Chapter Eight

132K 3K 32
                                    

Two weeks passed. Hindi ko na naramdaman ang aura ni Zach.

Si Zeb naman kasama ko 2 days ago, diko na nabanggit ang tungkol sa pinsan niya baka kantiyawan pa ako. We make it a point to go out once a week for bonding kahit medyo busy siya sa business niya.

Another boring day dito sa shop ko. Nagbabasa ako ng libro nang katukin ako ng isa kong sales clerk
“Ma’am  may bibili po ng electric guitar, gusto niyang ipatono bago kunin.”

I smiled, these are the times na kailangan ako dito. Hehehe.

Isang batang lalaki kasama ang kanyang ina ang bumibili.

Ang galing mo naman. I wish I have that talent.”-komento ng babae. I just smiled at itinuloy ang pagtotono sa gitara.

Zach’s POV

I heard the intro of “Sweet Child of Mine” being played in an electric guitar. Napatingin ako sa loob ng music shop.

I smiled when I saw Nicasia. Oh no, Nics pala. Siya yung tumutugtog ng gitara. Inaayos niya pala ang tono ng gitara.

I went inside and watched her. Nung maayos niya, tinugtog niya ulit ang intro ng kanta. I saw her smile. Napapatingin din ang ilang tao sa shop. She again played the first stanza of “Wrecking Ball.”

She’s really talented. Akala ko violin at piano lang tinutugtog niya pati din pala gitara. She’s really musically inclined.

She looked at my direction. I smiled sabay lapit sa kanya.

“What musical instruments can you not play?”- biro ko sa kanya.

Nics’ POV

Napatawa ako sa tanong niya. Ano nga ba ang di ko kayang tugtugin? Trumpet, marunong ako konti lang.

“Is this shop yours?”- he asked. Tumango naman ako.

Tamang-tama di pa nga pala ako nakakabawi dito sa pagpapaayos niya sa sasakyan ko.

“Nag-lunch kana?”- I asked.

“About to.”

“Hintayin mo ako, kunin ko lang yung bag ko. I’ll treat you.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Kinuha ko na ang bag ko.

“Let’s go!”- yaya ko paglabas ko ng office. He just smiled at sumunod na.

“Which do you prefer Italian or Japanese food?”-tanong ko.

“It’s up to you.” He smiled again. Maganda yata ang mood ng loko.

Sa isang Japanese restaurant ko napagpasyahang pumasok.

“Why did you ask me out for lunch?”-tanong niya ng nakangiti while we are waiting for our food.

“Pa-thank you ko para sa pagpapaayos mo ng kotse ko.”

Tumango lang siya. While eating, marami siyang tinatanong like paano kami nagkakilala ni Zeb, how long have we been together. Di na ako nagtanong about him. Di naman ako masyadong interesado.

Nagkwento siya about his grandfather, how strict he is and how Zeb is aloof with him. Kung ilang babae ang dinala na ni Zeb para maipakilala sa kanila.

Napapa-smile naman ako dahil alam ko naman lahat ng iyon. Memorize ko pa yata lahat ng pangalan nila.

Pagdating ng bill. Pinipilit niyang yung card niya gamiting pambayad. But I refused.

“Treat ko nga di ba!”-I said.  Ibinigay ko sa waiter ang card ko at sinenyasang umalis na.

“But I don’t  allow any girl to pay for me.”-reklamo niya. Napangiti naman ako.

“There is always and exemption to the rule.”-saad ko.

Napatigil naman siya.

“You have always been @n e&e#@*%n.”

He whispered something pero hindi ko naintindihan yung iba.

“What were you saying?” untag ko.

Zach’s POV

“You have always been an exemption.”-I mumbled. Sinadya ko talagang hindi iparinig sa kanya.

“What were you saying?”-she asked.

“Wala sabi ko, you are so stubborn. Panalo kana!”

She didn’t answer.

Gusto ko pa sana siyang kakwentuhan kaso nagmessage ang secretary ko na may meeting ako.

“As much as I would like to stay.  I have to go. May meeting pa kasi ako.”-paalam ko. Tumango naman siya.

“Can I get your number?”- I asked.

“What for?” she asked. I sighed. So, we are not in good terms yet?

“Never mind!” I said and walked away.

Nics’ POV

Tinanong ko lang naman siya kung para saan ang number na hinihingi niya, nag-walk-out na siya. Nagkibit-balikat nalang ako.

Pagpasok ko sa shop, I saw Zeb. Napangiti ako.

“Hey, bebe miss me already?”

Tumingin naman siya na parang nanunuri.

“What?”- I asked.

“Lumabas ka daw with a handsome guy sabi ng sales clerk mo? Nangangamoy lovelife ka na yata ah?” biro niya. Gosh!

“Wala yun!”-iwas ko naman at pumasok na sa office ko.

“Anong wala? Ngayon ka lang ulit nakipagdate after a long time.”

“It’s not a date, ok! I just thanked him for helping me fixed my car.”

“Who?”

Gosh! Do I need to tell him?

“Gaga! Tinatanong kita kung sino!”napaigtad ako dahil kinurot niya ako sa tagiliran.

“Sakit naman!” angil ko but he just looked at me waiting for my answer.

“It’s Zach!”-mahina kong tugon.

“Zach? My cousin?” napamulagat siya. He seemed disappointed. Tumango naman ako.

“Kelan ka nasiraan ng sasakyan?”

“About two weeks ago…”

“Bakit hindi ako ang tinawagan mo?At bakit ngayon mo lang nasabi sa akin?”-may himig pagtatampong saad niya.

“Di naman kasi importante, saka that time you were on a date nagkataong andun siya at nagvolunteer.”- diko na binanggit ang pagpunta namin ng Sta. Ines baka humaba pa ang usapan.

“I’m telling you Nics! Pag niligawan ka niya, bastedin mo. Even if he is my cousin, hindi ako boto sa kanya.”

Napamaang ako. Pero tumango nalang ako.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon