Chapter 6 : Like me, Enzo

501 8 0
                                    

Its been 3 weeks since I last saw Aleli. And that was the mall date. Ilang araw ko na rin iniisip kung ano marahil ang pinagkakaabalahan niya. I called her yesterday. She seems okay. Gusto lang raw niyang magpahinga sa bahay niya. Alone. Nagbibiro pa sya. But knowing her.. hindi siya napipirmi sa isang lugar lang. Lalong lalo na sa bahay na nag iisa lang siya. I'm beginning to suspect na nag-eemo siya. Nagdadrama. And that's keeping me worried. Hindi niya forte ang magdrama.

I can't believe her. Ngayon lang ata siya hindi nagsasabi ng secrets niya sakin. Ayoko siyang pilitin pero this time I have to know.

And I have to take the old Aleli back.

Hindi ko alam kung anong ginawa ng Canada sa kanya. Pero kung ayaw niyang sabihin, I'll try to read between her lines.

At mamaya..after ng mga classes ko sa kaniya ako didiretsyo.

"Kuya Enzo!" kahit hindi Enzo ang pangalan ko pati ako napalingon sa babaeng tumawag. Na-curious ako kung bakit parang nag wawalk out si Enzo. Tumigil rin siya nung narinig niya yung tumawag sa kanya pero halatang iritable.

Kailan ba hindi naging iritable tong tao na to?

Tss. Magiging close rin tayo Enzo. Hindi mo mapapansin pero once I entered your life.. I won't be backing out.

---

Sa CR ako nagpunta after kong kumain mag isa sa cafeteria. Kanina nung pumasok ako sa cubicle mag isa lang ako pero may nadatnan na rin akong dalawang magkaibigan na pamilyar. Ahh. The freshmen.

Hindi naman nila ako masyadong napansin kasi parang busy sila sa pinapanuod nila sa cellphone. Naririnig ko yung tunog kahit na di gaanong kalakas ang volume dahil nag eecho rin naman.

"Sayang yung routine nila na yun noh? Saka masyado na nilang pinaghadaan yung program na yan para iiperform sa orientation. Tskk! Sayang talaga."

Biglang nagsalita yung isa pagkatapos nitong mapanuod yung video. Itinago na agad nung isa yung cellphone sa bag niya at kumuha ng powder.

Malamang tungkol yun sa freshmen orientation day. Parang acquiantance party na rin. Halos lahat ng club magpepresent to attract students para sumali sa kanila.

Ready na ang club namin para doon. Isang simpleng performance lang ang balak namin gawin since hindi naman kami hirap makakuha ng mga bagong members. Ngayon palang kasi may gusto nang sumali. Naghihintay nalang ng schedule ng auditions.

Mas complicated lang yung kila Enzo. Their club seems to have the best performance every year. Laging may bago. Nakakahanga bawat members. Lahat may panlaban. Kaya isang malaking hamon din sa mga balak mag audition ang pagpasok sa club nila. Cause they were simply amazing.

Kusa akong ngumiti nang tumingin yung dalawang babae sakin. Nakilala nila ako agad kaya parehas silang ngumiti.

"Hi Gabriella."

"Hello." sabi ko. Hindi ko sila kilala sa pangalan. They just look familiar. It would be rude if.. itatanong ko pa sakanila ang pangalan nila diba?

"Correct me if I'm wrong ate Gabriella." lumapad ang ngiti ko sa "ate" word nung isa. Ayoko usually ng nagpapatawag ng ate unless sobrang laki ng agwat. Oh well.

"Diba, you're also part of the dance club?" uhmmm.. ilang segundo akong natahimik.

"Uhm.. sort of. Hindi na kasi ako active member." ibinaba ko ang bag ko sa tabi ng sink. "Hindi na rin ako updated sa group." dagdag ko.

"Ahh, that's why." sabi nung isa habang nagtitinginan sila. Nagtaka ako. Ano bang balita sa group nila.

"That's why.. what?" tanong ko.

"We're planning to take the audition kasi. Then we overheard na you're a member of Titans. Nagtataka lang kami kung bakit hindi ka namin nakikita pag nanunuod kami ng mga practice nila." paliwanag nung babaeng kulot. Ngumiti lang ako habang nag aapply ng lipstick.

"Do you have plans of coming back to Titans?" tanong nung straight-black hair girl. Tapos na kong mag ayos ng lipstick ng balikan ko ng tingin ang reflection niya sa salamin.

"Plans? Uh I don't think so. Madami kasi akong activities ngayon. Saka hindi naman ako ganoon kagaling sa dancing. I prefer singing nalang." sagot ko. SInara ko na yung bag ko after ko maglipstick.

 "Sayang naman. May problema pa naman ang Titans ngayon. I just hope maresolve nila agad." sabi nung isa tapos nilabas ulit yung phone nya.

"Anong problema ng Titans?" tanong ko out of curiosity. Concern pa rin naman kasi ako sa grupo. Iyon kasi ang kaunaunahang club na sinalihan ko sa school na to. It was because of a stupid reason kaya ko binitiwan ang group.

"You know Jenny?" umiling ako. Perhaps a sophomore. So what about her? "Si Jenny ang partner ni kuya Enzo sa tango. Okay na sana ang step nila kahit papano. Kaso.. naaksidente siya last night. Unconscious pa siya hanggang ngayon. She had minor fructures kaya palagay namin, mahihirapan na silang mag overall practice. Walang gustong pumalit sa place ni Jenny. Isang linggo nalang orientation na. Ayaw nilang mapressure." by that mas lalo akong nacurious. Kung walang may balak pumalit sa partner ni Enzo. Paano na ang performance nila?

Then it stikes me.

Pwedeng ako.

Pero kinabahan ako sa mismong naisip ko. It's been ages since I first danced in public. Classical dance pa. And knowing Enzo.. hindi ko siya mapapapayag na isali ako.

"I don't think they have plan b. Bilang chairman ng group nila, Enzo, might be so stressed right now. I saw him kanina na paalis in his car. He's... so.. grumpy right now." nag angat ang kilay ko sa sinabi nung isa. Gusto kong matawa. How ironic. Are there times when he's not grumpy? I don't think so.

"Ah! May klase pa pala kami. Sige ate Gabriella. We have to go. Bye." sabi nung kulot sabay wave at hila sa kasama. Nagwave din yung isa kaya ngumiti ako lalo.

"Bye. Goodluck." habol kong paalam.

A long silence give me time to think of things. Itutuloy ko ba ang balak ko? Would I fit as his partner? Baka mapahiya lang ako.

Sa buong buhay ko.. iisang tao lang naging partner ko. Iisang tao lang ang nakakatapat ko. Pinagkakatiwalaan. From the first till the last. Si Rafael lang.

Would I or not?

GEEEZZZ!!

Lumabas na ko ng CR to find Enzo.

This is a risk, Lorenzo Vallejo. Never turn me down when it comes to a once in a lifetime opportunity. You'll regret it. Cause I won't take 'no' for an answer.

 This is my first step to you.

Better watch out. Cause I'll make you LIKE ME.

.................................................................................................

'zAnds ♥

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon