Chapter Twenty-Nine

99.4K 2.3K 22
                                    

 

Nics’ POV

So that explains kung bakit alam ni Zach lahat ng dream dates ko with him.

Pero bakit siya bumalik at tinupad lahat yun?

I wanted to ask but how? I don’t even have his number. Kung tatanungin ko naman kay Zeb ang number niya baka magduda pa yun. Hay! Bahala na!

I was busy checking some displayed items on the shop when Zeb tapped me on the shoulder.

“Babaita, san ka nagsusuot at di kita mahagilap ng ilang araw?” nakapamewang nitong tanong. Napatawa naman ako sa itsura niya.

“Ibaba mo nga yan, di bagay sa business suit mo.” Ibinaba ko ang kamay niya na nakahawak sa bewang niya. Sabay kaming napatawa.

“May cellphone naman ako di ba? So ba’t di ka muna nagtext or tumawag?” litanya ko.

“Ihh, I wanna see you personally namimiss na kasi kita.” Naglalambing nitong saad saka niyakap ako ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap. I know some customers are already looking at us.

Nagulumihan ako ng bigla nalang siyang napabitaw sa yakap ko at bumulagta sa sahig. Napahawak siya sa bibig niya.

Saka ko lang napagtanto kung ano ang nangyayari nang makita si Zach na pasugod para suntukin siya. I immediately run to Zeb para hindi niya ulit ito masuntok.

“Ano bang problema mo?!!” sigaw ko kay Zach. Inalalayan kong bumangon si Zeb at yumakap sa bewang niya.

Zach smirked.

“You wanna know the problem huh?” he said sarcastically.

We both looked at him puzzled.

“Him!” itinuro niya si Zeb.

“What about him?” asik ko.

“Stop pretending Zeb! I already know your secret!” sigaw niya kay Zeb.

Nagkatinginan kami ni Zeb. I got nervous for him. May mga tao na ring nakikiusyoso.

“Please leave!” mahinahong saad ko kay Zach. He just smirked.

“You’re boyfriend is gay!” madiin niyang saad sa akin saka lumabas ng shop.

Pareho kaming hindi nakapagreact ni Zeb at sinundan na lamang ng tingin ang papalayong si Zach.

I looked at Zeb. Hinawakan niya ang parteng nasuntok ni Zach.

“Patingin nga ng sugat mo?” hinawakan ko ang baba niya para matingnan ang pumutok na labi niya.

“Gosh, my face! Sakit sumuntok ni Zach. Kasalanan mo kasi to eh.” himutok niya.

“Bakit ako?” tanong ko naman.

“Ang haba kasi ng hair mo!” irap niya. Napatawa naman ako sa inasal niya.

“Halika na nga gamutin nalang natin yan.” Hinila ko na siya patungo sa office ko. Umakbay na rin sya papasok kaya yumakap nalang ako sa bewang niya. Kumuha ako ng yelo sa mini ref ko at ibinalot sa towel saka iniabot sa kanya.

Tinitingnan ko lang siya habang dinadampian niya ng yelo ang sugat niya. Diko maiwasang mag-alala para sa kanya.

“Paano yan alam na ni Zach? What if isumbong ka niya sa lolo mo?” nag-alalang tanong ko.

“Hayaan mo na, maybe it’s about time na malaman nila.” Wala sa loob na sagot nito.

“Paano kaya niya nalaman?”

Nagkibit-balikat lang siya.

“Sure ka na bang kaya mong harapin ang pamilya mo as the real you?”

Napatitig siya sa akin bakas sa mukha niya ang pagkabagabag. Nakita ko ang pilit niyang ngiti habang tumatango.

Silence.

“Ikaw Nics? Sigurado ka bang kaya mo nang masaktan ulit kung sakali?”

Napamaang ako sa sinabi niya.

“I know this marks the continuation ng naudlot niyong love story ni Zach.”  He smiled bitterly.

“If you are happy with him go! But you have to make sure na ikaw lang ang babae sa buhay niya.”

What am I suppose to say? Napalabi nalang ako.

“Minsan ang pagiging playboy parang cancer lang, only miracle can cure it.”

Napatitig ako sa kanya.

“Is that my bestfriend Zeb talking?” biro ko para naman gumaan ang usapan. Napatawa naman siya.

“Gaga! Ayoko nang i-nurse ka ng isang taon dahil sa brokenheart mo noh!” napaigtad ako dahil kinurot niya ako sa tagiliran.

“Kung makaisang taon ka naman.” Reklamo ko. Napatawa naman siya.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon