Chapter Seventeen

115K 2.8K 29
                                    

[A/N: Thank you sa lahat ng minors na matapang na nag-skip ng previous chapter! Mabuhay kayo! LOL]


Zach’s POV

I woke up the following day nang mag-isa sa kama ko. I looked at my side table. Nicasia left a note.

Zach

I need time to think.

Please, wag ka munang magpakita sa akin.

                                                Nics

Napabalikwas ako. I thought ok na kami. Last night was the best night in my life. We made love twice.

Oo nga pala, maybe she needs time to fix things with Zeb. Pero wala naman kaming pinag-usapan about us. I don’t even know if what happened between us matters to her just like how it matters to me. O baka naman, she feels guilty. Hindi naman niya kasalanan if her old feelings are back. She just needs to talk to Zeb about it, maybe he would understand.

Or maybe, she was just tempted last night and what happened is just nothing.

I’ll just give her some time off to think saka ko siya kakausapin.


Nics’ POV

Nagising ako ng maaga. I looked at the man sleeping peacefully beside me. Napa-face palm ako. No matter, how much I like this man. They all know that Zeb is my boyfriend. Hindi ko pwedeng ipahiya ang bestfriend ko at mas lalong hindi ko pwedeng sabihin kay Zach kung ano ang totoong sitwasyon namin ni Zeb.

Bago pa man lumalim ang ugnayan namin, I have to cut it or else magkakandaloko-loko lahat. Maingat akong tumayo at isinuot ang polo na ipinahiram niya. I went to the sala at hinanap ang telepono. Sakto namang may list of contacts doon ng condo. Tinawagan ko ang laundry at ipinaakyat ang damit ko.

Agad akong nagbihis at umalis leaving him a note. Maaliwalas na ang paligid ngunit may mga bakas pa rin ng nagdaang masungit na panahon sa labas. I went straight to Sta. Ines. Tinawagan ko nalang ang employees ko na sila na muna ang bahala sa shop. May tiwala naman ako sa kanila. Matagal na ang mga iyon sa akin and I know how loyal they are.

.

.

.

.

.

.

.

.

I just told my parents na gusto kong magbakasyon. Hindi naman sila nagtanong. Nawili din ako sa farm. Minsan umuulan pero hindi naman malakas. I asked kuya Niccolo na ipa-tow yung kotse ko at siya na ang bahalang magbenta. I-check ko nalang ang savings ko pagbalik ko para makabili ng bago. Papa offered to buy pero tinanggihan ko.

After 5 days, I’ve decided to go back to Manila. Hinatid ako nina Mama at Papa dahil wala akong sasakyan. Ayoko sana kaso ayaw nilang pumayag. Niyaya ko nalang muna silang magkape sa pad ko.

Napatingin sila sa akin nung makarating kami sa floor ng unit ko. Mayroon kasing limang bouquet ng peach roses sa harap ng pinto ko. Yung iba nalanta na.

“Parang alam ko na kung bakit ka biglang umuwi ng Sta. Ines.” May himig panunudyo na saad ni Mama.

Binuksan ko naman ang pad ko at ibinasura ang ilang palumpon na nalanta. Wala naman itong note maliban sa pangalan ko.

“Hmm, so he calls you Nicasia.”-saad ni Papa while reading the small ribbon.

“Who is he? Bago mong manliligaw or bf?”-dagdag naman ni Mama.

“Di ko po alam Ma kung sino ang nagpapadala niyan wala namang nakalagay na pangalan.” Tugon ko naman.

“Sino bang tumatawag sayo ng Nicasia, bukod sa akin?” pangungulit niya.

Hay ang kulit talaga ni Mama. Si Papa naman tumawa lang.

“Ipagtitimpla ko lang kayo ng kape, Ma.” Saad ko at naglakad na papuntang kitchen. Sumunod naman sila.

Nakita kong may ibinulong si Papa kay Mama na ikinatuwa ng isa.

I think we know who gave those flowers.” Mama said smiling.

I looked at them puzzled.

“We heard Zach called you Nicasia during the wedding anniversary.”-she added.

Napamaang ako. Tumawa naman silang dalawa. Hindi nalang ako nagsalita.

Her Mystery ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon