Chapter 27: Does this guy know how to cry???

362 4 0
                                    

Matapos ang number nila Gabriella at Enzo, masiglang sumoporta at mga nagpalakpakan pa ang mga members ng dance troupe ni Enzo. 

"Magnificent number for the dance troupe, held by their chairman Mr. Lorenzo Vallejo." maikling komento ng EMCEE ng event na iyon.

Tinignan lang ni Enzo si Gabriella, on catching her breath while looking at the other participants. Sa totoo lang ay kanina niya pa itong gustong kausapin ulit, ngunit pinangungunahan siya ng takot. Takot na baka singhalan lang siya ulit nito at pabalang na sagutin.

He misses the funny Gabriella, yung tipong makulit lalo kapag hindi mo siya pinapansin. Yung tipong kahit anong sumpong pa ang ipakita niya, lalo lang itong nagiging persistent.

Nilingon ni Gabriella si Enzo nang makaramdam na siya ng maluwag na paghinga. She smiled at him automatically.

"Good Job, partner." yun lang at umalis na rin agad si Gabriella. Inihatid lang ni Enzo ng tingin ito, pero nun din ay sinundan niya nang makita niyang kila Aleli ang punta nito.

"Heyy... Gabbs, you're still amazing. Worried pa naman ako kanina kasi baka..." Hindi na naituloy ni Aleli ang sasabihin ng naramdaman ni Gabriella ang presence ni Enzo. "Oh hi, Enzo. Galing mo rin ahh."

"Thanks."

 Nilapitan ng mga pinsan niya si Enzo. "Didn't know na ganoon ka ka weak ahh. Mukhang wala ka pa sa focus."

Hindi umimik si Enzo, parang hindi niya nga narinig ang mga sinasabi ng mga pinsan.

Itinaas ni Paul ang palad sa harap ng mukha ni Enzo just to cut the guy's daydream. At dahil doon, nakuha ni Paul ang atensyon ng pinsan.

"Insan, mukha ngang wala ka sa focus kanina. Lula lang?" pagsingit ni Andrei sa usapan nila Paul at Enzo.

Tinignan niya lang ito ng matalim at binigyan ng matinding irap. "Ehh, kung binabatukan kaya kita?"

"Hi, Enzo." bati ni Aimee, tila hindi kasi siya nito pinapansin at invisible ang tingin nito sa kanya.

Ngumiti naman si Enzo sign ng pagbati niya rito. Pero hindi naging sapat ang ngiti ni Enzo para kay Aimee at lumapit pa ito sa kanya at kumawit ang kamay sa braso niya.

Automatikong napatingin si Gabriella sa ginawang paglapit ni Aimee kay Enzo. Parang ibig ibig niya pang sakalinyung babaeng kumapit na iyon kay Enzo, pero napigilan niya ang sarili.

Kanina ang cute-cute-cute.. cute ng pagkakakilala niya rito ng kasama nito sila Andrei, pero ngayon, para na itong bruha sa paningin niya.

Pero nang mapansin ni Enzo ang naging facial reaction ni Gabby ay ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin. Sinikap niyang hindi magpa apekto sa ginawa nung Aimee.

Akala pa naman niya si Andrei ang boyfriend nung Aimee na ito, nun pala ayun, si Enzo ang hanap. Tss.. ibang klase tlaga, isip niya.

Nanatili lang na nakakawit ang kamay ni Aimee sa braso ni Enzo hanggang sa iannounce ng EMCEE na tapos na ang program.

Nagkayayaan pa ang mga itong magpunta sa isang sikat na resto para raw makapagrefresh. At dahil si Gabby lang ang tutol, napilitan na rin siya since kasama si Aleli.

Nakarating ang lahat sa napag usapang resto na pupuntahan ng may sari-sariling sasakyan. Rence with his girlfriend, Andrei and Paul, Aimee and Enzo, then Aleli with Gabby.

Ang hindi lang nila malaman ay kung bakit ang tagal tagal dumating nung dalawa, na sina Aimee at Enzo since sabay sabay din namang umalis ang mga ito sa isang lugar lang.

"Atcheng... may ginawang kagagahan siguro yung Aimee na yun. TSS." bulong ni Aleli while they're both entering the said resto.

Hindi niya lang pinansin ang sinabi ng kaibigan at pilit hindi nagpapaepekto.

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon