Nics’ POV
Papunta kami ni Zeb sa Sta. Ines. Wedding anniversary nina Mama at Papa at may dinner party. Maaga kaming umalis para makapag-beauty rest pa kami.
7PM nang magsidatingan ang mga bisita. Sa malawak na lawn ulit sa harap ng bahay ang party. Dahil host kami, I have to wear a dress. Suot ko yung pinabili ko kay Zeb dati. It’s a light blue tube dress, 3-inch above the knee. Hapit ito hanggang waist at bagsak na sa baba. Binagayan ko ng 4-inch blue wedge.
“Panalo talaga ang beauty mo sister!” bulong ni Zeb habang papunta kami sa labas.
Napangiti naman ako.
“Insecure ka?”-tudyo ko.
“Hmp! Why should I?”-nauna na siyang naglakad. Napapatawa naman ako na sumunod sa kanya.
Umupo na kami sa isang mesa malapit sa harap ng stage. Gumawa kasi sila ng improvised mini-stage para sa mga musicians na inimbita ni Papa. Kaharap namin si kuya Niccolo while mom and dad are busy roaming around sa mga visitors. Minsan lumalapit sila para ipakilala kami sa mga bago nilang acquaintances dito. Bilib din ako kay Papa pati ang Mayor naimbita niya. Classmate daw niya dati.
The party was about to begin nang dumating ang hindi namin inaasahan ni Zeb na bisita.
“OMG, sister…”-bulong niya.
“Relax okay!”-I said.
Tumayo sina Mama at Papa para salubungin ang bagong dating na bisita.
“Anong ginagawa mo? Batiin mo sila para magka-idea sila Mama at Papa.” Bulong ko kay Zeb. Agad naman itong tumayo. Sumunod na rin ako.
“Grandpa, Grandma! I didn’t know you are coming.”- nagmano siya sa lolo niya saka naman nagbeso sa lola niya. Natigilan naman sila mama at tumingin sa akin. Diko alam kung dahil kakilala ni Zeb ang mga bisita nila o dahil lalaking-lalaki ang boses ni Zeb.
“We invited them.” –sagot naman ni Papa.
Lumapit ako at nagmano sa matanda at nakipagbeso naman sa lola niya. Saka hinawakan sa kamay si Zeb.
“Parents ko po.”- pagpapaalam ko sa kanila.
“Tingnan mo nga naman ang tadhana, ang nakabili pala ng bahay namin ay ang magiging in-laws ng apo ko.”-nakangiting pahayag ng lolo ni Zeb.
Napamaang si Papa pero nung tumingin ako at ngumiti, mukhang naintindihan naman niya ang kalokohan namin ni Zeb dahil ngumiti rin siya.
“Doon na tayo.”-yaya naman ni Mama sabay muwestra sa table namin.
Papunta na kami sa table nang may magsalita.
“Hi everyone! Sorry nahuli ako, nagpark pa kasi ako.”
“Zach! Nice to see you again!” –masayang bati ni Mama.
“Hi Tita! Tito!”- nagbeso naman si Zach sa Mama ko at nakipagshake hands kay Papa.
“Oh, kilala mo pala sila?”-tanong naman ng lola niya kay Zach. He just smiled.
“Our grandson used to live with us here before.”-dagdag ng lola niya.
So, totoo palang dito siya dati nakatira.
We seated at the long table. Palihim naman akong kinukurot ni Zeb sa tagiliran at tinatanong kung bakit kilala nila Mama si Zach pero nagkibit-balikat lang ako.
“Thanks for granting our request to restore the old structure of the house Nicanor.”-komento ng matanda kay Papa.
Ngumiti naman si Papa.
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...