Nics’ POV
“Kayo ang nakabili ng bahay?!”-gulat na tanong ni Zach nung itinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay.
“Di ba nabanggit ni Zeb?”
“We’re not close! Saka di pa kami nagkikita ulit!”-mukhang dumilim ang itsura niya.
Bumaba ako para pindutin ang combination sa may gate. Nang bumukas ito sinenyasan kong ipasok niya ang sasakyan. Naglakad na rin ako papasok. Mag-uumaga na rin kasi. Parang namimigat na ang talukap ng mata ko. Dahil sa kalokohan ko, napauwi tuloy ako ng Sta. Ines. Umakyat ako sa main door sumunod naman siya.
“In fairness, mas maganda na ito ngayon.” Komento niya.
“Of course! Kuya ko ang engineer eh.”-pagmamalaki ko naman. Inilabas ko ang phone ko para tawagan si mama. Diko kasi dala ang spare key ng main door kaso biglang bumukas ang pinto.
“Nicasia?”- nagulat si mama pagkakita sa akin pero agad ding umaliwalas ang mukha niya at bineso ako.
“Morning, Ma!” bati ko. Zach faked a cough. Napatingin naman kami ni Mama. Oo nga pala kasama ko si Zach. Sana hindi siya makilala ni Mama. Ang dami kasi dating picture nito sa kwarto ko nung third year high school ako. Lagi nga akong kinakantiyawan nina Mama at kuya. Lalo na nung makita nila akong umiiyak dahil nireject niya ako. Bakit ba kasi di ako marunong magtago ng feelings dati?
“Ma, si Zach nga pala.” Pagpapakilala ko.
“I know!” mom replied nang nakangiti. Si mama talaga, hinawakan ko siya sa braso at marahang pinisil. Baka mamaya ipangalandakan niya na iniyakan ko dati ang kumag na to. Sutil pa naman si mama minsan.
Zach looked at mom puzzled pero iniabot pa rin ang kamay niya para makipag-shake hands.
“Pasok kayo.” Yaya naman ni mama at nauna nang pumasok.
“Akala ko ba ayaw mo sa pangalan mong Nicasia?”-bulong naman ni Zach pagpasok namin. Hindi ko na siya sinagot. Di naman importante. Hehehe
“Wow! Concreto na pala dito sa loob.”-komento niya ulit. Di ulit ako sumagot. Hehehe
“Magkape, muna kayo!” –yaya ni mama at bumaba na sa living room. Sumunod lang kami.
Magkakaharap kaming nagkakape ng pumasok si Kuya sa komedor.
“Oh! Lil sis! Andito ka pala!!!”-masayang bati niya. Napatingin siya kay Zach.
“Look who’s here! Zach!”-dagdag niya. I glared at him! Pero tumawa lang siya at iniabot ang kamay niya para makipagshake hands. Tinanggap naman ito ni Zach.
“Kumusta po. I’m glad you still remember me.”-sagot naman ni Zach. Naalala ko kasama pala dati ni kuya ito sa varsity nung high school. Ahead lang si kuya ng dalawang taon.
“Of course! I’ll never forget!” tumingin naman sa akin si Kuya ng makahulugan saka kumindat. Napatingin si Zach sa akin nang may pagtataka. Kainis talaga si kuya.
“Magpahinga ka nalang muna mamaya bago ka bumalik ng Manila.”-pag-iiba ko ng usapan.
Tumango naman siya.
“Aayusin ko lang yung guestroom.” Saad ni mama at tumayo na samantalang si kuya nagtimpla naman ng kape niya at umupo sa harap namin.
Walang nagsasalita.
Awkward.
“So kumusta ka naman after high school Zach?”-kuya is making some conversation.
I just hope wag siyang magbabanggit na kahit anong detalye that will give Zach a hint na totoong deads na deads ako sa kanya dati. Pero ayos lang naman. Matagal na din naman yun eh. Hahaha ang labo ko talaga.
“Okay naman po. Nag-migrate na kasi kami sa US after HS grad. But I am back para i-manage yung negosyo ni Lolo.”
“Ahh!” napatango naman si kuya.
“Ayaw kasi ni Zeb.”dagdag nito at tumingin sa akin. Di naman ako nagreact. Bahala siya. Hehehe
“Ano bang negosyo ng lolo mo?”-tanong ulit ni Kuya.
“May construction firm siya sa Makati.”
“Ah, talagang aayaw si Zeb dun-”
“Kasi busy na siya sa restaurants niya.”-agaw eksena ko. Mahirap na baka mabanggit ni Kuya ang tungkol sa gender ni Zeb. Nagtatakang tingin naman ang ipinukol ni Kuya.
“Pinsan niya si Zeb!”-saad ko naman. Mukhang nakuha naman ni kuya ang ibig kong sabihin dahil alam naman nila na iilan lang ang may alam ng tungkol sa kasarian ng isa.
“Antok na ako.” –saad ko sabay tayo.
“Ihatid mo na muna si Zach sa guestroom.” –suggestion naman ni kuya.
Sumunod na rin sa akin si Zach pag-akyat ko. Inihatid ko siya sa pinto ng guestroom.
“Salamat sa paghatid dito ah. Pag di pa ako gising mamaya. Alis ka nalang wag mo na akong hintayin.”saad ko.
“So pinapaalis mo na ako agad?”-may himig pagtatampong sagot niya.
“Hindi naman, baka lang kasi nakakaabala na ako masyado.”
“Di naman ako busy, weekend naman.”
Tumango nalang ako.
“Sige pahinga kana.”-saad niya.
I just smiled.
“Kanino pala yung room na yun.”-itinuro niya ang room ko.
Napa-smile ako.
“My room.”
“Really? That was my room!” he smiled then kissed me on the cheek at pumasok na sa loob ng kwarto.
I was dumbfounded. Matagal akong nakatitig sa saradong pinto bago ako nagkalakas na pumasok na sa sarili kong kwarto.
So, this was his room! Unbelievable!
Naalala ko na naman ang picture na nakita ko. Pero imposible, sinabi ni Zeb na sa kanya yung picture.
Imposible ring magustuhan niya ako dati. Di nga niya ako pinapansin dati.
Isa pa playboy siya. Lahat yata ng magaganda at sexy sa school dati naidate na niya.
Ako lang ata ang maganda na di niya pinatulan. Hahaha GGSS talaga ako (gandang-ganda sa sarili).
Siguro di niya lang type ang sobrang ganda hehehe. O baka naman di niya type ang flat-chested. Hehehe!
Pero lumaki na naman konti eh. May cleavage na nga eh. Hahaha!
Whatever! Tulog na lang ako.
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...