Chapter 26: I ain't that weak.

391 5 0
                                    

Narration:

"Pinsan, wala na raw dito sa ospital si Gabby. Kasama ko ngayon si Aleli, hindi niya rin inabutan  si Gabby. Umuwi na yun malamang sa kanila."

Pinapunta ni Enzo si Paul sa ospital ng maaga para makibalita kay Gabby. Ang maghapon niyang pagbabantay kay Gabriella ay hindi pa rin sapat para bumalik ang dating pakikitungo nito sa kanya.

Enzo... ang selfish mo! Paulit ulit niyang sinasabi iyon sa sarili niya.

At para hindi na tuluyan pang magalit si Gabriella nung hapon na iyon, ay nagpasya na siyang sundin ang gusto nito at umalis nalang.

"Sige... Bye." binaba niya ang phone at inilagay na lamang sa bulsa. Tinanaw niya ang mga miyembro niyang abala sa pag aayos ng sound system sa gaganapan ng school program.

Ibinalita na niya sa mga ito ang nangyari kay Gabriella. At wala silang choice kundi ang modern dance na pinaplano nila nuon.

Napabuntung hininga siya habang nakatingin sa mga ibang nagpa-practise ng sayaw.

Tanggap niyang galit pa rin si Gabriella sa mga sinabi niya rito nung isang gabi. Kaya naisip niyang gumawa ng paraan, ang personal na magsorry hanggang patawarin siya nito.

Importante si Gabriella, yun ang naisip niya ng panahong iyon. Noon niya napagtanto kung ano sa kanya si Gabriella. A typical kind of a Friend.

Tama.. Friend.

"Excuse me... Kuya Enzo, yan nalang ba susuot mo or you're planing of anything else? Kasi meron ako ditong dala ,maporma siya, bagay sa theme ng RNB music."

"Let me see."

Hinugot nito sa bag ang sinasabi nitong damit at iniabot kay Enzo. Sinipat ni Enzo ang damit at walang gana na tumango.

"It'll do." matipid na sagot niya. Sa totoo lang wala siyang gana, ganang magperform kung wala si Gabriella.

"Kuya... wala ka ata sa mood. Ayaw mo ba nito, sige wag nalang po."

"Ahh hindi, okay lang. Akin na at susuot ko mamaya." pilit ginanahan ni Enzo ang boses. Ang kausap naman niya ay parang bahagyang nabato sa kinatatayuan.

"Bakit?" dahil hindi siya komportable sa tingin nito, hindi niya napigilan magtanong.

"Ahh... wala po kuya. Parang may nag iba kasi sayo." Napakunot naman ang noo niya sa curiousity. Nagbago... alin??

"Paano mo naman nasabi ?"

Umayos sa pagkakatayo yung babae saka nagsalita.

"Una... dati, matipid ka lang sumagot. Minsan nga tatango ka lang o iiling eh. Tapos, yung mukha mo hindi na parang lagi kang nanghahamon ng away. Tapos, pag may joke, dati bihira ka kung ngumiti man lang, pero nung mga nakakaraang araw ang bright bright ng itsura mo. In love ka ba kuya??"

Para namang napatanga si Enzo sa pagkakasabi ng babae.

Echusera to!

Ayaan.. nahahawa na rin ako tuloy sayo Gabby.

"Kuya..?"

"Hah?? Ahh.. ano?"

"Hay.. in love ka nga. Sige, alis na ko, kailangan pa nila ng tulong duon ehh. Babye!"

Nagwave naman ito bago tuluyang tumalikod sa kausap. Napansin naman ni Enzo na naka smile pala siya.

Ang isang simpleng makulit na bata, nagagawa na siya ngayong bigyan ng emosyon.

Ilang oras pa ang nagdaan ay magsisimula na ang school program. Dumating na ang mga tiga ibang campus na makikipanuod at makikilahok sa program na yon.

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon