Chapter Thirty-Two

118K 2.8K 82
                                    

 

 Parang di pa rin ako sanay i-drive tong kotse ni Zach. This is the third day na di siya nagpakita. Hopefully, he’ll appear tomorrow. He is calling and texting naman at night pero halatang pagod siya kaya kina-cut ko nalang ang usapan.

I’m on my way to Zeb’s new restaurant, opening kasi ng new branch niya and this time magkasosyo na sila ni Josh. I’m happy for them. They seem to be happy together.

“OMG Nics!” bungad sa akin ni Zeb, itinakip pa niya ang kamay sa bibig. I looked at him puzzled. Exaggerated kasi ang reaction niya eh dalawang araw lang naman kaming di nagkita.

Saka ko lang narealize kung bakit ganun ang reaction niya when he came near at hinaplos pa ang kotse ni Zach.

“Bakit na sayo ang kotse ni cousin?”

OMG talaga! Ako naman ata ang di makareact. Nakalimutan ko kasi na talagang makikita to ni Zeb.

“C’mon sinagot mo siya agad? Hindi ka man lang ba nagpakipot konti. Gosh you’re so desperate!” he rolled his eyes.

Pinalo ko naman siya sa braso.

“Nakalimutan ko kasi na naiwan pala yung car ko sa bar kaya iniwan niya yang kotse niya at siya na daw ang bahala sa kotse ko.”

Tinaasan niya ako ng kilay.

“Kotse nakalimutan? Bakit ano bang ginawa niyo na nakapagpalimot sayo ng mundo mo?”

“Yun yung nag-bar tayo at hinila niya ako. Kumain lang kami noh!” iwas ko at nauna nang naglakad papunta sa bukana ng restaurant kung nasaan ang ilang kaibigan at kakilala.

 “Hello, mag-asawa na ba kayo para magpalitan kayo ng kotse?” untag pa rin nito.

Nagmadali akong lumapit sa kumpol ng tao handa na kasi ang lahat para sa ribbon cutting.

“Hi Tita!” bati ko sa Mommy ni Zeb. Hindi isinama ni Tita si Tito John dahil baka makahalata ito kina Zeb at Josh.

“Gaga, di pa tayo tapos!” bulong naman ni Zeb na nasa tabi ko na pala. I just stucked out my tongue. Hahaha, parang bata lang. Sinenyasan na siya ni Josh kaya pumunta na siya sa harap. Mamaya tatakas ako para di kami magkausap. Aasarin lang ako niyan eh.

Andito ang ilan naming friends nung college. Inimbita niya pala. Sa kanila ako nakitable. Kamustahan lang about life. At siyempre, kinantiyawan na naman ako dahil single pa ako. Ano pa nga ba?

Nung lumapit si Zeb, marahan niya akong kinurot as if to remind me again na mag-uusap pa kami pero nung nakita kong busy na siya sa ibang bisita, agad akong nagpaalam sa mga kasama ko at kay Tita Lindz na mauuna.

Pagkarating ko ng condo, tinatawagan na ako ni Zeb pero di ko sinagot. Nag-ring ulit pero hinayaan ko lang. Nung pangatlong ring, inangat ko na.

“Kasi naman eh!” inarte ko.

“Kasi naman, ano?” napatayo ako nang marinig ang boses ni Zach. Gosh! I thought si Zeb ang tumatawag, si Zach pala.

“Ha? Wala! Hehe! Punta ka ba dito bukas?”

“Hmm, why? Miss me?” tudyo nito. He sound tired again.

“Di noh, yung kotse ko kasi gagamitin ko.”

“Oh, anong problema, andiyan naman yung isang kotse di ba?”

“Sa ‘yo naman to eh.” I sighed.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon