"Seriously, Gabbs... malinis na yung bahay ko."
"Then, it wouldn't be a problem kung pumunta man ako dun."
Usapan na kasi namin ni Aleli na dadalaw ulit ako kinabukasan sa apartment niya para makita ko kung hindi na kamukha nung dati.
Nagising kasi ako na nasa tabi ko siya.
Akala niya siguro na makakaligtas siya kung pupunta siya ng bahay ko para ihatid ako sa school.
Ano ko utu-uto?
So, andito kami ngayon sa sasakyan papunta sa bahay niya, hindi siya makakaligtas kung akala niya, hindi ako madaling mauto noh.
"Gabbs, I appreciate all of this... pero ok lang talaga ako, promise."
Tumingin naman ako sa kanya, medyo late na nga din akong makakarating ng school kung sakaling dadaan kami sa bahay niya. Hindi ko lang talaga kasi mai-set a side yung kaibigan kong tingin kong malalim ng problema.
"Ok, sige... I'll just visit there some other time.. "
Ngumiti naman ito sa sinabi ko. Convincing naman kasi na totoo yung sinabi niyang malinis na yung bahay niya.
At nakita ko na rin sa relo ko na malapit na yung oras ng pasok ko, kaya naisip kong sa ibang araw nalang din pumunta.
And maybe that time, masurprise ko nanaman siya.
"Saan ba punta mo niyan? Don't tell me sasamahan mo ko sa school."
"Why not? Wala naman akong gagawin ehh."
O.o
Di nga?
"Bakit??"
"Wala lang. Kesa naman magpakabulok ako sa bahay diba?"
Sabagay, may point naman siya. Pero why sa school, wala ba siyang pwedeng puntahang iba? Ano namang gagawin niya dun aber?
"Well, if I know... magpapapansin ka nanaman sa coach ko. Wala kaming practise ngayon, ok."
sabi ko habang nakatingin sa daan.
Hindi na rin kasi ako nagpahatid. Tutal naman kasi medyo malalate ako ng uwi... saka kasama ko si Aleli kaya hindi ko na inistorbo si manong Erning. Medyo masama rin ata kasi yung pakiramdam niya.
"Hey, excuse me. Siya kaya yung kwento ng kwento sa akin."
Napangisi naman ako sa sinabi niya. Kunwari pa yah, infairness. Hahaha.
"Wahh, talaga naman. I think he likes me. HAHAHA."
--- si Aleli.
"Ok, if you say so. Oh, eh ano naman ang gagawin mo dun?"
Saglit na natahimik ito, nagiisip ng kung anong dahilan.
"Hah, I know... Ibaba mo nalang muna ko sa madadaanan nating mall. Ano oras ba tapos ng klase mo?"
Nagtaka ko pero sinagot ko nalang.
"... mga, 5 .."
"Ok, so, before 5 pupunta na ko sa school mo. Then, sasamahan mo ko maghang-out."
"Hah? Ok ka lang Aleli? Ano namang gagawin mo dun the whole day, alone??"
"Wala langs... magliliwaliw. Malay mo makakilala ako ng mga papables?"
This time nilingon ko siya... with a raised eyebrow.
"What? Hindi ba pwede?"
"Tumigil ka Aleli..."
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Teen FictionEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...