Nics’ POV
Kailangan ko ngayong tumao dito sa shop dahil nagday-off ang isang sales lady. Sabado pa naman. Medyo madaming tao sa Mall pag ganitong araw.
Just right, marami ngang pumapasok sa shop. Di naman lahat bumibili pero kailangan pa ring sagutin ang mga tanong nila.
“Hi!”
Napapitlag ako. I know that voice.
“Hey!” I answered back.
“Napadaan ako kanina, I saw you very busy, kaya nagtake out ako ng pagkain for you and your employees.”
“Thanks, Zach! Di ka na dapat nag-abala.” Naalala ko na naman ang sinabi ni Zeb few days ago. Hindi raw siya boto sa lalaki.
“I’ll put these in your office.”
Napatango nalang ako.
“Kain ka muna, ako nalang muna magbabantay dito.” Saad niya pagbalik. I hesitated pero dahil gutom na rin ako pumayag nalang ako. Pagkatapos ko, pinayagan ko naman yung isang sales clerk na kumain and then yung cashier.
“You should never skip your meals.”-he said while I was on the cash register. May nakapila namang magbabayad.
“Wala ka bang work today?” I asked.
“I don’t go the office on weekends except if there is an emergency.”
Napatango nalang ako. Bumalik na rin naman yung cashier after her break. Nagpalakad-lakad nalang ako sa shop. Sumusunod naman siya.
“Why did you choose to be a businesswoman rather than musician?” he asked out of nowhere.
“Walang pera sa music.”- I answered glibly.
“Bakit mayayaman naman yung mga singers ah. Magaling ka namang kumanta.”
Napatingin ako sa kanya. Did he ever hear me sing?
Nabasa naman ata niya ang iniisip ko because he chuckled.
“Di ba nung highschool ikaw ang Musical Superstar ng school natin?”
“Was I?”
“Yeah, the Glee Club president kahit junior ka pa lang.”
So all along kilala niya ako nung high school pero never niya akong kinausap except that faithful day na umiyak ako sa harap niya. Napagod na kasi ako noon ng kakabigay lang ng chocolates nang di niya ako kinakausap ni minsan kaya tinanong ko na siya kung anong kailangan kong gawin para magustuhan niya ako pero kasabay naman nun ang pagluha ko.
“Sikat na sikat ka kaya nun!” –he said.
I smiled bitterly.
“Eh, bat mo ako binasted?”
Bigla siyang natigilan sa sinabi ko.
“What do you mean?”
“Basta! Lagi kitang binibigyan ng chocolates nun!”
He smiled teasingly.
“I should have known you were courting me.”
I didn’t answer, pinagtitripan na naman ata ako ng lokong to. Imposible namang hindi sumagi sa isip niya na may gusto ako sa kanya.
“I thought you were just generous at marami lang kayong chocolates.”-he added at ngumisi.
Inirapan ko nalang siya.
BINABASA MO ANG
Her Mystery Man
Romance"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..." Yan ang nakasulat sa likod ng picture na nakita niya sa lumang bahay na nabili ng parents niya. It's a picture of a teenager playing a viol...