Nics’ POV
Pagkatapos niyang makabawi sa pagpalo ko sa braso niya, he raised the notebook.
“Allow me to read few parts of it.”
“Babe, wag na!” hinawakan ko siya sa braso para ibaba yung mic. Natatawa naman itong tumingin kay father. Nahiya tuloy ako. Then he started reading.
First Meeting (Nicasia’s Note)
May practice si kuya ng basketball kaya kailangan kong hintayin sa gym kasi sabay kaming uuwi. Pagpasok ko ng gym, nalaglag yata ang puso ko. Oh my gosh! I think I found my destiny! He’s so gwapo! Over-over! Narinig kong tinawag siya ni Kuya ng Zach! Pati pangalan niya ang gwapo!
Napayuko ako, with feelings kasi ang pagbasa ni Zach. Siya na ang best in reading! Ginaya pa ang accent ko sa pagsasalita nung high school. Nagtawanan naman ang lahat.
My Side of Story (Zach’s Note)
I was about to shoot the ball nang may marinig akong matinis na boses. She shouted: “Kuya Niccolo!” I looked at her direction and I saw a very pretty girl with a pink headband and curly hair. Ninerbiyos ako, ang ganda niya kasi, di ko tuloy naishoot yung bola. Napagsabihan tuloy ako ni kuya Niccolo na ayusin ang paglalaro ko.
Nahuli ako ng isang kasama ko habang nakatingin kay pretty girl kaya pinagsabihan niya ako na bubugbugin daw ni kuya Niccolo ang sinumang manligaw sa kapatid niya. Natakot tuloy ako.
Waah! Na-eexcite na akong basahin ang buong side niya ng story. Feeling ko naging teenager ulit ako.
Chocolate(Nicasia’s Note)
Nakita ko siyang paparating. This is it! Hinawakan ko ang snickers. I’m gonna tell him na gusto ko siya. Pagtapat niya sa akin bigla ko siyang hinarang para di siya makadaan. Gosh! Nginitian niya ako. Di tuloy ako nakapagsalita. Iniabot ko ang chocolate pero tameme pa rin ako. Ngayon pa ako di makapagsalita. Pero ayos lang kinuha naman niya iyon bago siya tuluyang umalis. Happy pa rin!
Naalala ko ang araw na iyon. Tumatalon-talon pa ako sa kama habang inaalala ang mga ngiti niya.
My Side of Story (Zach’s Note)
Malayo pa lang tanaw ko na si pretty girl Nicasia. Feeling ko mahal na mahal ako ni destiny dahil lagi ko siyang nakakasalubong sa campus. Napangiti ako dahil muntik na kaming magbanggaan. Ano ba kasing nangyari? Na-mesmerize yata ako. Inabutan niya ako ng chocolate. Diyahe di man lang ako nakapag-thank you kay pretty girl ko!
Namula ata ako dun sa ‘pretty girl ko’, bakit ba kasi ngayon niya lang sinabi to? Eh di sana exciting ang high school life ko.
“Madami pa to but I’ll just read the last page to cut it short.”
I looked around, mukha naman silang interesado. I can see the smile on their faces lalo na sina Mama at Papa.
Heartbreak(Nicasia’s Note)
Ang sakit! Tinanong ko siya kung ano ang mali sa akin at kung ano ang dapat kong baguhin para magustuhan niya ako pero “Cut the Drama!” lang ang isinagot niya at umalis na. Siya ang first love ko pero sinaktan niya lang ang damdamin ko! Ang sakit!
Bumalik lahat ng ala-ala ng pag-iyak ko. Shocks! Ang drama ko pala noon. But I’m curious kung anong iniisip niya that time bigla nalang kasi siyang umalis.
My Side of Story (Zach’s Note)
When Nicasia said: “Ano bang mali sa akin? Sabihin mo, babaguhin ko para lang magustuhan mo ako.”
Nakita ko siyang huminga ng malalim bago itinuloy ang pagbasa.
I wanted to wrap her in my arms and tell her how perfect she is but I know once I do that, I’ll never let her go. So instead I just said: “Cut the drama!” and walked away.
Ngumiti siya sa akin.
She doesn’t need to change anything. I love her the way that she is. It isn’t just the right time. We are still both young. I’m in fourth year. She’s in third year.
He sighed.
Since that day, never na kaming nagkasalubong sa corridor ng school. Kahit tumatambay muna ako sa gate ng hapon para hintayin siyang mapadaan, hindi ko pa rin siya matiyempuhan.
He closed the notebook and looked at me.
“I just wanna let you know that I don’t regret any of my decisions before. Because I know if I did the opposite, we wouldn’t have this exciting love life which is 12 years in the making!”
Sabagay, mas okay ngayon na mature na kami pareho. At pareho na naming alam ang totoong kahulugan ng pagmamahal. I looked at him. His eyes speak of love.
“My pretty girl with a pink headband and a curly hair, I just wanna let you know that I have loved you since you first appeared on that gym. Twelve years later, I still love you and I will love you until forever.”
My tears fell down. Tears of joy! I heard a loud applause.
Pinalis ko ang kamay niya nung akmang aangatin niya ang belo ko.
“Excited ka masyado! Wala pang kiss the bride noh!” bulong ko. Tumawa naman siya ng mahina.
“Pupunasan ko lang yang luha mo.” Natatawa nitong iniabot ang panyo. Pahiya ako. Hehehe!
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romansa"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...