Nics' POV
It's been a month since that conversation with Zach. I must admit sometimes I miss his presence but I don't regret anything. I believe everything will fall into place in God's perfect time.
Na-meet ko na pala yung sinasabi ni Zeb na jowa niya. He seems nice naman at mukha namang hindi niya pineperahan si Zeb, so it's fine with me. I'm happy for them.
Ako naman dito lang sa shop. I am planning to put up another branch sa isa ring mall.
Kung beauty naman ang pag-uusapan, well, I have been dating pero hanggang date lang. Paano ba naman kasi sa tuwing malalaman ni Zeb na may date ako, he would always call at sasabihin ang walang kamatayang "guard your heart."
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Untag ng isa kong kasama sa shop. Agad naman akong umayos ng upo. As usual, nakaub-ob na naman kasi ako sa desk ko.
"Hi Nics, Good morning!" napatayo ako sa kinauupuan ko. Magkasunod na pumasok ang lola ni Zeb at si Tito John, daddy ni Zeb.
"Hello po!" agad akong nagbeso sa lola niya at nagmano kay Tito John.
"Si Mama kasi gustong dumaan dito nung nabanggit kong may music shop ka dito sa Mall." Paliwanag ni Tito John. Tito John knows my shop dahil lagi naman ako sa bahay nila dati. Medyo close ako sa kanila lalo na kay Tita Lindz.
Ngumiti na lang ako.
"Well, Zeb told us that you can't come on Saturday for our wedding anniversary celebration, kaya ako na mismo ang pumunta dito para hindi ka na makatanggi." She said smiling.
I was speechless. Hindi nabanggit ni Zeb sa akin ang tungkol dun. Akala ko nga nakabalik na sila sa US.
"Don't worry hija, it's not a formal event. Immediate family members lang plus some close business partners." Dagdag niya.
Napatingin ako kay Tito John, tumango naman ito as if convincing me to say yes.
"Busy po kasi ako para sa new branch na ipuput-up ko." Alibi ko.
"Wow! That's good for you but please come hija, it's just once a year plus your grandpa also wants to see you again."
"Pumayag ka na Nics." Segunda naman ni Tito John.
"Sige po." Napa-oo nalang ako.
"Wow! Thanks hija." She kissed me on the cheek. Ano pa nga bang magagawa ko?
Napangiti naman ang daddy ni Zeb.
"It's not formal, kantahan, kwentuhan, inuman at kainan lang." kindat nito.
"Sige po!" nahihiyang tango ko.
Pagkaalis nila saka ko tinawagan si Zeb.
"Ba't ka pumayag? Nag-alibi na nga ako para sayo!" napataas ang boses niya nung sabihin kong pumayag akong pumunta sa Saturday.
"Eh, si grandma mo kasi at ang daddy mo, mapilit." Pagpapaliwanag ko.
"Hay naku! Gumagawa na nga ako ng paraan para hindi sila masanay sa presence mo eh." Bumaba na ang boses nito.
"Hindi na kasi ako makahinde sa kanila." Nakasimangot kong saad kahit hindi naman niya nakikita ang reaksyon ko.
"You sure?" nag-aalala nitong tanong.
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...