matulog ulit pero hindi na siya talaga dinalaw ng antok.
Marahil ay bumalik ang ala-alang iyon dahil ngayong araw pupunta sila ng Sta. Ines, doon ang hometown nila. Doon din siya nag-high school. Umalis lang sila noong nag-college na siya sa Maynila at nagpasyang mag-abroad ang parents niya. Sila lang ng kuya niya ang naiwan sa Pinas.
Pag-alis nila ng lugar, ibinenta ng parents niya ang bahay nila sa Sta. Ines at ibinili sila ng condo sa Manila na titirhan nila habang sila ay nag-aaral. Pero ngayon napagpasyahan ng magulang nila na magretire na at bumalik ng Sta. Ines. May binili silang old house at maliit na farm doon. Pinakiusapan sila ng kuya niya na samahan sila para sa pagpaparenovate ng bahay.
.
.
.
Napagpasiyahan niyang bumangon na lang at magprepare ng gamit.
Nics' POV
Hi! Call me Nics or Cassy! Wag mo lang akong tatawagin sa buo kong pangalan dahil magkakagulo tayo. Hehe! Bakit ba kasi naisipan ng mama ko na ipangalan ako sa yumaong lola ko. My birth name is Nicasia Alberto. I have my own music shop sa isang mall. We sell CD's, DVD's, musical instruments and the like.
Yung kuya ko naman ay isang Civil Engineer. Matagal na naging accountant si papa sa US at si mama naman ay nurse. Pero ngayong nagretire na sila gusto nilang dito na sa Pilipinas, which I think is a good decision.
Napagdesisyunan naming doon na magkita-kita sa Sta. Ines. We have our own cars, so walang problema. Sa dati naming condo sa may Taft manggagaling sina Mama at Papa, malapit kasi iyon sa dati naming school ni kuya samantalang kami ni kuya may sarili na ring condo. Sa Makati siya, ako naman ay sa Pasig.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nagbibiyahe pabalik sa aking kinalakhang probinsiya. Marami na itong naging improvements dahil maayos na ang mga daan at may manaka-naka ring business establishments, pero kitang-kita pa rin ang kasimplehan ng lugar.
Ipinasok ko ang sasakyan sa isang malaking gate na kinakalawang na dahil sa katandaan. Nabungaran ko ang isang old Spanish ancestral house na may kalakihan din. Malawak ang garden nito na halatang hindi na naalagaan. May fountain din ito sa gitna pero natabunan na ng mga nagsilaglagang dahon.
Pagkababa ko ng sasakyan. Nandoon na sina mama at papa kasama si kuya, nakatayo sa harap ng bahay at sinusuri ito.
"Good Morning! Am I late?"-bumeso ako sa kanila.
"Kadarating lang din namin." sagot naman ni mama.
"So what do you think Niccolo?"-tanong ni Papa kay kuya. Siyempre siya ang inhinyero. Nakatingin ito sa bahay.
Ang main door ng bahay ay nasa second floor may hagdanan ito sa magkabilang side papunta sa main door. Halatang ang may-ari ay nanggaling sa mayamang Spanish ancestor.
"Kung irerestore natin pa, baka mas malaki ang gagastusin. Kahoy ba yung floors niya?"
Tumango naman si dad.
"Pero gusto ng dating may-ari na kung pwede sana mairestore natin ang dating itsura niya."
Ano bang maitutulong ko dito? Wala naman akong alam sa ganyan. Ipaharap niyo ako sa musical instruments at papatugtugin ko yan. Wag lang tungkol sa mga constructions na yan.
"Medyo Malabo, dad, baka mahina na rin ang foundations niyan. Ganito nalang patayuan natin ng bagong house pero ganyan din ang itsura niya. Modern nga lang pero gagamitan namin ng bricks na designs para magmukhang Spanish house sa labas."
"Sabagay, you are the engineer ikaw na ang bahala." Tinapik ni papa si kuya sa balikat.
"Icheck niyo na yung loob para makita niyo kung ano yung dapat mailabas magtatawag lang ako ng mga tao"-utos ni Papa. Marami kasi siyang kakilala dito sa lugar kahit matagal siyang nawala.
Agad naman kaming tumalima at umakyat na sa lumang bahay.
"Hindi kaya mahina na tong mga kahoy, hindi ba delikadong pumasok?"-nag-aalalang tanong ni mama.
"Hindi Ma, narra ang floors niyan matibay pero magdahan-dahan lang kayo just in case."-sagot naman ni kuya.
I thought creepy ang loob nito dahil amoy lumang bahay talaga. Kaso pagbukas ng pinto namangha ako sa lawak nito. May hallway ito na paikot at matatanaw ang malawak na sala sa baba. May mga kahoy na upuan pa ito na natatakpan na ng alikabok. Bumaba kami sa hagdan. Maganda nga ito, may mga ilang rooms sa baba malawak din ang kitchen. Maganda nga ito pag ginawang modernize ni kuya. Sa kusina ang pintuan palabas sa likod. Sa likod ay may maliit na mango farm na mga kalahating ektarya, sa mga gilid ay may iba't-ibang fruit-bearing trees.
"Balak ng dad niyo na maglagay kami dun sa dulo ng maliit na poultry farm."
"Pwede rin" sang-ayon ni kuya.
"Ma, pwede rin kayong maglagay ng benches sa ilalim ng mga puno para pwedeng magpicnic. Tsaka swimming pool na rin." Natawa ang dalawa sa suggestion ko.
"Bakit maganda naman ah. At least may naisuggest ako."
"Pwede rin."-sagot ni mama.
Ginusot naman ni kuya ang buhok ko.
"Ikaw talaga! Bahay to nila mama, hindi sayo. Iniisip mo na naman kung ano ang enjoyable sayo."
"Kuya ang buhok ko! Kakarebond lang. Kainis ka naman!"-saad ko habang inaayos ang buhok ko. Natawa naman si mama sa aming dalawa.
"Balik na tayo sa loob icheck natin ang rooms."-anyaya naman ni mama at nauna na.
Yung dalawang rooms sa baba halatang entertainment room at library. Sa taas naman may apat na malalaking rooms ang mga kama yung old talaga, yung may apat na poste sa gilid parang kama ng prinsesa. May mga tokador na gawa sa kahoy at side table na may drawers. May mga built-in closets din ang mga ito.
Nag-uusap sina mama at kuya Niccolo kung ano ang gagawin dito sa bahay nang lumabas ako sa room. Wala din naman akong maisusuggest. Hehehe
Hay ang boring!
Binuksan ko na lang ang isang kwarto at inusisa ito. Binuksan ko ang closet wala namang laman. Ang baho pa. Yung drawer sa tokador, wala din.
Out of curiosity, iniangat ko ang foam ng kama. May nakita akong parang lumang picture na nakabaliktad at may sulat pa ito. Napangiti ako. Dedication ata ang tawag dito. Yung dati susulatan mo yung likod ng picture ng message para sa taong pagbibigyan mo. Pagkabasa ko, hindi naman pala.
"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..."
I flipped the picture at biglang nanindig ang mga balahibo ko.
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...