Chapter Thirty-Eight (1)

112K 2.7K 66
                                    

Nics’ POV

We only had a month to prepare our wedding. Gusto niya kasi sa birthday ko daw. Ayoko sana dahil siyempre di ba pag magkasabay ang anniversary at birthday, iisa lang ang gift? Tsk! Tinitipid yata ako dahil sa laki ng ginastos niya sa pinagawa niyang bahay namin. Hehe

I never dreamed of us getting married. Ang iniimagine ko lang dati yung mga date-date. Akalain mong tutuloy pala kami sa kasalan.

“Nics, pwede pang magback-out!” tudyo ni Zeb. Nasa labas na kasi kami ng simbahan waiting for the go signal na magsisimula na ang ceremony.

“Hmp!” irap ko.

“Wag ka nang magtampo kung tumanggi akong best man ng kasal mo.” Lambing niya. Napangiti naman ako.

“Sinabi ko na kasing ako nalang ang Maid of Honor, ayaw mo naman.” He pouted.

“Ambisyosa ka talaga!” Kinurot ko nga siya. Si Sam ang Maid of Honor while kuya Niccolo is the best man dahil ayaw ni Zeb. Kasama din ang mga pinsan nilang si Ara at Jayden sa wedding entourage.

“Eherm!” napalingon kami ni Zeb sa tumikhim. Pareho kaming nagulat when we saw his grandparents.

“Grandpa! Grandma” mahinang bati ni Zeb. Ngumiti naman ang lolo at lola niya saka tumango kay Zeb. Wow! Di na galit ang lolo niya.

“Congrats hija!” bati ng lolo niya sa akin. Nagkatinginan kami ni Zeb.

“Thank you po, buti po nakapunta kayo.” Nahihiyang tugon ko.

“Of course, this is an important family event!” he said smiling. Napangiti rin ako.

“Sige pasok na kami sa loob. See you later!” paalam nila. Marahan niyang tinapik si Zeb bago sila pumasok sa simbahan.

Nagkatinginan naman kami ni Zeb at nag-apir!

Nag-cue na ang organizer.

“This is it Nicasia! Dream come true na talaga!” bulong ni Mama. Tumawa naman si Papa. Dalawa silang maghahatid sa akin sa altar.

“Ma naman eh! Nang-aasar ka na naman.” Reklamo ko.

“Sus, totoo naman ang sinasabi ko ah!” pang-aasar niya pa rin.

“Tigilan mo nga ang anak mo.” Saway naman ni Papa. Napa-smile  naman ako.

Tanaw ko na si Zach sa harapan. He looked really handsome.

“Oh, baka matunaw! Di pa matuloy ang kasal.” Tudyo ulit ni mama. Napatawa nalang kami ni Papa.


Naging maganda ang takbo ng seremonya. Pansin ko ang mga titig niya at marahang pisil sa kamay ko. I know he is just as happy as me.


He held the mic for his wedding vow.

“Napag-usapan namin ni Nicasia na bukod sa singsing magbibigay din kami sa isa’t-isa ng symbol of love. Wala naman pauso niya lang!” turo niya sakin. Nagtawanan naman ang mga tao.

Sumenyas siya at lumapit naman si kuya dala nito ang pink diary ko at isang snickers chocolate. Napailing ako, parang alam ko na ang laman ng speech nitong si Zach.

Una niyang hinawakan ang snickers.

“Alam niyo bang pag kumain kayo ng snickers per day within 103 days! You won’t forget any single detail of that 103 days in 12 years?”

Napanganga kaming lahat. Anong trivia yun?

“12 years ago, I was in fourth year high school. Nicasia gave me a snickers chocolate almost everyday for 103 times. And I’ve never forget any single detail of her including how she flinched her hair back then.” He chuckled.

“Pero hindi ito ang symbol of love na ibibigay ko sa kanya.”

We all looked puzzled. Binuksan niya ito at kinagatan.

“Gutom na kasi ako, ang tagal kasi ng homily ni father!” biro niya.

Everybody laughed pati si father tumawa rin.

“Kidding aside, this chocolate means a lot to me because it always reminds me of Nicasia. Thanks babe 103 times. But you will always be sweeter than any chocolate in the world.” Saad niya sabay kindat. Napangiti naman ako.

 

 “However, this one symbolizes our love.” He raised the pink notebook.

“This is Nicasia’s diary in high school where she had written all her encounters with me alongside with how she felt back then.”

I looked at him. He’s smiling.

“For years, it had been with me without her knowledge. Thanks to kuya Nicco.”

I looked at kuya Niccolo, nag-thumbs up naman ito.

He flipped the pages. Nagtaka ako dahil may mga sulat na ito sa likod ng mga pahina.

“What I did is write my side of story every encounter she had with me in these pages.”

I smiled. Ang sweet naman. Excited na tuloy akong basahin kahit wala munang honeymoon mamayang gabi. Hehehe

“Sa bawat pagkikita namin kung saan nakalagay kung paano siya kinilig, inilagay ko naman sa likod ng mga pahina kung paano ako nainis, nairita, nagalit sa…Aw! Nicasia!”

Di nya naituloy ang sasabihin niya dahil pinalo ko siya sa braso. Paano naman kasi nakakasakit na siya. Yung mga tao naman nagtatawanan lang.

“Father oh, di pa tapos ang ceremony, mina-murder na ako!” sumbong niya. Natawa naman si father.

Inirapan ko nalang siya. He smiled.

“Inilagay ko sa bawat pahina kung paano ako nainis…”

Hmp! Inulit pa niya talaga! Grrr!

“…nairita at nagalit…sa sarili ko dahil di ko magawang ibuka man lang ang bibig ko pag kaharap ko na siya. Kung paano ko pinigilan ang sarili ko na wag siyang yakapin sa tuwing ngumingiti siya sa akin.”

Napatingin ako sa kanya. He is staring at me. So, gusto na niya ako noon pa? Hmp! Madaya!

“Huwag ka nang magalit, ginawa ko lang naman yun para sayo.” He smiled.

“Alam ko kasi na kapag pinatulan kita noon, di ka papayag na umalis ako nang di ka nabubuntis! Ouch! Ang bayolente mo talaga!” pinalo ko kasi siya ulit sa braso. Kung anu-anong sinasabi, nakakahiya! Yung mga tao naman nagsitawanan lang. Hmp!

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon