Tanghali na nang magising kami. At dahil gutom na kami pareho, lumabas na lang kami para magtake-out. Siyempre naiwan ako sa sasakyan. Nakapajamas lang kasi ako and his oversize shirt.
Dumiretso kami dito sa condo ko at dito na kumain.
“Tomorrow night sunduin kita ha, may pupuntahan tayo.”
“Saan?”
“Basta! Before 7PM sunduin kita.” saad nito. May itatanong pa sana ako kaso biglang nagring ang phone niya.
Ilang minuto syang nakipag-usap bago siya bumalik sa hapag.
“My secretary.” Saad niya. Tumango naman ako.
“May important meeting kasi akong dapat puntahan ngayong ala-una, di pwedeng ipostpone.” Paliwanag niya.
I looked at my watch. 12: 05.
“Punta kana ah, baka ma-late ka pa.”
“Pupunta ka ba ng shop mo?”
Nagkibit-balikat lang ako.
“Tawagan nalang kita after ng meeting ko.” Dagdag niya.
Tumango naman ako.
“I’ve gotta go! See you later babe!” humalik siya sa lips ko and then went away.
Napangiti naman ako.
.
.
.
.
.
.
6 PM na nung tumawag siya at sinabing papunta na siya ng shop para sunduin ako. Buti naman! Coding kasi ang sasakyan ko kaya di ko nagamit kanina.
We just ate dinner saka ako inihatid sa pad ko. He wanted to stay for a while pero diko na pinapasok mahirap na baka may mangyari ulit. Wala naman kasi siyang binabanggit na kami na. The last time, I check he doesn’t want me to be his girlfriend. Maybe, all I am to him is a bed partner. Pero nag-ilove you na siya and he sound sincere. Basta magulo pa rin ang set-up namin.
.
.
.
.
.
.
.
I wore a sleeveless purple fitted dress na hanggang tuhod. It doesn’t show my flesh. Siguro naman hindi na papansinin ni Zach tong suot ko.
He smiled when I went out of my room.
“What?” nairita kasi ako sa smile niya.
“Better, pero sexy pa rin!” komento niya. Fitted kasi kaya it flaunts my curve.
“Eh, sexy na talaga ako, bakit ba!” irap ko. Napansin kong hawak niya ang naka-frame na picture ko.
“Are you sure this is yours?” tanong niya.
Bakit ba niya tinatanong?
“Hindi sa akin, kay Zeb yan!” sagot ko nalang.
“Zeb?”
Napatango ako.
“Yeah, siya daw nagpicture niyan nung high school ako.”
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...