Chapter Thirty-Three

104K 2.5K 16
                                    

 

Pabalik na ako ng Manila. Nauna nang bumalik si Zach kahapon. Hapon na kasi akong nagising. Paano kasi paglabas niya ng room ko. Hindi ako nakatulog agad dahil sa pag-I love you niya. I just felt his sincerity. Ang hindi ko alam kung paano nangyaring minahal niya ako.

Speaking of Zach. Tumatawag siya. I put my headset on.

“Hi babe! Ingat sa pagdadrive.”

Napangiti ako. Babe talaga?

“Paano mo nalamang nasa daan ako?”

“Tinext ni Mama.”

Ha? Si Mama ba ang tinutukoy niya?

“Sinong Mama?”

“Si Mama mo! Na Mama ko na rin.” I heard him chuckle.

“Hala! Baliw!” biro ko.

“Yeah, you can say that…” saad niya saka tumawa ulit.

“Sige, magdadarive pa ako” paalam ko to cut the conversation.

“I’ll pick you up tomorrow night at 7PM.” Pahabol niya.

“Why?”

“Dinner lang sa bahay.”

“What? No!” Sa family niya? Ang alam nila GF ako ni Zeb. I heard him sigh.

“Don’t worry, it’s fine. Basta I’ll pick you up ha. Get ready at seven” then he hung up.

.

.

.

.

.

.

.

.

Mas malala ata ang nerbiyos ko ngayon kesa nung dinala ako ni Zeb sa lolo nila.

“Don’t worry, mom and dad knew about Zeb. Nabring-out pala ni Tita Lindz kay mommy matagal na.”

Napamaang ako.

“When I told mom about Zeb, she already knew.”

 

“Alam din ba niya na nagpanggap lang kami ni Zeb?”

“Yeah!”

Nakahinga ako ng maluwag. Atleast, I don’t have to explain anything. Yun naman ang importante.

“Ba’t mo ba kasi ako dadalhin sa inyo?”

He just smiled.

They are at their living room when we arrived. Kasing-laki rin pala ng bahay ng lolo niya ang bahay nila. “Hi Nics!” His mom hugged me.

“Good evening po.” Nagmano nalang din ako sa Dad niya.

“Hi ate!” bati naman ni Sam saka yumakap sa akin.

“Buti naman at kayo ni kuya ang magkakatuluyan. I really like you to be my sister.” Saad nito sabay tawa. Napatingin naman ako kay Zach. He just smiled.

Tumawa naman ang Mom at Dad niya.

“Dun na tayo sa komedor.” Yaya ng mommy niya. Sumunod naman kami sa kanila.


“So, tell us, when did you two meet?” tanong ng Dad niya while we are eating.

“Don’t tell me first meeting niyo nung ipinakilala ni Zeb si Nics?” biro ng Mommy niya.

Napatawa naman si Zach.

“No, mom I knew her since high school.”

“Taga- Sta. Ines ka rin?” napamulagat ang ginang.

“Opo, kami po yung nakabili ng old house niyo.”

“Really? Wow! Small world!” sabad naman ni Sam.

“Destiny!” dagdag naman ni Zach na tumatawa.

“Oh no wait! So ikaw pala yung dahilan ng pagmukmok ni Zach ng isang linggo dati.”

“Po?” napamulagat ako.

“Mom!” reklamo naman ni Zach. Pero tumawa lang ang ginang.

“Ayaw niya kasing sumama sa Amerika dati. When we ask kung bakit, ang sabi niya ‘wala nang magbabantay sa kanya’. ”

“Yeah, ngayon ko lang narealize. Kaya pala you look familiar.” Dagdag naman ng dad niya.

“Dad!” saway ni Zach. Natawa naman ang Dad niya.

“Ok, let’s just eat. Panira tayo ng diskarte.” Baling niya sa asawa nito.

Napatingin naman ako kay Zach na nagkibit-balikat lang.

“Ano yung sinabi ng Mommy mo kanina?” tanong ko kay zach while we are on our way home.

“Alin dun?”

“Yung isang linggo kang nagmukmok. Sino yun ha?” tudyo ko. Diko naman alam kung ako talaga yung tinutukoy niya.

“Ikaw nga di ba? Sinabi na nila.” Sagot nito ngunit nakatuon pa rin ang pansin sa daan.

“Paanong ako?”

“Tsk! Wag ka na nga lang magtanong kung di ka maniniwala.” He sound irritated kaya di nalang ako umimik.


Hinatid niya ako hanggang sa unit ko.

“Next time wag ka nang magsusuot ng ganyan kaiksi ha?” nakatingin siya sa legs. I looked down. Kalahati lang naman ng hita ko ang kita ah?

“Bagay naman ah.” Depensa ko.

“Yeah, but it’s too revealing. Kung sa restaurant lang tayo nagdinner, pinapalitan ko na yan.”

I pouted. Ano ba kasing mali sa suot ko?

I felt his lips touched my forehead.

“Gotta go! Good night! I love you!”

Napamaang ako. He said he loves me again. Nakapasok na siya sa elevator pero nakatunganga pa rin ako sa harap ng unit ko.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon