Chapter 36: We'll Be Together

361 5 0
                                    

<ENZO's POV>

Tahimik ang lahat, lalo na nang magpaalam ang lahat ng babaeng kasama namin. Kaya eto, nagkayayaan kaming mag inuman. May problema kasi si Rence at ang girlfriend niya, kaming magpipinsan ay pinagbibigyan lang ang pagdadrama niya ngayon.

Sa may di kalayuan nakatambay ang mga girls. Maski malayo kami sa kanila ay mahahalata namin ang pagiging tahimik rin ng mga ito. Nakatunghay lang silang lahat sa mga bituin.

Hindi ko matanggal ang sariling pansin kay Gabriella. Oo, inaamin kong nagtampo ako kanina nang dahil sa hindi niya pagpansin sa ginawa ni Aimee. A part of me wants to see her jealous kanina, pero hindi ko naman yun sinadya, Aimee hugged me against my will. Pero nang tignan lang ako ni Gabby at walang kareareaksyon niya akong binaliwala, nasaktan ako.

"Insan, ano ba kasing problema?" tanong ni Andrei kay Rence. Siya nalang ang hindi nakakaalam sa dahilan. Nawawala kasi siya nang makita naming umiiyak si Rence. Kaya eto clueless siya sa nangyari.

Sabay sabay kaming nagkaproblemang magpipinsan. At sa iisang dahilan pa. Wala tuloy makapagcomfort ng isa sa isa. Parang ako, may sarili ring pinoproblema.

Si Paul, na simula pa kaninang umaga ay wala na sa mood at bigla nalang naging seryoso.

Si Andrei na nasigawan kanina si Aimee at ngayon ay nagsisisi at gustong makipagbati pero hindi pinapansin ni Aimee.

Tapos tong si Rence. Wanna know his problem??

Dahil sa lust na naramdaman niya kanina. His girlfriend and him was having an intimate moments nang mag aaway sila. Muntik na kasi silang makalagpas sa limitasyon.

Si Ericka, sa una palang makikita mo na kung gaano ka-conservative. At hindi na kabigla biglang mag aaway sila nang dahil gusto ni Rence na mag make love sila.

"Hindi naman sa akin importante yun. Mahal ko siya kahit hindi namin yun gawin. Nabigla lang ako kasi sobrang mahal ko siya." Rence started crying like a little baby. Aminado naman kasi ito na siya ang may kasalanan.

Tahimik lang ako na nakkinig sa kanilang dalawang nag uusap. Pansin ko rin ang pagiging walang imik ni Paul at tahimik na lumalagok ng wine.

Hindi ko alam kung anong problema mayroon sila ni Aleli. Mahirap malaman sa taong palatago rin ng nararamdaman.

Paminsan minsan pa'y napapansin ko ang pagsulyap sulyap niya kay Aleli bago niya ini-straight ang isang baso ng alak.

Pamilyar sa akin ang ganitong eksena ni Paul. Ito yung una siyang nagkaroon ng seryosong girlfriend kung saan mahal na mahal niya pero pinili niyang pagbigyan ito dahil sa nalaman niyang hindi na siya non mahal.

Nakakabingi ang bawat tahimik na sigaw ng mga damdamin namin. Maski ako'y nabibingi na sa kabog ng dibdib ko na lagi nalang sinisxigaw ang 'ipagtanggol mo ko kahit walang tayo!'

Gabby!!

Bakit ka ganyan ka insensitive. Nasasaktan ako sa twing binabaliwala mo ko.

"Insan, ganito lang kadali yan ehh. Magsorry ka. Ipakita mong sincere ka." payo ni Andrei kay Rence. Buti pa si Andrei kaya niya yung lahat ng sakit na nararamdaman niya. Mayroon pa siyang lakas para magpayo kay Rence.

"I tried everything. Nasira ko ang tiwala niya sa akin. Ngayon, ang tingin niya sa akin sex maniac. Hindi ko na alam kung paano kukunin ulit ang tiwala niya."

"Bakit mo ba kasi yung ginawa? You forced her you know." tanong ko. Hindi ko na rin napigilan tanungin yun kay Rence.

Natigilan tuloy siya.

My Typical Imperfect You &lt; Finished &gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon