"Gabriella..."
Ngayong nakita ko siyang nag iisa, hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataong kausapin siya. Hindi ito dahil sa plano, hindi ito dahil gusto kong mapasa akin siya. Dahil ito sa gustong kong batiin niya na ko. Tulad ng dating ay maging masaya sana kami ulit.
"Ginagawa mo rito?" sabi niya ng nilingon niya ko. Obvious naman na hindi na ito gaanong galit sa akin. Good thing, parang pakiramdam ko may pag asa pa.
"Nadaan lang ako, nakita kita kaya eto naisipan kong mangamusta." tumango lang si Gabby. Hindi na nga ata siya galit. Although she's not smiling, parang hindi naman siya iritable. Malungkot??
"Bakit nag iisa ka ata? Saka bakit malungkot ka?" kinain ko na lahat ng hiya ko ngayon. Pagkakataon na para makipagbati, kahit natatakot ako atleast sinubukan ko.
"Wala na kami ni Enzo."
Umagos ang luha sa mga mata niya.
"Niloko niya ko gaya ng panloloko mo noon." humagulgol na siya, hindi ko napigilan ang mag alala. Bakit parang nag sisisi akong natutuwa ako dahil wala na sila?
Parang kahit pabor sa akin ang nangyayaring ito, ayaw ko pa rin. Malungkot si Gabriella, at ayokong nakikita ang mga luha niya.
"Tahan na, sorry sa nagawa ko. That was all a mistake." sagot ko. Sana lang mapatawad niya na ko, kahit na maging magkaibigan nalang kami ulit.
"Kaya kitang patawarin, in fact, napatawad na talaga kita. Pero hindi madaling kalimutan ang nagawa mo para mahalin kita ulit. Si Enzo na, siya na ang mahal ko."
"Pero nagawa ka rin niyang saktan. Gabriella, wag mo sanang isara ang pinto para sa pag asang natatanaw ko." kahit parang nagiging makata na ako, hindi ko na pinansin pa. I don't care if I'm korni or what, as long as masabi ko ang lahat para mabigyan niya ko ng pag asa.
"I know. Am I that difficult to love? Am I not enough?" tila lahat ng sinabi nyang iyon ay patama rin sa akin. Ganitong ganito ang nangyari sa amin nuon. Hindi ko sinasadya, hindi ko namalayan ang nangyari.
Basta ang alam ko... siya lang ang iniisip ko ng mga panahong iyon.
"You're enough, madali kang mahalin Gabby. Don't be this miserable, maraming nagmamahal sa'yo. You don't need him to be happy. Nandito ako."
I was about to hug her when all of the sudden...
<BLAG>
Sapo ko ang balakang at braso habang tumatayo sa pagkakabagsak ko sa kama. AHHG! Sinapo ko ang noo ko nang makaramdam ako ng hilo.
"Señorito? Ayos lang ho ba kayo?" bumukas ang pintuan at pumasok mula roon si Philip. Nagmamadaling tinulungan ako ni Philip sa pagtayo.
"Ayos lang. ARGH!" napahawak ako sa braso kong napuruhan sa pagkakabagsak ko. May kataasan pa naman ang kama ko mula sa sahig.
"Magpapakuha ho muna ko ng bandage at ointment." umalis si Philip at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Nang maiwan akong magisa ay saka ko napagtanto ang lahat.
Panaginip lang.
Lahat ng iyon... hindi totoo.
Ang sama ko para gustuhin ang hiwalayan nila Enzo at Gabby. Pero mali bang isipin at hilingin na ako ulit ang mahalin ni Gabby?
Mali ba?
--------------------------------------------------------------------------------------------
<GABRIELLA's POV>
"Gabbs! Long time no see, baklush!" si Aleli. Eh sino pa nga ba? Siya lang naman ang ganito ka bakla kung makabati.
BINABASA MO ANG
My Typical Imperfect You < Finished >
Teen FictionEverybody thinks you're perfect. But there's this someone who don't. He doesn't hate neither do like you. Naging interesado ka sa kanya dahil siya lang ang tanging may ayaw sa'yo? Pero what will you do kung sa gitna ng pangungulit mo sa kanya to lik...