Chapter Two

175K 3.7K 28
                                    

Agad akong kinawayan ni Zeb pagpasok ko sa bar. Nandun siya sa may bar counter, uupo na sana ako sa tabi niya pero hinila niya ako sa dancefloor.

"Why?!" naguguluhan ko namang tanong.

"May babae kasi dun na lumalandi sa akin kahit sabihin kong gay ako, ayaw maniwala."

Napatawa naman ako ng mahina.

"Stop laughing!" hinawakan niya ang bewang ko at isang kamay saka marahang isinayaw kahit rock yung tugtog.

"Ang gwapo mo kasi!" komento ko naman saka tumawa ulit.

"Ang yuckie mo talaga ever!"

"Hahaha!" Di ko na talaga napigilang tumawa ng malakas. Binitawan naman niya ako. Pero napatigil ako ng sumeryoso siya. Bumalik nalang kami sa bar counter nung makita naming umalis na yung tinutukoy niyang babae.

"Ang sexy mo tonight, kinabog mo na naman ang beauty ko."-ismid niya. Napangiti naman ako. I'm wearing a fitted navy blue one-shoulder dress na hanggang kalahati ng hita ko.

"In-love ka na niyan?"-biro ko.

"Ewww!" pinaikot pa nya ang eyeballs niya.

Seriously, hindi talaga niya bagay.

Hahaha! Napatawa nalang ulit ako saka tumingin-tingin na sa paligid. Maya-maya may nakita akong gwapong lalaki na mag-isang nakaupo sa gilid. Inginuso ko ito. Napatingin naman si Zeb.

"Okay na ba yan?" tanong ko. Ngumiti naman siya. Operation lovelife na naman kami. Ganito kasi iyon, kapag lumalapit sa lalaki itong si Zeb kailangan kasama ako para kung sakaling hindi naman pala bisexual ang lalaki hindi siya mapahiya dahil andun naman ako. Ewan ko kung bakit kasama pa ako pero dahil kunsintidora akong bestfriend kaya heto kami ngayon kaharap ang lalaki. At tama nga, marunong na talaga akong kumilatis ng bi.

Ang ending nag-excuse nalang ako kunwari pupuntang washroom pero ang totoo uuwi na ako. Tapos naman na ang role ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

After lunch, nakadukdok na naman ako sa desk ko dito sa office ko.

Nakakaboring labas na nga lang ako sa shop at mag-entertain ng customers, may dalawa kasi akong sales clerk dito at isang cashier kaya minsan hinahayaan ko nalang sila.

Konti lang naman ang customers, yung iba nasa DVD/CD section.

Walang magawa pinagdiskitahan ko nalang ang piano na nakadisplay. I played the canon rock.

Napapikit pa ako habang tumutugtog. Nakakalahati na ako nang biglang may pumalakpak ng malakas. Napatigil tuloy ako. Nakatingin na pala sa akin lahat ng tao dito sa shop.

"Bravo! Bravo!"lumapit si Zeb, siya pala yun.

Hinampas ko naman ito sa braso.

"Ano, musta ang date mo kagabi?"

"Ayos naman!"-tipid niyang sagot.

"Oy, ikaw ha kinukunsinti kita pero pag ikaw nagka-aids papatayin kita!" pinandilatan ko siya.

Napangiti naman ito.

"Kakatakot ka naman, sis! Kalahi mo ba si Bin Laden? Ang laki ng mata mo!"-biro naman niya. Inirapan ko naman ito.

"Halika, treat kita!"-yaya niya.

Napangiti naman ako at sumunod sa kanya. Nasa mall lang naman kami, kaya di ko na kinuha ang gamit ko. Ganito talaga to pag sinasamahan kong manlalake, nanlilibre kinabukasan. Pumasok siya sa starbucks.

"Madaya, kape lang..." reklamo ko.

"At least starbucks, arte mo!"-irap niya. Hinawakan ko naman siya sa braso.

"May nakita akong dress na maganda dun kanina, light blue siguradong bagay sa akin." -casual kong saad.

"Hmm, nagparinig ka pa, oo na!" saad nito sabay higop sa kape.

Hindi talaga ako matitiis nito.

Pagkatapos naming nag-snacks, sinamahan niya akong bilhin yung damit na sinasabi ko at siyempre card niya ang gamit namin pambayad. Di ba ang sweet niyang bestfriend? Dapat di nalang siya nagbakla para siya na ang boyfriend ko. Hehehe!

Inihatid niya rin ako sa shop pagkatapos at umalis na.

11 PM ng matapos ako sa shop, ako na kasi ang nagsara, pinauwi ko na ang mga kasama at 10PM.

I decided to eat in a restaurant gutom na rin kasi ako.

Nakatungo akong kumakain ng may magsalita.

"Hi! Care if I join you?" nakangiti itong nakatitig sa akin.

Na-speechless ako. Hindi dahil gwapo ang nasa harap ko kundi dahil napagtanto ko kung sino ito.

Ang lalaking napanaginipan ko few days ago. Yung high school crush ko.

"Ehermm, done scrutinizing my handsome face?"- nakangiti pa rin ito.

Ang yabang! Napasimangot ako. Feeling niya ang gwapo niya mas gwapo pa nga si Zeb sa kanya.

"Sorry, I prefer to be alone!" walang kagatol-gatol kong sagot.

Ngumisi siya.

"C'mon Nicasia, don't you remember me?"

Uminit bigla ang ulo ko. Shit! Ano daw? Nicasia? Sakalin ko kaya siya! Kainis!

"Paano kita makakalimutan?!" galit kong sagot.

"Oo nga naman, patay na patay ka sakin dati eh!" Ngumisi ulit ito.

Shit! Ang yabang! Bakit ba kasi yun ang nasabi ko. Kainis! Nawalan tuloy ako ng gana.

"Conceited!"-inis na bulong ko sabay tayo. Umalis na lang ako. Narinig ko pa itong tumawa.

"Nice seeing you again beautiful!" -pahabol niya.

Tsk! Beautiful? Sinong niloko niya, binasted nga niya ako dati eh....Do I sound bitter? Galit lang talaga ako sa mga taong mayayabang. Ipinamukha pang gusto ko siya dati. Well, dati yun!

Pagkapasok ko ng sasakyan, agad kong tinawagan si Zeb.

"Hey girl!"-bati niya.

"Hi! Alam mo ba yung kinuwento ko dati na lalaking mayabang na nambasted sakin nung high school?"

"Ah yung gwapong basketball player!"

"Hindi na siya gwapo ngayon, mas gwapo ka na!"

Napahalakhak naman siya.

"Oh anong tungkol sa kanya?"

"Inapproach niya ako kanina lang dito sa restaurant."

"Oh? Kinilig ka naman?"

"Anong kinilig? Nakakaasar nga eh, ang yabang pala! Kung alam ko lang di ko na sana siya naging crush."

"Hooh, destiny yan girl!"-pang-aasar naman nito.

"Hay naku, wala kang kwentang kausap!" Pinatayan ko siya ng phone at nagdrive na pauwi.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon