Nics’ POV
Nagising ako sa sunod-sunod na doorbell.
It’s only 5AM.
I wore my robe and opened the door.
“Hi, goodmorning!” bati ni Zach na bigla nalang pumasok sa unit ko.
I don’t know what to say. Ano na naman kayang binabalak niya?
“Nagtake-out ako ng breakfast, maaga tayo ngayon…” saad nito at nagtuloy-tuloy na sa kusina.
Naguguluhan naman akong sumunod sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?!” pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Natigilan siya nang makita ang galit sa mga mata ko.
“Uhm, I mean…” napakamot siya sa batok niya.
I just looked at him sternly.
“Let’s eat first, I’m starving” mahinang saad niya.
Bigla kong nasuntok ang lamesa.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?”
He was startled. Hindi ko na kasi napigilan ang pagtaas ng boses ko. Why would he come at this early like he has all the right over me?
I smirked at the back of my mind. I waited for his answer.
Ngunit nung makabawi siya, he just went silently to the utensils at naglabas na ng plates na paglalagyan niya ng mga pagkain.
Hindi niya pinansin ang galit ko. The nerve of this man!
“What do you think you’re doing!?” saad ko nang nanggagalaiti. Tumawa lang siya at tumitig sa akin.
“Seriously Nicasia?” sinadya niyang bitinin ang kanyang sasabihin.
“In-english mo lang yung sinabi mo eh!” he said and pinched my nose saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain.
Pabagsak kong ipinatong ang kamay ko sa mesa at seryosong tinitigan siya.
“You s-top do-ing this o-kay!? Stay out of my life!!!” I said gritting my teeth.
Gumanti siya ng titig at ginaya ang pagkakapatong ng dalawang kamay ko sa mesa.
“NO ONE has the RIGHT to tell me TO COMMIT SUICIDE!”
I didn’t expect that response from him. Kelan pa naging suicidal ang paglayo niya sa buhay ko?
“Are you out of your mind?”
“You could say that.” he said still looking straight in my eyes.
I lost for words. There was a deafening silence. Sana hindi nalang ako tumingin sa mga mata niya. His eyes have their way of calming my nerves.
Ipinatong niya ang mga kamay niya sa balikat ko at unti-unti akong pinaupo. He started putting foods on my plate. Di ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa pinggan.
“Here’s your coffee!” nakapagtimpla na pala siya ng kape nang di ko namamalayan. Then, he started eating.
“Kumain kana, mamaya mamamasyal tayo. I’m sure magugustuhan mo yung pupuntahan natin.”
I can always say no to him and ask him to go out of my pad at pag nagpumilit siya pwede ko siyang ipadampot sa security. But why don’t I have that courage to shun him out?
I know this is no longer normal and the last thing I want is another heartbreak.
Napatingin ako sa kanya. Nakayuko na siya at tahimik na kumakain. Kung titingnan parang ang bait niya. But hell knows who he is.
Natigilan ako nung nag-angat siya ng paningin. Huli na para bawiin ko ang mga mata ko na nakamasid sa kanya.
Tiningnan niya ang pagkain sa plato ko na walang bawas. He smirked.
“Tell me which do you wanna eat? That food? Or me?”
As much as I want to argue, hindi na lang ako sumagot at tahimik na sumubo ng pagkain. Pero di talaga ako makakain, naguguluhan ang isip ko sa mga nangyayari. Or ginugulo ko lang talaga ang sarili ko? Because I have the prerogative to to push him out if I want to but damn I’m not doing it.
Tumayo nalang ako at nagtungo sa kwarto ko at inilock ang pinto. Pagkatapos ng ilang minuto, I heard him knocking at my door pero nanatili lang akong nakahiga at nakatitig sa kawalan.
Nagulat ako ng bigla nalang siyang nakatayo sa gilid ng kama ko.
“Get up there at magbihis na!” utos niya.
“How did you open my door?” umupo na ako sa kama.
He smiled.
“I was a locksmith in my past life.”
Nagulat ako nang bigla nalang niya akong buhatin papasok sa bathroom. Nagpumiglas ako pero huli na naibaba na niya ako sa bath tub at binuksan ang shower. Tumatawa siyang lumabas ng bathroom.
Wala na akong nagawa kundi ituloy ang pagligo.
Nakita ko siyang nakaupo sa kama ko paglabas ko.
“Get out! Magbibihis ako!”
He smiled and looked at me from head to toe, nakatapis lang ako ng tuwalya.
“I’ve seen that already remember?” tudyo niya. Bigla yatang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko at humagilap ng pwedeng ibato sa kanya. Agad naman siyang tumayo.
“Hey, relax babe!” itinaas pa niya ang dalawang palad niya. Then he went out of the door laughing.
Nahihiwagaan na talaga ako sa kanya. Napailing na lang ako. Napukaw ang tingin ko sa damit na nakapatong sa dresser ko.
Tsk! Naglabas na talaga siya ng isusuot kong damit - pink shirt, jeans, pati yung pink rubbershoes ko nasa tabi ng damit. Pag-angat ko ng shirt, gosh pati lingerie andun na.
Paglabas ko ng room nadatnan ko siyang nakatitig sa picture na nakuha ko sa lumang bahay. Ipina-frame ko nga pala ito, after ko malaman na si Zeb ang may-ari ng pic, remembrance lang. It’s the same picture he asked last night kung saan ko nakuha.
“7%&8 @%0# the same.” He mumbled something pero hindi ko naintindihan.
Nagulat siya ng tinapik ko siya sa balikat.
“Kanina ka pa diyan?” he asked.
Umiling ako.
“Good! Let’s go!” he said at hinila na ako palabas.
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...