Andito na ako shop pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang biglang pagsulpot ni Zach kahapon. He acted as if he can just drag me anywhere. I don’t know kung ano nga ba ang sumapi sa kanya at kung bakit ako nagpatangay sa kanya.
Well, ok I admit kahit takot na takot ako sa star flyer naappreciate ko naman yung experience na nakaya ko din pala. At siguro masaya din ako lalung-lalo na nung mga time na nakayakap siya sa akin o di kaya’y nakaakbay. You can’t blame me, pinangarap ko din kasi dati ang ganoong eksena.
“Hi everyone!” speaking of the devil. Ngiting-ngiti siya habang palapit sa kinatatayuan ko. Ok! Siya na ang model ng toothpaste.
“Hihihi, loverboy is back…” narinig kong bulungan ng mga saleslady. I glared at them! Hmp! Eh kung sisantehin ko kaya silang lahat. Hehehe, agad naman silang nagsibalik sa pwesto nila.
“Hey, ikaw talaga Nicasia! Pati ba naman sales ladies pagseselosan mo!” he grinned and pinched my nose.
Shocks! Does he really think na nagselos ako?
“Call me Nics!” ingos ko nalang. Nainis lang naman ako sa pagiging chismosa nila. Selos daw? Shit!
He smiled sweetly.
“I like Nicasia more and…” he paused. Napatingin naman ako sa kanya waiting for his next words.
“and besides I called you Nicasia when you were at my condo, you didn’t complain.” He said and smiled teasingly.
I think I blushed as I looked at other direction. Ayoko nang maalala yun.
Nagulat ako nung hilahin niya ako sa kamay at nagmartsa na palabas ng shop ko.
“Hey, wait! Saan mo ako dadalhin?” piksi ko pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Tumawa lang siya at nagpatuloy sa paglalakad na hindi tumitingin sa akin.
Sa inis ko, hinila ko ang kamay ko at itinukod ang paa ko sa floor para mapahinto ako. At dahil madulas ang floor at naka-doll shoes lang ako di pa rin effective. Kaya umupo nalang ako na sanhi para mapahinto siya.
Kumunot ang noo niya. Siguro dahil para akong bata na ayaw sumama.
“Hey, what are you doing get up!”
“Hindi ako sasama.” nakasimangot na saad ko.
Umupo rin siya para magkalevel ang mukha namin. Nag-iwas ako ng tingin. Shocks! Tinitingnan na kami ng mga taong dumadaan.
Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kanya.
“What’s the problem?” seryosong saad niya. Shocks, I can smell his fresh mint breath. Pero di ako dapat padaig sa kanya.
“Look, I don’t know what you’re up to but I don’t like it so stay away from me.” Madiing saad ko. Biglang dumilim ang mukha niya pero unti-unti ring nagfade at napalitan ng ngiti.
Alam ko kung bakit siya napangiti. Yun kasing mga naglalakad sa mall, ganito ang sinasabi. “LQ siguro” “Ang sweet!” “Swerte ni girl!” “Kyaah, bagay sila!” My God! Very teen-ager-like.
Tiningnan ko lang siya.
“I’m the type of person who keeps my promises!” he winked and smiled. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. Tumawa siya at hinila na ako patayo.
I looked at him in disbelief. Then he stopped laughing.
Nagsimula ulit siyang maglakad hawak pa rin ang kamay ko. We’re like teen-agers really. Dapat ginawa niya ito eleven years ago. Baka nagtatalon pa ako sa tuwa at niyakap siya. Not now that I am too old for this mushy things.
“What?” tanong niya when I stopped. I didn’t utter a word at tumingin ulit sa ibang direksiyon. Di ko talaga masakyan ang trip niya. Hinawakan niya ulit ako sa baba at pinilit tumingin sa kanya. I looked at his eyes. Did I see loneliness in there?
“Tinutupad ko lang ang pangako ko.” Saad niya.
“Na ano?” naguguluhan kong tanong.
He looked at other direction.
“Na…uhm…na…idate ka. Di ba sinabi ko kahapon?”
“Ha?” usal ko.
“Basta! Tara na!” hinila na niya ako papunta sa cinema ticket booth. Di na rin ako nagsalita pa.
Nung lumapit kami sa bilihan ng snacks. I faked a cough.
“Bakit?” naguguluhang tanong niya.
Itinaas ko naman ang kamay ko na hawak-hawak niya.
“Yung kamay ko Zach! Kanina ka pa kasi kumu-quota!” sagot ko. Bigla naman siyang tumawa at napailing. Pero binitawan niya na rin. Thank God!
Actually pwede na akong tumakbo at umalis dahil may hawak siyang dalawang pop corn at bottled drinks at di niya ako mahihila. Kaya lang naisip ko din naman, pangarap ko to dati…ang makasama siyang manuod ng sine…I might as well enjoy it.
We watched The Amazing Spider Man 2. Gusto ko talagang panoorin ang movie na to. Balak ko nga sanang yayain si Zeb. Naalala ko dati nung pinalabas yung TASM1, ayaw ni Zeb na sumama, hinila ko talaga siya at pinagbantaang di na papansinin pag di niya ako sinamahan.
Napatingin ako sa katabi ko. Tutok na tutok siya sa screen habang ngumunguya ng pop corn. Napatingin siya bigla at napangisi.
Gosh! Huli ako!
“Concentrate on the movie!” bulong niya. Napatingin ako sa kanya.
“Anyway, you have your whole life to stare at my handsome face.” Saad niya saka ngumisi at tumingin sa screen.
Bumilis yata ang tibok ng puso ko.
You have your whole life to stare at my handsome face daw?
Napangiti nalang ako at napapailing na ibinalik ang mata sa screen. Nagulat ako nang magsalita ulit ito sa tenga ko.
“Stop imagining me!” he said and chuckled.
Bigla namang bumangon ang inis ko. I glared at him. Tumawa lang siya. Tumahimik nalang ako at nanuod na.
Saktong paglabas namin ng sinehan nang may tumawag sa kanya at kinailangan niyang bumalik sa opisina niya. Hayy! Buti naman! I can’t really stand his arrogant style. Di ko na siya crush promise!
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romantik"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...