Zach’s POV
Papalabas na ako ng mall nang maisipan kong bumalik. Hindi ko dapat iniwan si Nicasia sa pinsan kong bakla. I don’t have anything against gay pero ang ayoko lang yung malaman na niloloko niya si Nicasia.
Alam kong mahal na mahal siya ni Nicasia at ayokong masaktan siya kaya lang di na ako nakapagpigil kanina nang makitang kayakap niya ito kaya ko siya nasuntok.
Ngunit pagbalik ko nakita ko na silang papasok sa office ni Nicasia. Nakaakbay siya dito habang si Nicasia naman ay nakayakap sa bewang niya.
Shit! Ano naman kayang paliwanag ang ibinigay niya dito at naniwala naman ang isa
Flashback
I can’t think straight nung makaalis ako sa condo ni Nicasia. Nasisiguro kong hindi pa iyon ang huli naming pagkikita dahil may isa pa akong gustong tuparin sa wish list niya. Problema nga lang kung paano ko ito isasakatuparan. Sa totoo lang naumpisahan na iyon nung last month pa.
I decided to go to a bar para magliwaliw bago umuwi ng condo. Di rin naman kasi ako makakatulog agad.
I was seated on the bar counter when I saw Zeb sa isang sulok. Lalapitan ko sana siya when a guy went near him and kissed him on the cheek.
Yun palang nagduda na ako. Bloody hell! Sinong lalaki ang hahalik sa pisngi ng barkada niya pag nagkita sila? I watched them as they sat and drank.
Hindi ko nalang pinansin ang mga babaeng lumalapit sa akin. Pagkatapos ng isang oras, nakita ko silang lumabas ng bar.
Sinundan ko sila. Nakita ko silang nagcheck-in sa isang hotel. Sinundan ko sila hanggang sa loob nang di nila napapansin. I used my charm para malaman ang room at floor number nila sa front desk.
Sumakay ako sa kabilang elevator. Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang elevator, I saw them kissing while hurriedly opening the door of their suite.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Zeb’s POV
It’s been a week since that incident. I have been anticipating calls from Grandpa kung nagsumbong nga si Zach sa kanya pero wala pa akong natatanggap na tawag.
Alam ko naman na darating ang araw na malalaman nila ang lahat. At hinding-hindi ko na iyon mapipigilan pa.
I know nag-aalala si Nics, she even volunteered to go with me when confrontation comes pero di ko siya maaaring idamay sa gulo ng pamilya ko kung sakali. She’s on vacation sa Sta. Ines, Christmas Season na kasi.
I’m heading to Grandpa’s house. Tinawagan kasi ako ni Mommy na doon kami mag-iispend ng Christmas Eve.
Sa totoo lang kinakabahan ako. What if alam na nila? Or what if ngayon sasabihin ni Zach sa kanila? Bahala na!
![](https://img.wattpad.com/cover/15971357-288-k627216.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Lãng mạn"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...