Chapter Eighteen

112K 2.5K 22
                                    

Nics’ POV

Pagdating ko ng shop ganun din karami ang bouquet na nadatnan ko.

Napailing nalang ako. I’ve already decided na pag kinausap ako ni Zach, I’ll cut whatever we have started. Pag inamin ni Zeb ang totoo saka ko nalang ulit haharapin kung ano man ang nararamdaman at dapat kong maramdaman sa kanya.

“Hey!” Napapitlag ako sa lakas ng sigaw ni Zeb papasok sa office ko.

Napakunot-noo naman ako.

“What is that look? You were gone for a week. What happened?”

How will you know busy ka sa lovelife mo.” May himig pagtatampong saad ko.

“Hindi naman, ilang araw na nga akong dumadaan dito. Naka-off  kasi ang CP mo.” Depensa niya.

Napangiti naman ako.

“Nagbakasyon lang.”

“Bakit?”

“Anong bakit?”

“Wala, anyway invite sana kita kasi yung mga pinsan ko nagyayang magbakasyon sa CamSur. 2days and 3 nights lang. Wanna come?”

Medyo nag-alanganin ako. Mga pinsan? So, andun si Zach.

“Uy, sama ka na. Di ba plano nating pumunta dun.”

“Yeah but…”

“Pumayag kana, alam mo namang di ako close sa mga yun baka ma-OP ako atleast pag andun ka, enjoy diba?”

“Bakit ba kasi kailangan mong sumama?” nag-aalangang tanong ko.

“Makulit kasi sila. Kaya napa-oo ako at sinabi rin nila na isama kita.”

Napatango nalang ako. What can I do? Hindi ko talaga matatanggihan tong babaitang ito.

.

.

.

.

.

.

.

Friday afternoon kami nagtungo sa airport, nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala si Zach. Kasama namin yung younger sister niyang si Sam, 21 at ang magkapatid na Ara, 21 at Jayden, 23.

Gabi na nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin. Nagdinner lang kami at pumasok na sa rooms namin. Magka-room kami ni Zeb. Magkasama rin sina Ara at Sam sa isang room while Jayden is on another room.

Breakfast is served at the room. After breakfast, magkasabay kaming bumaba ni Zeb sa lobby dahil hinihintay na kami ng mga pinsan niya. They plan to try different water sports.

“Hi! Good morning lovebirds!” bati ni Sam pagbaba namin. Nagkatingininan kami ni Zeb nang makitang nadagdagan ng isa ang grupo. Nang makahuma, binati rin ito ni Zeb.

“Hey, Zach! I thought you weren’t coming!” tinapik niya ito sa balikat.

“I won’t miss this bonding for the world!” he laughed then looked at me.

“Hi, Nicasia!” bati niya sa akin.

“Hello!” mahinang sagot ko.

“Let’s go!” Yaya naman ng mga nakababata. Sumunod nalang kami.

Una naming triny ang banana boat. Nakakatakot pero enjoy naman. Ilang beses nga kaming nahulog pero enjoy naman very exciting. Yung mga lalaki, nagsurfing. Ako diko talaga kaya, ginawa ko nalang salbabida yung surf board ko. We tried other water sports. Kaya naman pagdating ng hapon bagsak na kami.

Nagrent nalang kami ng isang cottage na may videoke at nagpaserve ng maraming foods and drinks.

Kuwentuhan, tawanan at kantahan kami hanggang gumabi. Masarap din palang kasama tong mga pinsan niya. Puro sila kalog. Nagkukwento sila nang tungkol sa mga kalokohan nila sa Amerika.

Nahuhuli kong nakatingin si Zach parang gusto niya akong makausap pero wala namang chance para makapag-usap kami.

Nag-excuse muna ako para mag-CR. Pabalik na ako sa cottage nung salubungin ako ni Zeb.

“Maglakad-lakad muna tayo.” Yaya niya. Sumunod naman ako.

“May sasabihin ka ba?”naramdaman ko kasing parang may gusto siyang sabihin.

He stopped at humarap sa akin.

“Are you falling in-love with Zach?”

Napamaang ako.

Pansin ko ang mga tinginan niyong dalawa. We’ve been together for ten years, I know you enough.” Sunud-sunod niyang pahayag. Di na ako sumagot. Sa totoo lang di ko rin alam kung mahal ko na si Zach or nadala lang ako sa feeling na ang dating hinahabol ko noon ngayon binibigyan na ako ng pansin.

“Alam mong sa oras na patulan mo yang nararamdaman mo kay Zach at malaman ng lahat na kayo na. I would be left with no choice but to tell them the truth about me.” Malungkot niyang saad.

“Why?” naguguluhan kong tanong.

“Siyempre pag nalaman ng grandparents ko na kayo na ni Zach, iisipin nilang masamang babae ka dahil kaming magpinsan ang pinatos mo and I don’t want that to happen. Kaya pag dumating ang time na yun kailangan kong aminin ang lahat.”

“Hindi mo naman kailangang gawin yun.”

Napangiti siya ng malungkot.

“Ano ka ba, hindi ko hahayaang masira ang image  mo sa kanila noh! Bestfriend kita at mahal na mahal kita!” he pinched my nose. Napatawa naman ako.

“Bakit ready ka na bang aminin ang totoo?”-biro ko.

Natigilan naman siya.

“Not yet…” he said.

Niyakap ko nalang siya. If he could protect me to that extent kaya ko ring tiisin si Zach to protect him. Pipigilan ko nalang muna kung anuman itong nagsisimulang umusbong sa puso ko.

Pagbalik namin ng cottage nagpeprepare na ang mga pinsan niya para bumalik ng hotel.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon