Chapter 10 : WTF??

447 7 1
                                    

Tahimik akong naglakad papalapit kay Aleli. Sinenyasan ko pa yung mga co-members ko na wag maingay.

Kaya ayun, tuluy-tuloy lang na tumugtog ito. Pamilyar na piece, modern song lang kasi iyon. Mukhang napagtripan lang talaga niyang tumugtog.

Nang dumating na sa chorus yung tugtog niya nagsimula na siyang kumanta...

♫♪ When you're gone...

Pieces of my heart are missing you,

When you're gone...

The face I came to know is missing too...

When you're gone

The words I need to hear to always get me through the day and make it ok...

I miss you.....

Napahalukipkip ako sa naririnig ko sa kanya. Makahulugan sa kanya yung chorus kaya niya ito kinanta yung part lang na yon.

I felt all the emptiness she was feeling right now. Napapakunot ang noo ko habang pinapakinggan ang mga sumunod na part.

♫♪ We we're made for each other...

Out here forever.

I know we were, yeah...

All I ever wanted is for you to know, 

Everything I'd do, I'd give my heart and soul...

I can hardly breathe I need to feel you here with me...

Yeahh...

 Sa bridge na yun tumindi yung feelings. The story of the song existed on her. Alam ko na yung meaning, pero hindi ko parin maintindihan kung paano ito naging related kay Aleli.

Napapailing ako, hindi ko mabasa ang lahat. Anong klaseng kaibigan ako, ni hindi ko man lang alam ang nangyari sa kaibigan ko.

Suddenly I felt the guilt. Nagpaka-busy kasi ako this past few days with my own life. Lahat ng interesting gawin ginawa ko na para lang makalimot sa lahat ng sakit, ni hindi ko man lang nakita yung ibang nasasaktan.

Nang matapos na siya sa pagtugtog, nagsipalakpakan na yung mga members ko. Napapalakpak rin ako, hindi dahil sa magaling niyang pagtugtog pero dahil sa bestfriend ko siya.

Pero hindi pa rin tumatayo sa pagkakaupo si Aleli. Nakayuko lang ito, hindi ko kasi makita yung itsura niya na malamang umiiyak.

"Wow, ate Gabby ang galing po pala ni ate Aleli, sayang hindi na siya dito nag-aaral."

-- sabi nung isang high school student na pinakabata sa grupo.

Narinig ata ni Aleli yung tawag sa akin nito kaya lumingon siya sa gawi ko.

Ang inexpect ko ay yung iyaking Aleli. Yung konting sakit, iniinda, pero ngayon nung lumingon siya, ang nakita ko lang ay isang Aleling matatag.

Ngumiti ito pagkakita sa akin. Walang bakas ni isang luha at namumulang ilong. Tinignan ko siyang mabuti habang hindi pa rin umaalis sa pagkakatayo ko ng medyo may distansya sa kanya.

"Andyan ka na pala, nakialam na ako ng piano nyo dito hah. Namiss ko kasi eh."

Malapad na ngiti ang nakita ko sa kanya. Lalo tuloy akong nahirapan sa nakikita ko. Siguro nga yung kanta na yun ay isang kanta lang.

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon