<Paul's POV>
"Mukhang ang saya niyo jan hah, pasali naman."
Nang iwanan ako ni Aleli dahil sa nagawa ko sa kanya, pinagpasyahan ko nalang na hanapin sila Enzo para sabihin kay Gabby na umalis si Aleli.
At ang nadatnan ko?
Ang dalawang nagkakatuwaang tao na akala mo teenager kung magsipagharutan.
Napatingin ang mga ito sa akin pagkarinig ng boses ko.
Pareho pang nawala nag mga ngiti nito ng makita ako. Why, am I disturbing their joyful moments?
Huh!
"Where's Aleli?"
Naglaho naman bigla ang nasa isip ko nang maalala ko yung nangyari kanina. Matalim pa naman ang tingin ni Gabby sa akin. Para akong kakataying manok.
"OOWWW... That... HEHE!"
Hindi ko alam kung paano i-eexplain lalo na dahil sa malaslas leeg na tingin ni Gabby sa akin.
"ANO???!"
"EH.. ano, umalis na." tila natutuklap kong sagot sa kanya. I've never met anyone as furious as her, nakakakaba kahit tingin lang.
"Bakit umalis?"
"Ehh... kuwan. may ano... may gagawin pa daw siya."
Tinignan ko ang pinsan ko to somehow seek some help, pero tinatawanan lang ako nito.
Nako Enzo... makakaganti rin ako sa'yo.
"Sigurado ka ba jan?"
Tila nagbabanta pa yung tono niya although hindi na kasing lakas ng boses niya kanina.
"Oo... ata?"
Lalo namang napangisi yung lula kong pinsan sa reaction ko. Malamang mukha na akong tuod sa kinatatyuan ko dahil sa titig ni Gabby.
"Ok... mamaya tatawagan ko nalang siya." pero mapanghamon pa rin ang tono ni Gabriella. Pero dahil hindi na siya nakatingin sa akin, nakahinga na rin ako ng maluwag.
Buti nalang hindi ko sinabi.
"So, what are you guys doing here huh?"
Pero walang pumansin sa akin, tahimik lang sila pareho. Nahiya naman ako, dahil ako yung cause ng ingay.
"Tara na?" Aya ni Enzo kay Gabriella. Teka, ang sweet naman ata niya kay Gabby?
Don't tell me---
Si Enzo talaga, hindi na nadala.
Pakasabi sabi niya pa noon nung maghiwalay sila si Suzette, hindi na siya magkakagusto kahit kanino lalo pa sa kagaya nito.
Napapangiti nalang ako sa naiisip ko. Tutal mukhang invisible naman ang tingin ng dalawa na to sa akin, hindi naman nila makikitang pangiti ngiti ako.
"Hoyy.. Unggoy, tara na."
"Ako?" turo ko pa sa sarili ko para makumpirma na ako yung sinasabihan ni Enzo.
Mukhang unggoy ba ko? Eh kagwapo ko.
"Hindi, yung halaman. Maiwan ka na nga jan."
sabay pa silang napangisi ni Gabby sa kalokohan nila. Napagtripan tuloy akong sabihan ng unggoy. Hindi naman ako mukhang unggoy!
"Oy teka, sandali."
Nagmamadali akong tumayo para makahabol sa nagtatakbuhang akala mo mga bata.
Nakakapanibago talaga si Enzo. When Gabby is around, nagiging yung inner self niya siya. Yung parte ng personality niya na madalang niyang ipakita sa ibang tao. Kahit pa nga sa amin, madalang niyang ipakita yung concern at sensitivity niya.
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Teen FictionEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...