Zach’s POV
“The zipline is last on the list.” She said then closed her door.
I know malalaman niya rin naman that all those things we did in the past are parts of her list of dream dates with ME.
Eleven Years Ago
“Ano bang mali sa akin? Sabihin mo, babaguhin ko para lang magustuhan mo ako.” Nicasia said sobbing. God knows how much I wanted to wrap her in my arms but I know once I do that, I’ll never let her go.
So instead I just said: “Cut the drama!”
Wala naman kasi siyang dapat ikaiyak dahil walang mali sa kanya. She is perfect. She doesn’t need to change anything. I love her the way that she is. It isn’t just the right time. We are still both young. I’m in fourth year. She’s in third year.
Since that day, never na kaming nagkasalubong sa corridor ng school. Kahit tumatambay muna ako sa gate ng hapon para hintayin siyang mapadaan, hindi ko pa rin siya matiyempuhan.
Isang buwan nalang bago mag-graduation hindi ko pa rin siya mahagilap. Itong school kasi namin wala man lang JS Prom. Eh di sana pwede ko siyang maisayaw. Tsk!
Nagulat ako nang madatnan si Kuya Niccolo sa locker room ng Varsity. Ang alam ko second year college na siya. He once trained me on the team nung sophomore days ko.
“Kuya!” bati ko. He didn’t smile.
“You broke my sister’s heart.” He said. Dalawa lang kami sa locker room.
“Si Nicasia.” Mahinang tugon ko. I waited for his fist to land on my face pero walang suntok na dumapo sa akin.
He smirked.
“I won’t hurt you if that’s what you’re thinking.” He said calmly. I just waited for his next remark.
“I don’t wanna see you hurt her again.” Saad nito sabay abot sa akin ng isang pambabaeng notebook. Then, he went out.
I looked at it. It’s Nicasia’s Journal.
Nakasulat lahat ng mga pagkakataong nagkakasalubong kami sa corridor at binibigyan niya ako ng chocolate and how she feels about it. I know that is about 103 times.
How did I know? Because I like her since she first played on the piano and sing sa high school ground nung first year siya. Pero di ko siya niligawan, kasama ko kasi ang kuya niya sa team baka sipain pa ako. Senior na si Kuya Niccolo noon, isa pa, bata pa kaming pareho.
Kaya nung third year siya at fourth year ako na inabutan niya ako ng snickers, natuwa ako pero di ko pinahalata. Binibilang ko lahat ang araw na binibigyan niya ako.
Yung amusement park, yung sine, yung trekking, yung dolphin show at yung ziplining, nakasulat lahat yun sa journal niya nung high school with a heading: ‘What I Want to Do with Zach on a Date’
_____________
Nics’ POV
“Hi ma! Dad!” I kissed them both on the cheek, pagpasok ko ng bahay.
“Oh, napadalaw ka?” tanong ni Mama.
“Na-miss ko kasi kayo, Ma” lambing ko.
“Hay naku Nicasia siguro break na kayo ni Zach noh?” tudyo niya. Napatawa naman si Papa.
“Ma, naman eh! He’s not my boyfriend.”
“Oh, ano bang sinabi ko? Di ba break? So hindi mo siya BF.” Sagot naman nito.
“Ihh, Ma!” I pouted. Tumawa lang sila ni Papa. Ganyan talaga kasutil si Mama.
Bumaba kami sa komedor at nagmeryenda. Kamustahan lang. Pagkatapos kumain, hahanapin ko na ang sadya ko.
“Ma, saan nakalagay yung mga lumang gamit namin ni kuya na galing sa condo?”
“Anong gamit?”
“Yun pong mga lumang libro, notebook ganun.”
“Ah, nasa library lahat.”
“Sige Ma, thanks.” Tinungo ko agad ang library at nagsimulang maghanap. Pero diko naman talaga sure kung andito pa yun o baka natapon na. I just wanna make sure. Hindi ako matatahimik hangga’t di ko nalalaman kung paano nalaman ni Zach ang laman nun.
Maya-maya pumasok si Mama.
“Ano ba kasing hinahanap mo?”
Napatingin ako kay Mama. I guess I need to ask her.
“Ma, naalala mo yung notebook ko nung high school na kulay pink na hardbound?”
“High school?” saglit itong nag-isip saka ngumiti.
“Yung Diary mo dati kung saan mo sinulat yung tungkol kay Zach?”
Napamulagat ako.
“Nabasa mo, Ma?”
“Siyempre!”
Tumawa ito.
“Ihh, Ma asan na?”
“High school ka pa nung huli kong nakita yun. Bakit bumabalik na ba ang feelings mo kay Zach?” tudyo nito.
Napasimangot nalang ako.
“Ang huling taong nakita ko na humawak nun ay ang kuya mo.” Saad nito.
“Ibig niyong sabihin Ma, nabasa niyo na lahat?” bulalas ko.
“Ang burara mo kasi noon” saad niya at tumawa saka lumabas na ng library.
Mama really has a sharp memory kaya di na ako nagtaka kung naaalala pa niya na kay kuya niya ito huling nakita. Umakyat nalang muna ako sa room ko and called up Kuya Niccolo.
Calling Kuya Niccolo
“Hey, Nics! Napatawag ka?” sagot nito sa kabilang linya.
“Hi kuya! Itatanong ko lang sana kung saan mo dinala yung pink notebook ko nung high school?”
“Anong trip yan Nics?” Humalakhak ito sa kabilang linya.
“Sagutin mo nalang kasi.”
“Puro pink ang mga notebook mo dati remember?” binuntutan niya ulit ito ng tawa.
“Kuya, I’m referring sa nag-iisang hard-bound notebook ko, yung diary ko!” naiiritang saad ko.
“Bakit sa akin mo hinahanap?” defensive si kuya. Alam ko nang may kinalaman siya sa lahat.
“Kuya?” saad ko sa mababang tono.
“Hanapin mo kay Zach!” he said and the line went dead.
Shocks! So all those years na kay Zach ang diary ko?
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...