Chapter 20 : I Think I...

460 6 2
                                    

<Gabriella's POV>

Hindi ko alam kung bakit... pero... naiilang ako.

"Okay. Last part nalang ang kulang, makukuha mo na nang buo." --Enzo.

Katatapos lang ng unang practise namin para sa hapon na ito. Pinahapyawan niya pa yung susunod na steps para raw maisunod ko na.

Ang kina-iilang ko lang ay yung hindi niya pagbitaw sa kamay ko, samantalang nag-uusap lang kami. Pinipilit ko nalang na hindi niya mahalata na kinakabahan ako.

SH*T! Di tuloy ako makatingin sa kanya ng diretsyo, kasi ba naman hindi man lang ito nailang na hawak kamay pa kami.

Palibhasa kaming dalawa nalang ang nandito kaya hindi siya naiilang.

"Huy!" sabay galaw pa sa kamay ko na hawak niya.

Grabe, hindi talaga siya nakakahalata.

"Oh??"

"Nakikinig ka ba??" nakakunot pa ang noo nito na nagtatanong sa akin.

"Oo naman. Ang diwara mo naman kasi eh." sinadya kong magkamot ng ulo at itaas ang kamay naming magkahawak pa rin hanggang ngayon.

Sana naman maintindihan na niya.

Nang makita niyang hindi ako makapagkamot ng ulo saka niya yata nawari na magkahawak pa rin yung kamay namin. At doon nagawa niya rin sa wakas ang bumitiw.

Hayyy! Sa wakas.

Pero medyo nasobrahan ata yung pagkailang nito. Bigla itong lumakad palayo at naupo sa isang armchair. Sinundan ko lang siya ng tingin.

I felt the awkwardness. Nangibabaw ang katahimikan sa amin dalawa, pati tuloy ako naiilang na rin sa kanya. Nag isip naman ako ng ideya para mawala ang katahimikan.

"Enzo... may joke ako." sabi ko sabay upo sa tabi niya. Umusog pa siya para magbigay ng space sa pagitan namin.

Tumingin lang ito sa akin, nagtataka kung bakit bigla akong nag-open ng ganoong topic. Hay bahala na. Wag naman sanang okrayin!

"Anong first name ni... PICACHU??"

...

...

...

"IIHHH! Enzo naman... sabihin mo 'ANO?'."

My Typical Imperfect You &lt; Finished &gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon