Chapter Ten

122K 2.8K 60
                                    

Mag-isa akong kumakain sa pad ko nang may magdoorbell. As usual 11PM na ako nakauwi at nagtake-out na lang ako.

“Hi! I bought some food for dinner.” At ipinakita ang hawak niya.

What is he doing here? Pinapasok ko na lang siya. Naglakad na ako papuntang kusina. Sumunod naman siya.

"Tell me Zach, why are you here?"

Ngumiti siya nang alanganin sa tanong ko. I know he is playing around and I don't like it!

"You know that I am your cousin's girlfriend!"

Tumango siya.

"Now, tell me why are you doing this?"

"Doin' what?"

"These! coming to my shop and pad bringing foods."

He smiled.
"When I was studying, my mom always tell me to eat well before my exams or else di raw ako makakasagot sa test questions pag gutom ako." mahabang litanya niya.

"So?" naiiritang tanong ko. Anong koneksiyon nito sa mommy niya?

"So, can I eat first para makasagot ako sa tanong mo? Gutom na kasi ako."

Napaface-palm na lang ako. Talaga naman ang lalaking to. Kumuha na lang ako ng kubyertos para sa dala niyang pagkain. Then, we ate silently.

Nagligpit na ako after eating samantalang siya ay pumunta na ng sala.

Pagkatapos kong maghugas, nakita ko siyang hawak ang gitara ko na nakasabit sa wall. Kinuha niya ito at umupo sa couch. He didn't notice me standing at the kitchen door.

He started playing the guitar.

Marunong pala siyang mag-plucking.

Wait! He's playing "A Thousand Years" pinagmasdan ko lang siya, paborito ko kasi yung kanta... He started to sing.

Heart beats fast colors and promises
How to be  brave? How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, Suddenly goes away somehow
One step closer

Ang ganda pala pag lalake ang kumanta.

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I love you for a thousand more...

Shocks! He looked at my direction.

"Sorry, pinakialaman ko ang gamit mo."

napapahiyang saad niya.

"It's fine! Now tell me why are you here?"

"Kailangan ba talaga ng dahilan?"

"Of course!" bulalas ko. God! This man is really impossible!

"Can I invoke my right to self-incrimination?" he laughed. Pero tumigil din siya nung makitang seryoso pa rin ang mukha ko.

He cleared his throat.

"OK, I think I'd better go." he said and walked towards the door.

Mabuti pa nga.

"About your question, I just wanna be near you and I don't think that needs any reason." he said before he shut the door and left.

Napamaang ako. What does he mean by that?

.

.

.

.

.

.

Pagpunta ko ng shop kinabukasan, may nadatnan akong long-stem peach rose sa table ko. I looked at the ribbon, merong nakasulat na Nicasia.

I asked my employees pero sabi nila may nagpaabot lang daw pero di nila kilala.

Ipinagkibit-balikat ko na lang.

Pag-uwi ko ng condo, mayroon ding bulaklak na katulad nun sa harap ng unit ko.

Si Mama lang naman ang tumatawag sa akin ng Nicasia. Si Zeb ganun din ang tawag sa akin pag inaasar ako. Sa kanila kaya galing?

Wait! May isa pa palang tumatawag sa akin ng Nicasia.

Si Zach!

Impossible!

.

.

.

.

.

.

Ilang araw na rin akong nakakatanggap ng ganung bulaklak.

Ipinagkibit-balikat ko na lang. Kung sino man siya magpakita siya kung matapang siya...

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon