Chapter 40: It's Okay.

323 6 2
                                    

Kanina ko pa hinihintay si Gabriella sa parking lot. Actually, sabi niya mauna na ko umuwi, pero dahil makulit ako.. nandito pa rin ako.

Naglakad na ko papunta sa music room kung saan nasa practise si Gabby.

Hindi ko maiwan si Gabriella, lalo pa't alam kong nasa paligid lang si Rafael. At kahit alam kong hindi naman na mahal ni Gabriella si Rafael, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Rafael.

"One day... I'll be Gabby's boyfriend again. And when that happens... you would never have the chance to get her back."


Inaamin kong natakot ako. Si Gabby na ang pinag uusapan dito. Hindi ako papayag na mahulog ulit ang loob ni Gabriella sa kanya.

They're bestfriends... at alam kong nandoon pa rin ang pagmamahalan sa kanilang dalawa. Kay Rafael alam kong pagmamahal ng isang lalaki sa babae ang meron siya para kay Gabby...

Si Gabby naman... miss na niya ang bestfriend relationship nila ni Rafael. Yes I know... I can tell. Kahit pa hindi aminin ni Gabby...

Pag nakikita niya si Rafael.. her eyes were lonely. And I can't stand looking at her being that way.

"Enzo."

Nasa gitna ako ng pagmumuni muni ng may tumawag sa pangalan ko. Automatic akong napalingon at napabaling sa ibang direction ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin.

Ayokong makipag usap sa kanya.

Ughh!

At buti nalang hindi ko kasama si Gabby kundi Kaboom.

Buti na nga lang hindi pinalala ni Gabby yung pang iisnab ng babaeng ito sa kanya ehh. Well, I know Gabby knows what's right at alam niyang makakasira lang ito sa imahe niya.

"Enzo... Wait naman." she stopped me by my arms. Tinignan ko siya ng masama. Kapal ng mukha niya para hawakan pa ko at pigilan.

"Nagmamadali ako, Suzette." I forcely get my arms back from her. Can't stand her presence.

"Sabi ko na nga ba... Galit ka pa rin sa akin. SO ibig bang sabihin nito, mahal mo pa rin ako?" sigaw niya dahil medyo nakalayo na ko sa kanya.

Buti nalang walang nakakarinig.

"Hindi ko galit sa'yo. Ayoko lang maging kaibigan mo." masakit ang nasabi ko. Oo. Bakas nga ang galit sa sinabi ko pero hindi ko napigilan, at ngayon masasabi ko. gumaan na ang loob ko.

"Mahal kita.. Enzo."

Napangiti ako ng mapakla. Saka ko siya hinarap.

Nakita ko ang pag agos ng luha sa mata niya. Bahagya humupa ang galit ko, ayokong nagpapaiyak ng babae. 

My Typical Imperfect You < Finished >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon