Nics’ POV
Alas dose na nang makarating kami ng Subic. We had lunch in a restaurant. Pagkatapos ay nanuod kami ng dolphin show.
“Did you like it?” he asked while we are on our way to somewhere I’m not sure of.
Tumango nalang ako. Okay, for the fourth time. I enjoyed it.
Mga gubat na ang nadadaanan namin ngunit di naman ako ninenerbiyos dahil sementado pa rin ang daan. May mga sasakyan din kaming nakakasabay sa paakyat na daan. Nagtaka ako nang makita ang malaking streamer ng lugar na sunod naming pupuntahan: Tree Top Adventure.
I looked at him puzzled. Now, I understand that “number three” thingy na nabanggit niya kahapon because this zipline adventure is number five. Ang malaking tanong, how did he ever know my list?
“Let’s go!” he said at inalalayan na akong makababa.
“I never tried this before, I’m so excited.” He exclaimed. Napangiti nalang ako para kasi siyang bata when he said it.
Una naming pinuntahan ang superman ride. Parang gusto kong umatras nang makita ko kung gaano kataas ang zipline. Pero hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. I felt relieved.
Umakyat na kami sa puno kung saan kami lalagyan ng harness. Buti nalang dalawa kaming magsasabay sa zipline.
“Are you nervous?” he asked nung nakaready na kami.
“Oo” sagot ko naman. Hinawakan niya ang kamay ko.
Napahiyaw ako ng bigla kaming binitawan. Pero nung nasa gitna na kami, naenjoy ko na ang ride. Ang sarap pala ng feeling nang lumilipad. I was laughing nung huminto na kami sa dulo.
“Are you enjoying?” he asked habang chinecheck nila ulit ang harness namin.
“Yeah very much!” I said and smiled. Enjoy naman talaga ang superman ride.
I stretched my arm like flying nung nireleased ulit kami pabalik sa kabila.
“Ang sarap ng feeling nang lumilipad noh?” tanong ko sa kanya while we are on our way to the canopy ride station.
“Yeah! Especially if you’d fly with the one you always dreamed of” he said and smiled.
I looked at him but he just continued walking. Nagkibit-balikat nalang ako.
Sumunod na pinuntahan namin ang Canopy Ride. Mas nakakanerbiyos ata to kesa sa superman ride. Magkasunod kaming umupo sa naka-hang na upuan, sa unahan ako pumuwesto siya naman sa likod ko. Kahit nakaharness kami ninenerbiyos pa rin ako.
Ayos lang ang first station dahil medyo mababa pa lang at mula sa isang puno diretso lang ito sa kabilang puno. Pero nung pangatlong station na dun na talaga ako ninerbiyos. Why? Pataas kasi ang andar ng ride at dahan-dahan pa itong umaakyat patungo sa isa pang puno.
“Zach, are you still there?” I know that is stupid dahil nasa likod ko lang naman talaga siya. Pero nakakatakot kasi talaga. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tali dahil baka gumalaw ito at mahulog ako.
“I’m here, don’t worry!” he said.
“Nakakatakot talaga, ayoko na last ko na ‘to” usal ko. I heard him chuckle.
“Mamamatay na yata ako, Lord please ayoko pa.”
“Hindi tayo mahuhulog, wag kang mag-alala…” pagpapakalma niya. Pero natatakot talaga ako. I’m not being OA, it’s really scary try niyong pumunta.
“Ayoko pang mamatay, pano yung shop ko? Sina Mama at Papa, si kuya di ko pa nakikita mahigit isang buwan na. Si Zeb pa! Bebe, mamatay na yata ako!” sunod-sunod na usal ko nang nakapikit.
Napasigaw ako ng bigla nalang umalog ang upuan ko.
“Wag ka ngang sumigaw!” bulyaw ni Zach na nasa likod ko.
“Bakit mo ba inalog tong upuan ko? Nakakatakot!” ganting bulyaw ko.
“Tss! Ang OA mo!”
“OA! Alam mo na ngang natatakot ako!” bulong ko.
“Tss!” I know he smirked. Ano bang problema niya? Kainis.
Buti nalang yung last station, diretso nalang at di na pataas at pabalik na rin yun sa first station. Parang umikot lang kami sa kakahuyan.
Dumiretso kami sa picture booth, at kinuha ang mga pictures namin bago kami nagtungo sa snack bar.
“Sorry kanina ha?” napaangat ang tingin ko kay Zach, magkaharap kami habang umiinom ng shake.
“Bakit mo ba kasi inalog yung upuan ko alam mo na ngang ninenerbiyos ako?” I pouted.
Sumeryoso naman siyang bigla.
“Ako ang kasama mo pero si Zeb pa rin ang iniisip mo.” He said glibly.
Natahimik naman ako. Is he jealous?
There was a long silence.
“Tara na!” saad niya at hinila na ako sa kamay hanggang makarating kami sa kotse niya.
.
.
.
.
.
I slept on our way home nagising nalang ako nang malapit na kami sa condo ko.
“Goodnight!” saad niya na parang may lungkot pagkahatid niya sa akin sa tapat ng unit ko.
“Goodnight! So, I guess this will be the last?” I looked straight into his eyes.
“Why do you say so?” he put his hands on his pockets.
“The zipline is last on the list.” I said then shut the door closed.
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Lãng mạn"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...